CHAPTER 23
CHASE ME!
+POV ni Kia+
"Mare kumusta?", tatawa tawang tanong ni Mare nung makaupo ako.
"Painom mare... pinagpapawisan ako!", sabi ko sabay inom nung ibinigay sken ni Karen. Dere deretso ko itong ininom. "Potek! Bat ganun yung lasa? Lasang alak! Bat lasang alak yung tubig Karen??", shet! Ang pait! Bakit gumuguhit sa lalamunan ko? Nahihilo ako.
"Hahahahaha.... Ayan girl natikman mo na ang The Barr, green apple flavor. Ayos ba?", tawang tawang imik ni Karen.
"Leche ka Karen! Kaya pala ganun yung lasa... shet! Nahihilo ako!", walanjo!
"Ikaw ba naman girl ang derederetso mong inumin yang kalahating basong The Barr? Ano ayos ka lang? hahaha.. ", sabi naman ni Micah.
"Mare next time kasi magtanong muna.. at amuyin muna ha. Haha",
"Shet! Nahihilo talaga ako...", walangya talaga yang si Karen ipapahamak pa ako. Wahh! Nakakasuka!
Nag-CR muna ako at ayun isinuka ko dun yung ininom ko. Putik talaga! First time kong uminom ng ganun kadami...swear! BAkit ba ang daming nahuhumaling sa pag-iinom eh ang sama sama naman ng lasa nun? Bwahh!
Bumalik na ako sa upuan at ayun rock na naman na masaya ang tugtog so everybody is on the floor again. Hinanap ko ang mga kaklase ko at ayun ang saya nila. Ako? Dito muna sa upuan... mejo nasusuka pa din kasi ako.
Aaminin ko... hinahanap na naman ng mata ko yung parrot na yun. Wala siya sa dance floor. Wala din siya sa mga upuan dito. Asan kaya siya ano?
**PAKK!**
"Aray! Hayup!", Walanjo!
Oo.. speaking of the devil. Sya yung dumaan at pangahas na nambatok sa akin.. Takte di ako nakaganti eh. Ambilis. Pinabayaan ko na lang at piangmasdan kung saan saya tumungo. Ayun nakita ko siyang nakisali sa mga kaklase namin. Mukhang lasing na din dahil sumasayaw na siya ng parang asong ulol.
Ok na din yung ganito kami atleast after nung "sweet dance" namin kanina eh mejo wala na yung awkward moment. Ineexpect ko kasi na hindi na kami magpapansinan eh.
Nakisali na din ako sa mga kaklase ko total di na naman ako masyadong nahihilo.
Take note lang kung anong kasunod na nangyare... dinanggil ako ni Dylan binatukan na naman. Pero mahina lang naman. Alam niyo yung parang nag-aasaran lang kami. Syempre ako naman di rin papatalo, so ginagantihan ko siya.
Hanggang sa maghabulan na kami at kaming dalawa na lang ang magkalaro. Kahit super siksikan eh habulang habulan kami sa gitna.. pag nakakasapak at palo ako sa kanya sya naman yung hahabol sken para gantihan ako ng hampas.
Nakarating kami hanggang sa labas ng Gymnasium sa kahahabol. At take note umuulan...natrap siya sa may dulo at tanging ang tatakbuhan na lang niya ay ang labas na umuulan.
"Hala sige takbo pa Dylan! Ano bat di ka makatakbo ngayon?", tatawa tawa kong hamon sa kanya?
Hindi ko siya mahampas kasi ang galing niyang umiwas.
"Isa! Dalawa!", bilang niya..
"Sige magbilang ka hanggang isang libo...sige la—-Potek!", natakasan ako.. Sumugod siya sa ulan. Hindi ko alam kung bakit yun din ang naging reflex action ko. Sumugod din ako sa ulan at hinabol siya.
"Hoy tanga! Stupid! Bakit ka sumugod? MAgkakasakit ka! Bobo! Bumalik na tayo dun!", sigaw niya sken habang tumatakbo.
"Mas bobo ka!"
Nung makabalik na kami sa loob ng Gym. Tumigil na din kami sa paghahabulan dahil nakakahingal na. May kinuha siya sa bulsa nya at ibinato sa mukha ko yung puting panyo.
"Tuyuin mo nga yang ulo mo...! Tanga mo talaga ehh..Hahaha..", sabay sabi niya.
Hindi ko alam bat ganito na naman naramdaman ko. Di ba dapat mainis ako kasi sinasabihan niya ako ng tanga? Pero hindi eh... imbis na mainis... parang kinilig pa ako? Wahhh! Abnormal ko na ba.?
"Ako pa daw ang bobo... ay grabe...baka ika—ARAY!!", Leche!
"Oh ayan.. hahahaha.. ayan sino sa atin ang tanga? Ano ayos ka lang?",
"Leche! Sino bang hinayupak ang naglagay ng upuang ito dito?? Pahara-hara! LECHE!", ang sakit ah.. bwisiet!
Tumama na nga yung tuhod ko dun sa upuan.. Nadapa pa ako.. bwisiet ahh! Shotangenames naman oh!
"Hahahaha... tumingin ka kasi sa dinadaanan mo...", inalalayan naman niya akog makatayo. "..ang hirap kasi sayo imbes na tumingin ka sa daan eh saken ka tumitingin...", dahilan para lalo akong mapatingin sa kanya. ANONG KAYABANGAN ITO? "..alam ko namang gwapo ako Kia pero ingat naman ha? Hahaha", dugtong pa niya.
"Alam mo ok na makita kong concern ka eh... plese lang wag mo na haluan ng kayabangan mo Dylan Fernandez. Ha?", kontra ko naman sa kanya..
"Hahahahaha... Joke lang naman Kia. Ikaw naman hindi na kita mabiro...", bawi niya sabay pat na naman sa ulo ko.. ginawa na naman niya akong aso. Ay grabe. Pero alam nio that's the gesture I want from him.. patting my head.
Pinkhrytaleine.03
BINABASA MO ANG
The 9 Spring LEaf
RomanceTorpe sya.. pakipot ka... Wala tuloy magyari... May mga tao talaga na kahit anong pilit nating itaboy sa buhay natin pilit na magsusumiksik pa rin... Minsan hindi man natin aminin sa mga sarili natin andun pa din yung damdamin na kahit baligtadin...