Chapter 12 "SWIMMING POOL"

23 3 2
                                    

CHAPTER 12

”SWIMMING POOL”

Matapos ang landian session nila dun sa damuhan… OO! Landian yun kahit pa marami sila. Mga bwiset.. Kakahighblood. Ayun.. kainan na. Wee! At syempre as usual ang universal ulam… adobo with egg na nakabalot sa dahon ng saging na inorder sa DMV Restaurant..

A/N: Hay nakakamiss..

“Girl tara ligo na tayo?”, akit nina Micah sa akin. At ang mga bruha ready na…

Nilalamig ako girls…kayo na lang.”, Sabi ko. Nilalamig talaga ako promise. Later na lang.

“KJ.. dali na kasi… yah…”, akit ni Rae. Ang kulet sinabing mamaya na.

“Mamaya na nga lang..promise susunod ako..”, sabi ko. Buti naman at hindi na sila nagging makulit at ayun… umuna na nga sila.

Nakipagvideoke na lang ako kina Wilfred. Pero hindi pa ata lumilipas ang limang minuto ay sumunod na ako. Nagbihis na din ako ng swimming attire… nag two piece ako.. bra at panty. JOKE! Shorts lang at tshirt… kayo naman.. di ko keri mag 2 piece aney.?

Nung makapagbihis ako.. nagsimula na akong maglakad papunta sa swimming pool kung saan andun yung apat. Medyo may kalayuan din kasi yung pool sa hallway eh.. buti na lang maliwanag naman yung dinadaanan at marami din naman naliligo….

“Tabi nga….!”, Tonggolo naman.

“ANO BA??!”, singhal ko. Alam niyo na kung sinong balasubas na lalaki ang nantabig sa akin. Leche!

“Ooops… sorry.. Wag kasing pahara hara sa daan…”, sagot nya.

“Bulag ka ba?? O Tanga ka lang talaga? Kita mong lawak na lawak ng daan mananabig ka?”. Bwiset na ito.. sakit ng balikat ko ha..

“Ay oo.. bulag ako… sorry ha hindi ko kita…”, Tapos pumikit sya at umaktong parang bulag. Bullshit! Nakakaasar.. hindi ko maintindihan kung nang-aasar ba o talagang bwiset lang sya. At may pagngisi pa… ito namang sina Ivan aba at pigil pigil pa ang pagtawa. “Tol,.. alalayan niyo ako bulag kasi ako…”

The 9 Spring LEafTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon