Chapter 7

43 1 3
                                    

CHAPTER 7

***

<POV ni Kia>



"Ayiehh...sweet naman..", ngiting-ngiting komento ni Wilfred habang patuloy ako sa paghampas kay Dylan. Si Wilfred, isa sa mga kaklase namin na Physical Science major din.







Dahilan kaya tumigil na kami sa aming ginagawa. Nang matapos ang eksena namin ay sumangat na ako sa inuupan ng mga kaeskwela kong babae. At si Dylan din naman ay ganun din ang ginawa. Pumunta siya dun sa group of boys. Kita kong tatawa tawa pa rin sya habang nakatingin sa direksyon namin. Binelatan ko na lang siya. At ganun din ang ginawa niya sa'ken with matching kindat. Eew! I just rolled my eyes, kaya naman humagalpak na naman siya ng tawa sabay nag-dirty finger. WHATTDAA?!! Umiwas na lang ako ng tingin. Ayoko pa naman sa lahat eh yung ganun! Tingnan mo naman kung gaano kadumi ng ugali niya.






"Nakakatuwa kayong tingnan girl..", kinikilig na sambit ni Geenie.







"Nakakatuwa??", kunot noong tanong ko. "May nakakatuwa ba sa paghahampasan at paghahabulan?", dugtong ko pa. Nakakainit kaya ng dugo. Hello!?








"Ayyy...basta kinikilig ako sa inyong dalawa...", sagot niya with matching kiliti pa sa tagiliran ko na dahilan para mapatawa ako.






"Huy ano ba!? Tigilan mo nga ang pagkiliti saken Geenie..isa!", at itinigil nga niya. Salamat naman.







"Oo nga.. Ngayon nahanap na namin ang pantapat sa'yo Kia! Hahaha. Dylan ka pala ha...ayiieh..Dylan...hahaha", singit naman ni Micah.









Mga kapatid si Micah at si Mona ay iisa ha. Monalyn Micah real name niya. Naiinis kasi sya saken pag Mona tawag ko so orayt matuloi lang ang istoryang ito eh di Micah na. Hay. Arte kasi!







Oo. Kasi sa aming limang magkakaibigan, dati ako yung mahilig na hanapan sila ng kamatch. Tamu si Micah at nakita ko kalove partner niya--si Jayson. Si Geenie kay Rocky kahit isang joke yun. Haha. Parang lahat ata ng girls na iloveteam kay Rocky ay nababadtrip! Kay Raechel nga lang at Jane, medyo it's complicated ang love life ng dalawang yan eh. Si Raechel ay may lihim na pagtingin kay Rence, yung cool guy naming classmate. Pero syempre super secret lang yun at ako pa lang may alam nun. Walang kaalam alam yung tatlo. Saka na lang daw sasabihin ni Rae sa kanila. Ito kasing si Rae ayaw na maiissue eh syempre best secret keeper ako kaya ayan di ko mailoko si Raechel ky Rence ng hayagan. Isa pa ito namang si Rence eh naging past love life niya si Jane na hanggang ngayon ay sila ang loveteam. Awts kay Raechel. Ayun.. since yung isa naman naming classmate na shy type na si Ivan ay may crush kay Raechel siya ngayon ang inila-love partner namin kay Raechel. Whahaha. Ayos ba?








Sila, wala silang maipartner saken. Pero dati yun...kasi ngayon simula ng maging trabaho na ni Dylan ang humarang sa dinaraanan ko at pansinin ang lahat ng ginagawa ko eh hindi na din ako tinigilan ng mga kaklase ko sa panunukso na kung makaintriga dinaig pa ang Aquino and Abunda Tonight. Pwew!








"Science major please proceed to GAB 306...Dun daw muna tayo kaklasehin ni Ma'am Jalbuena..", announced ni Mildred. Kaya ang mga langgam eh sunud-sunod na naman.








"Aa..antok na antok na ako...", sabi ko sa katabi kong si Jane habang naglalakad kami.









"Oh...eh di matulog ka!", sagot ni Dylan na nasa likuran ko lang pala. Tatawa-tawa lang naman si Jane.






"Ikaw ba ang kinakausap ko?", iritado kong tanong. Nakikisali di naman katatas sa pulong. >_<







"Wag ka nang sumunod sa amin... matulog ka na----wag ka na pating gigising ha.. pfft...hahahaha", dugtong pa niya habang humahagikhik sa pagtawa.










"Kung wala kang sasabihing matino eh itikom mo yang bibig mo pwede ba? Nakakairita ka alam mo yun?",







"Oo alam ko.."










"Oh alam mo pala eh...bat imik ka pa ng imik eh alam mo pa lang nakakairita ka..??", buska ko. Kung kanina kasabay ko si Jane,ngayon hindi ko alam kung paano nangyari na kami na ang magkasabay sa paglalakad at kaming dalawa na ang nasa huli.









