Chapter 22: First Love

18 0 0
                                    

CHAPTER 22

FIRST LOVE

 

++Kia's POV++

 

Natapos na ang boring na program at nagsimula na ang pinakananabikan ng lahat—-the PARTY. Syempre ito lang naman talaga ang ipinunta ng mga tao dito. Ang magsaya. Ang magsayaw sa dance floor at makipag PARTEY PARTEY to da max.

Unang tugtog ay mga pang party talaga. Mejo rock pero masayang tugtog. The lights went off at tanging mga makukulay na ilaw na lang ang nagbibigay liwanag sa buong gymnasium. Parang disco-han na ang loob.

"Let's dance mare! Come on!", sabay hila sa akin ni Mare. Hinila ko na din sina Genie at Jane.

At ayun nakipagparty party na din ako. Ito lagi ang meron pag ganito eh, gagawa kayo ng circle at nagsasayaw with all your craziness tapos biglang may pupunta sa gitna ng bilog at sya ang bibida sa pagsasayaw.

"Go Byron! Sayaw pa Byron!" pangchi-cheer namin habang si Byron naman ay nagmamacho dance sa gitna. Para siyang tanga pero grabe nakakatawa.

Maya-maya ay biglang pumasok sa gitna yung isang bading na Filipino major at sinayawan si Byron. Mga mukha talagang ewan. Maya-maya naman ay hinila ni Byron si Angel at siyang ipinalit sa pwesto niya.

"Takte ka Byron bat ako??", natatawang singhal ni Angel.

"Dali na Angel... sayaw Angel!", panchi-cheer ulit namin.

Hindi na nakatanggi si Angel dahil sa tuwing aalis sya sa gitna eh itutulak naman sya pabalik sa gitna kaya ang bruha pinanindigan na at nag sexy dance na  sa gitna. Hahaha.. Lumalabas ang pagka-wild ng mga bata. Haha. Wag lang ako ang itutulak nila sa gitna ay jusme baka mamaya eh makapag dance revo din ako. Haha JOKE!

"Si Kia naman!!", sabay tulak sa akin ni Rence at ni Rocky! Mga walanghiya kasasabi ko lang di ba?

"Shet! Wag ako!" atungal ko pero di ko mapigilang mapatawa eh kasi nakakatawa talaga. At kahit anong gawin kong balik sa pwesto ko eh ibinabalik nila ako sa dance floor.

Wala na akong nagawa. Nagpakendeng kendeng ako... gumiling giling, nag sexy dance kahit trying hard wag lang masabing KJ. Hahaha. At todo cheer naman sila... mahiyain kasi ako hindi talaga ako marunong magsayaw pero kung hangalan at bang-awan na sayaw ang hanap nila eh ipapakita ko ang wild crazy moves ko. Hahahaha. At yun nga ang nangyare, para akong sinapian ng masamang espiritu sa ginawa ko. Haha.

Matapos kong maging baliw at mabang-aw sa ginawa ko eh umayaw na ako. Aba! Kakahingal kaya...

"Aray! Shanggalaer!"

 

"Ayos ng mga moves mo ah...", sabi na at wala namang ibang mambabatok sken kundi itong palakang ito.

"Kelangang mambatok? Batukan din kaya kita jan..", tatawa tawa kong imik. Mejo good mood ako at isa pa sanay na ako sa pambabatok nitong lalaking ito.

The 9 Spring LEafTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon