Kasalukuyan kami ngayong nasa 2nd Floor ng CAS (College of Arts and Sciences) Building. Dito kasi kami nagkaklase pag Organic Chemistry na ang subject kasi ang professor namin dito ay Dean ng CAS. Magkaiba ang teacher namin sa Lecture at Laboratory pero parehas galing sa CAS Department. And since lecture kami ngayon, may ka combine kaming ibang section or would I rather say ibang course, 20 students from BS Biology. Nasa left side sila, samantalang kaming BSEd naman ay nasa right side yung malapit sa bintana.
Kokonti pa lang kami. Masyado ata akong napaaga, 1:00PM ang time namin dito and according to my watch, it’s only 12:40PM. Napaaga nga ako. Tinatamad akong makipagchikahan kaya heto mukha akong gumagawa ng music video habang nakamasid sa labas ng bintana. Napatingin ako sa bakanteng upuan sa right side ko, ang upuan ni Dylan. Oo magkatabi talaga kami dahil magkasunod kami sa Master List.
Naalala ko na naman ang pagbatok nya sa akin nung isang araw sa library. Bwiset na yun hindi na ako nakaganti. Hayae na nga, sabi nga ni Lord magpakabait. Ok hindi ko na sya gagantihan sa ginawa nyang pag-alipusta sa batok ko. Palalampasin ko yun pero pag ako sinubukan niya ulit hindi ko na pipigilan ang sarili kong gantihan siya.
Nasa gitna ako ng pagmumuni muni sa gagawin kong pagganti sa kanya kung saka sakali nang biglang may paulit ulit na sumisipa ng upuan ko mula sa likod. Istorbo ha! Nung una hindi ko pinapansin sa isip ko mapapagod din un at titigil din kaso mukhang nag-eenjoy siya sa pagsipa sa upuan ko. WAIT LANG!!
Hindi ako nakatiis kaya nilingon ko kung sinong impakto ang naninipa sa inuupuan ko. At hindi nga nagkamali ang intuition ko. Sino pa ba ang gagawa nun di ba? Siya lang naman wala ng iba. Nang lingunin ko siya sakto naman na tumigil sya sa pagsipa kaya naman tiningnan ko siya ng masama pero tiningnan lang din nia ako ng masama. Seryoso yung mukha nya. Aba teka! Sya pa may ganang magalit? Bumalik na lang ulit ang tingin ko sa harap, this time sa blackboard na ako nakatingin habang nananalangin na sana ay tumigil sa sya kung hindi iche-chainsaw massacre ko tlaga yung binti nya! KAso wala nga pala akong chainsaw, tatadyakan ko na lang siguro.
Pero hindi pa nakakalipas ang isang minuto! Eh may naninipa na namang tsanak ay este kapre sa upuan ko. Sorry di pala bagay ang tsanak sa kanya sa tangkad nyang yun kapre pwedeng pwede.
“ANO BA!??”, singhal ko sabay lingon sa kanya. Hindi na ako nakapagtimpi eh kasi naman palakas ng palakas yung sipa niya na halos mawala na sa line yung upuan ko. Napapaisod na pati ako paunahan. Naman!
“Inaano ba kita?!”, parang baliwala din niyang tugon pero nakakunot ang noo nya na parang galit. Sya pa talaga ang nagagalit ha?
BINABASA MO ANG
The 9 Spring LEaf
RomanceTorpe sya.. pakipot ka... Wala tuloy magyari... May mga tao talaga na kahit anong pilit nating itaboy sa buhay natin pilit na magsusumiksik pa rin... Minsan hindi man natin aminin sa mga sarili natin andun pa din yung damdamin na kahit baligtadin...