Chapter 20: The Three Musketeers

27 0 0
                                    

CHAPTER 20

The Three Musketeers

+POV ni Mare/Erin Grace+

 

“Grabe nga…akalain ba naman ninyo na nagpaturo sa akin ng Algebra… grabe girl.. Algebra eh ang bobo bobo ko kaya sa Math…”, hyper na hyper na pagkukwento na naman ni Mare.

Kasalukuyan kaming andito sa may 3rd Floor ng CTE building, 10:15 pa lang, may 45 minutes pa kaming nalalabi para makapagreview sa Economics. Pero hindi kami makapagreview kasi ang ingay nitong si Mare, andaming alam na kwento. Andito kami sa parteng dulo, malapit sa room 309. May mahabang table at upuan kasi dito, parang inilaan talaga para sa amin. Haha.

“Ay anong nangyare?”, tatawa-tawa namang tanong ni Fiona. Kasalukuyan nga pala kaming magkakakwentuhan dito ni Micah, Angel, Wilfred, Fiona, Leorita, Jane, si Mare at Ako.

Ay nako.. ganito kasi yun. Lumapit sa akin yung kuya ni Mikosh habang nagtututor kami ni Mikosh, 2nd year High school na yun eh, pero ang gwapo grabe, mas matangkad sa akin tapos,…wee! Basta gwapo.. Haha..”, pagkukwento niya.

“Mare akala ko ba kay Dylan ka?”, sangat ko tapos bigla siyang napatigil at kita niyo yung hitsura niyang pinipigilan niyang magreact but still, napaka-transparent niya lang kasi she’s so affected…yes, it’s written all over her face.

“Uyyy…natahimik…hindi bawal ang ngumiti, tumawa o magreact…”, pang-aasar naman ni Fiona.

“Mga abno…para man din kayong abno…”, naiinis na react ni Mare but…she’s blushing again. Ang cute.

“Ayaw mo pa kasing aminin…”, irap naman ni Angel.

Wala akong aaminin…alam niyo..kayo gumagawa kayo ng isyu…”, defend niya. Naku.. si Mare pa mapaamin nila? Eh sa sarili nga niya hindi nya maamin? Sa harap pa ng iba? Sus. Haha.

“Aminin mo na kasi na nafa-fall ka na kay Dylan…promise pag inamin mo na sa amin eh hindi ka na namin aasarin at lolokohin…”, panggagatong naman ni Angel. “Plus…we’re gonna shut our mouth for that issue….promise!”, dugtong pa niya.

“Mare…amin na.. ok lang yun Mare, walang masama…”, panggagatong ko. Malakas ang sense ko na alam na ng Most Behave Girls (Micah, Rae, Jane at Geenie). Hindi kasi sila naimik, tagatawa lang sila.

“Awan… wala akong aaminin…”, matigas na sabi niya at pakunwa’y kinuha na yung notebook, nagkunwaring nagbabasa pero ang totoo wala yang naiintindihan sa binabasa niya. Pantakip lang yan sa mukha niyang nangangamatis na naman.

“Baligtad po yung notebook mo..”, comment naman ni Jane. Sabi sa inyo eh kunwari lang yang nagbabasa.

“Ay, hehe.. o-oo nga ano?”, nahihiya pa nyang imik sabay balik sa binabasa.

The 9 Spring LEafTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon