Chapter 22

22 1 0
                                    


Fiona pov

'Dear diary

Diary dito na ba matatapos ang love story namin ni xavier?bakit ganun diary?ang buong akala ko pa naman ay matutupad na ang mga pangarap ko para saamin ni xavier ang buong akala ko ay may chance na ako sakanya pero.....bakit ganun diary?hindi pa ba sapat yung effort na ginawa ko para lang bigyan niya ako ng chance?yung ex parin ba niya ang mas mahal niya hanggang ngayon?natatakot ako diary ayokong mawala si xavier mas lalo akong nasasaktan sa tuwing naiisip ko yung mga sinabi ni xavier kaninang umaga Anong gagawin ko diary?ayokong lumayo pero si xavier na mismo ang nagtutulak saakin'

Halos hindi ko na nagawang makapasok sa school matapos ng nangyari kaninang umaga buong maghapon akong nagkulong sa kuwarto at nagmukmok halos hindi ko rin magawang kumain dahil wala akong gana hindi ko maramdaman ang gutom kahit nagpalipas na ako ng agahan at tanghalian.

ewan ko ba kahit iniyak ko na ang lahat nandito parin sa dibdib ko ang sakit gusto ko ulit umiyak kaya lang ang sakit na ng mata ko.

lumabas muna ako ng kuwarto para magpunta sa kusina at uminom ng tubig kaya lang natigilan ako ng makita ko ang pamilyar na bag na nakapatong sa lamesa naramdaman ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko ng marealize ko kung kanino yon

'Nakauwi na siya?pero bakit ang aga naman yata?'

"Hindi ka pumasok?" Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang boses na yon

"Xavier naman bakit ka nanggu-gulat?!"
bulalas ko ng harapin ko ito napansin kong tumaas ang isa nitong kilay pero hindi ko maiwasang makaramdam ng pagalala ng mapansin kong may pasa at sugat ang gilid ng labi nito

"X-xavier anong nangyari sayo bakit may pasa ka?" Gulat na sambit ko ngunit umiwas lamang ito ng tingin

"Uhmm xavier---"

"Hindi ka pumasok dahil magdamag kang umiyak?"

"H-huh?h-hindi nohh kagigising ko lang kase kaya namamaga yung mata ko" Pagdadahilan ko

"Really?" Sambit nito na mabilis kong ikinatango.
hindi ko namalayan na nakalapit na pala saakin si xavier hindi ko inaasahan na itutulak ako nito mabuti na lamang ay sa sofa ako bumagsak

'huhuhu galit ba talaga sakin si xavier kaya niya ako tinutulak?huhuhu'

"Xav---" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng mabilis na nakalapit si xavier saakin sobrang lapit rin ng mukha nito saakin at mataman akong tiningnan ramdam na ramdam kong mas lalong bumilis ang kabog ng puso ko pakiramdam ko nga ay naririnig ni xavier ang tibok ng puso ko.

wag naman sana T^T

Hinawakan ni xavier ang panga ko pero hindi naman iyon mariin

"Fiona do you really love me?" Napalunok ako ng mahimigan ko ang boses ni xavier.

bakit ganun imagination ko Lang ba yun?

"Uhmm o-oo" Narinig kong natawa ito

"Why do you hesitate?"

"Uhh ehh k-kase a-ano ehh uhmm---"

"Never mind"putol nito sa sasabihin ko binitiwan nito ang pagkakahawak sa panga ko ang buong akala ko ay aalis na si xavier sa harapan ko pero naupo ito sa tabi ko at isinandal ang ulo sa balikat ko

Huhuhu pano nga uli huminga at ibalik sa normal ang tibok ng puso ko?

'ano kayang nakain nanaman ni xavier at bakit nag iba nanaman ang kilos nito?parang kanina lang ay inaaway ako nito pero ngayon parang ang lambing niya huhuhu mas lalo tuloy akong nafa-fall sa kanya'

Got Married To My Longtime CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon