Kaunti lamang ang mga flaglets na malapit sa area where the safe zone and tents located. Kung mayroon man ay mga yellow flags iyun at 20 pts ang katumbas niyon.
At dahil nahati ang Class F sa tatlo, nag-iba iba na kami ng lugar na paghahanapan, some of my group ay pumanik ng napakahabang hagdan at doon nag-ikot. Hindi na kami naglaan ng maraming oras kakahanap malapit sa tents and buildings at mas piniling maghanap sa magubat na parte ng lugar.
Halos lahat ng Classes din ay naghiwa hiwalay, at ang nakakamangha ay ang mga Class A, dahil isa isa silang naghiwalay! D*mn, mukhang kahit isang miyembro nila ay di namin mapapantayan kahit maging apat man kami na magkakasama.
"Waaaaaaaahhhhh akin yannnnn!!!"
"Araaaaayyyy!!!"
Nahinto kami sa pagtakbo ng marinig ang sigaw na iyon.
Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa isang Class A dahil sa pagkagat ni Chelsea sa kamay nito na may hawak na red flaglet, hindi ko napansin na humiwalay si Chelsea sa amin...
Tinginan at tawanan ang mga ilang nakakakita sa dalawa.. poor guy...
"Eto na nga! Sabi ko nga sayo yan! F*ck!"
Si Raven ang nakagat na iyun, agad na binitawan niya ang flag at wala pa sa alas quatrong hinablot ni Chelsea sabay takbo nito papunta sa amin.
"Taaadaaa!! Tara na!"
"May sa lahi kang aswang!!" rinig kong sigaw ni Raven.
"Bleeehhh!"
Naiiling na lamang akong hinila si Chelsea patakbo sa gubat. Kasunod namin si Christopher at Jeth.
We got 4 flags now, tatlong yellow, at isang red flaglet na nakuha ni Chelsea. Si Jeth ang nagtatago ng flaglet sa ilalim ng shirt nya which is suggested by Christopher para raw iwas nakaw, that was ingenius.
"Hindi ko na makita sina Gian, Kenzo at ang iba...."
Christopher said habang tumatakbo kami sa loob ng gubat at naghahanap.
"Walang kaso, basta raw bago mag 4pm ay nasa safe zone na tayo, doon na tayo magkikita kita..." Jeth said.
I nodded, iyon ang naging usapan namin.
"Teka! Guide me...."
I stopped infront of a tree na may nakasabit na blue flaglet. Medyo nasa kalagitnaan na kami ng gubat at wala kaming masyadong makitang students sa paligid. What a luck!
"Shhh.... we must do it silently" Chelsea said.
I nodded at agad na humanda para umakyat. I voluntered to do it, kaya ko namang umakyat.
I take off my snickers at tumuntong sa tig dalawang palad nina Christopher at Jeth while Chelsea is looking around.
I made their strength to be my momentum as they lift me up at agad akong kumapit sa sanga, lift my body up and flip upwards para makatuntong sa sanga ng safe.
"Wow, how did you learn that Athen...." Chelsea amazingly said.
"Training?" I wink at agad na umakyat pa pataas para abutin ang flaglet.
Thanks to Kuya Caliber na kahit sa way ng pag-akyat ay tinuruan ako kahit nagmukha akong unggoy at halos magkanda bali bali dahil sa pagkahulog.
When I reached the blue flaglet ay hinablot ko na ito, pero nang mga oras na hawak ko ito and ready myself from going down ay bigla kong nabitawan ang flaglet when I felt my hand sting na parang may tumama ritong matigas na bagay.
Hindi nila Chelsea nasalo ang flaglet, dahil ang nakasalo nito ay isa sa mga Class A, the guy Rios Anderson, if I am not mistaken....
"Hoy! Bat ka nambabato?!" matapang na tanong ni Chelsea..
YOU ARE READING
𝐄𝐥𝐮𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐃𝐚𝐫𝐤𝐧𝐞𝐬𝐬: 𝐋𝐮𝐱𝐯𝐞𝐥𝐥 𝐇𝐢𝐠𝐡 ✓
Action"Everyone has a monster within themselves, don't be deceived on what you can only see. You are one of those hideous monsters as well" ~ Gregory Ash Don-Luxvell Will you throw away your humanity just to survive? Welcome to Luxvell High: School of Un...