Chapter 40: Blames

34 6 0
                                    

Kenzo's POV:

"Hindi tayo pwedeng makita....."

Yan ang sabi ni Christopher habang naglalakad kami sa school ground.

"Marami pa bang camera ang nakapaikot sa paligid?"

Marami kaming iniwasan na mga camera na para sa laro ng Mafia. Once na mahuli kami rito, maaaring mabago ang takbo ng laro...

"Sobrang rami, kung pwede lang sana nating sirain ang mga iyun ay ginawa ko na...." sagot ni Christopher.

Yeah, we both know about it at ang kailangan naming gawin ngayon ay hanapin ang iba, as what Forter asked.

"Doon tayo..."

Itinuro ni Christopher ang building kung saan kami pumapasok, mostly Class F's class were there, maging ang sa P.E.

"Is he so sure na merong mga students na nasa labas pa?"

"Once it came from Forter, asahan mong totoo kaya kailangan nating magmadali bago pa man magsimula ang second stage....."

I nodded at hawak ang baril, agad na naming inisa isa ang mga classroom.

Ito ang unang sabak ko sa ganitong sitwasyon kaya't kinakabahan ako at nakakamanghang si Christopher ay sanay na sa gawaing ito..

Dumagdag ang kaba sa loob ko dahil hanggang ngayon ay hindi ko alam kung isa ba sina Gian at Chelsea sa mga students na nasa Gymnasium, the f*ck, kailangan namin silang iligtas!

Natigil ako sa malalim na pag-iisip ng biglang sumenyas sa akin si Christopher...

"See that room? Our P.E room?"

Agad kong tinitigan ang pinto ng classroom namin na iyun maging sa isang camera na nakakabit sa itaas ng kisame. We need to be careful...

Nagtaka ako ng biglang kunin ni Christopher ang dala niyang pistol at binaril ang camerang nasa taas, wtf?!

"Akala ko ba wag sisirain?!" mababa pero diin kong pagkakasabi.

"Hmm, sagabal iyun. Hindi naman siguro sila magtataka kung may isa o dalawang cam na masira, tara!"

Naiiling na lamang akong tumakbo kasunod niya, mabuti naman at may silencer ang baril niya...

Mabagal naming nilakad ang madilim na corridor, the moonlight lighted up our way kaya hindi naging mahirap ang pagpasok namin...

Agad kong kinatok ng maingat ang bawat classroom at nagsalita kung may tao ba pero walang sumasagot, matakot tayo kung multo ang magsalita...

Abala sa pagmamatiyag si Christopher hanggang marating namin ang P.E room ni Mr. Chavez...

Wala akong balak katukin ang classroom dahil sarado ito mula sa labas, but something urge me to knock...

Dahan dahan kong kinatok ang pinto, tatlong beses at nakaramdam ako ng kakaiba ng may kumaluskos sa loob... F*ck! Baka multo!

'Umayos ka Kenzo, gutom lang iyan....'

"Hello?"

I asked just enough to be heard in our premise..

Walang sumagot kaya't nagtawag ulit ako pero wala pa rin....

I sighed at umatras at lalagpasan na sana ang classroom ng may marinig akong ingay na nanggagaling sa loob...

𝐄𝐥𝐮𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐃𝐚𝐫𝐤𝐧𝐞𝐬𝐬: 𝐋𝐮𝐱𝐯𝐞𝐥𝐥 𝐇𝐢𝐠𝐡 ✓Where stories live. Discover now