Ngayon ay ang Physical Training namin. Suot ang PE Uniform, pumasok na kami sa klase. At dahil basic training pa lang, pinatakbo kami ng prof namin ng 5 times sa malaking oval na malapit sa Dormitory.
Tagaktak ang pawis ko habang tumatakbo, ang iba naman ay napaupo na sa oval at panay ang reklamo. Sina Gian at Kenzo naman ay mukhang nag-eenjoy, porket sanay sa sports ang mga tukmol.
"Ayoko na!!!" sigaw ni Chelsea pero tuloy pa rin sa pagtakbo at sinasabayan kami ni Reine.
"T-this training w-will enhance o-our endurance" hapong hapong pilit na sinabi ni Reine.
Panay ang hingal ko at gusto ko nang maglupasay sa oval, sobrang init rin at gusto ko nang tumigil, pero matatapos na namin ang 5round na ikot sa oval.
Nang itinawag na kami ng Prof naming si Sir Chavez, saka sya ulit nag-instruct.
"For now magpahinga muna kayo, marami pa tayong activities na gagawin ngayon. Kahit na nasa Class F kayo ay kailangan niyo paring matuto"
Tahimik kaming nakikinig habang nagpapahinga.
"Class F, where new, not yet enhanced students are here. Ang iba sa inyo ay pipiliing manatili sa klaseng ito sa halip magrank up papunta sa Class A"
Nagkatinginan kaming apat at pinagpatuloy ang pakikinig.
"Hindi lingid sa kaalaman niyo ang pagrarank up. Class A students are those who are already qualified and choose to enter the world of Luxvell, habang ang Class B-E naman ay tinatahak ang daan papunta roon, ang iba naman ay para lang lumakas. Habang kayong naririto ay mga baguhan, hindi pa gaanong sanay o kaya naman ay walang planong pumasok sa underground society, pero kahit na ganun kailangan niyo pa ring matuto ng katulad ng abilidad ng mga Class A, with the advanced teaching to them i hope na matutunan niyo rin" he ended it as he dismissed us para pagpahingahin.
Sa pananatili namin rito ay unti unti na naming sinasanay ang sarili namin. For me i don't want to rank up, i rather choose to avoid the underground society as much as possible, na ayon na rin sa sinabi ni Sir Chavez, Class F na piniling mamuhay ng normal pagkatapos ditong mag-aral.
Mabuti na lang at malapit ang locker room naming mga Class F, na sinadyang ginawa para hindi kami mahirapan.
Agad akong nag-ayos at nagbihis, dahil isang oras ang break, mahaba haba na rin ang pahinga na pinili naming sa cafeteria namin gawin.
Nang matapos mag-ayos, dumiretso na kaming lima sa cafeteria at naupo sa paborito naming pwesto.
Kaagad naman kaming nag-order ng makakain at maiinom namin. We are focused on talking and laughing nang biglang isang grupo ng mga kalalakihan ang pumunta sa table namin.
"Mga bagong salta kayo rito hindi ba? Lumipat kayo ng mesa, gusto ko ritong kumain" sabi ng lalaking mukha namang ogre.
Natigilan kaming lima sa pagkain at tumingin lang sa kanila ng tahimik. Umalingawngaw ang malakas na hampas sa mesa ng hindi nito nagustuhan ang reaksiyon namin.
"Aba, ang lalakas ng loob ng mga baguhan na'to ah" ngingisi ngising sabi nito.
I stand up. Hinarap ko ang mukhang ogre na lalaki na mukhang leader ng limang asungot na nasa likod nito.
"Athena..... " kalmadong saway ni Gian, habang si Chelsea naman ay nakahawak sa isang kamay ko, pinipigilan sa kung ano man ang balak kong gawin.
At dahil kumakain ako ngayon ng chocolate cake, ito ang agad na napulot ng kamay ko at isinampal sa mukha ng lalaki. At dahil sobrang lakas ng pagkakasapak ko nito kasama ng plate, bumagsak ito sa sahig.
"Just F'ck off Jerk! Sa lahat ng ayaw ko ang iniistorbo ang pagkain ko!!!" bulyaw ko rito at nagkaroon na ng tensyon sa loob ng cafeteria.
"You B'tch!!"
YOU ARE READING
𝐄𝐥𝐮𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐃𝐚𝐫𝐤𝐧𝐞𝐬𝐬: 𝐋𝐮𝐱𝐯𝐞𝐥𝐥 𝐇𝐢𝐠𝐡 ✓
Action"Everyone has a monster within themselves, don't be deceived on what you can only see. You are one of those hideous monsters as well" ~ Gregory Ash Don-Luxvell Will you throw away your humanity just to survive? Welcome to Luxvell High: School of Un...