"Goal ko ngang asarin ka eh... malamang ang gusto ko eh mainis ka...tanga mo eh...haha----(*PAKK!!**)ARAY!", hindi ko napigilan yung kamay ko na hampasin siya. Sino kayang tanga...baka siya.









"Mas tanga ka!", ganti ko. Kaasar kung maka-tanga..








"Tanga! Engot!", imik na naman niya sabay ganti ng hampas sa'ken. Nakakainis talaga tong kurikong na toh.







"Ikaw ang tanga! Ikaw ang engot!"







"Tanga ka!"








"Mas lalo ka!"






"Hahahaha...."







"Tigilan mo nga ang paghampas mo!", sabay ganti ko din ng hampas.









**hampasan**







At parang parehas lang kami ng gustong mangyari. Parehas na ayaw magpapatalo...







"Tama na kasi!", sabi ko.








"Eh tumigil ka na rin pagkahampas ko at titigil na din ako...",








"ABA! DApat sa'ken ang huling hampas! Ano ka sinuswerte?? Ikaw ang huling hahampas?? In your dreams! Gagu!", ganti ko sabay hampas ulit. Takte! Sakit na ng braso ko ha..









"Anong tinawag mo sa'ken??", galit na tanong niya sabay hampas ulit.









"Sabi ko GAGU!! Ang bingi ng ilong mo! Maglinis ka nga!", sagot ko sabay hampas ulit at kumaripas na ako ng takbo bago pa siya ulit makahampas sa akin. Nakapasok na pala lahat ng kaklase namin sa room.







Pero bago pa ako makapasok sa room. Naharahangan na niya agad yung dadaanan ko. Shet! Bakit naman ang bilis nito?









"Akala mo maiisahan mo ako ha... ako ang unang papasok!", imik niya at hinarangan niya nga ang pinto "Mahuling pumasok tanga!", at bago ko pa siya maunahan eh nakaupo na siya sa upuan niya. Takte! Naisahan pa daw ako. Arrgh!








Araw-araw ganan ang routine niya. Libangan na niya ang mang-asar sa ken. Mapa vacant time o may klase wala atang tigil ang mga bibig namin sa pagpapalitan ng mga salitang panlalait sa isa't-isa. Trash talk kung trash talk. Tingin niya uurungan ko siya? Pwes! Tingin niya lang yun. Dahil hindi ko hahayaan na apihin at ibully niya ako.








Pero..nakakapikon naman kasi yung damuhong yun eh. Mas magaling siyang mang-asar! Pero alam niyo mas okay na din na ganito kami. Kesa nung mga unang araw ng pasukan.. naiilang kasi ako. Ngayon kahit lokohin kami at least nawawala yung awkward atmosphere pag nagbabatuhan kami ng matatalas na salita. Trashtalk nga eh!








Habang naghihintay kami kay Ma'am Jalbuena. Itong mga kaklase ko nagbabatuhan naman ng pick up line. Tawang tawa lang ako kasi kahit ang corny minsan eh..keri lang naman. Natatawa na din kami. Actually yung kacornyhan nila ang pinagtatawanan namin eh. Hindi ying joke o pick up line nila. Ang nangyare eh boys vs. Girls ung pick up line nila.








"Grace ikaw ba si UNCLE?", banat ni Baron kay Grace.






"Bakit?", tatawa-tawang tanong ni Grace.







"Ah..ikaw kasi UNCLE-langan ko sa buhay ko eh...", seductive na sagot ni Baron. Corny! Pasalamat siya at maganda pagkadeliver niya.








"Oh gosh! Napakacorny mo Baron!", iritado namang komento ni Angel, ang mestisa naming kaklase na magaling din sa pambabara.










Dere-deretso lang sila hanggang sa makisali si Dylan..









"Oy Kia..ako my pick up line sa'yo..", tatawa tawang imik niya. Walastik! Umepal pa.









"AYOKO! WAg moko isali dyan..", sabi sabay talikod. Pero walanjo naman tatalikod palang ako eh hinila na agad ako ni Angel paharap.









"Hoy Kia! Wag KJ..Oh dali Dylan ano yung pick up line mo kay Kia?", imik ni Angel.







"Uuyyyyy....", ayan! Tingnan mo at niloloko na naman kami.









"Sabi ni Dylan...Kia.. crystal ball ka ba? Bakit? Kasi I can see my future with you...", banat ni Rocky na siya na rin nagbakit sa pick up line niya. At kasaby ng pag-ayiiehh ng mga kaklase kong talandi. Hay nako..







"Wow Rocky ha.. spokesperson ka na pala niyang lalaking yan? Magkano sahod mo?", pambabara ko. Ewan ko ba...marami talagang iritado din dyan ky Rocky at isa na ako dun.








"Uyyyy...gustong si Dylan talaga ang babanat para sa kanya...", epal ni Baron. At sinundan ulit ng Ayieehh.... parang tanga binara ko lang naman si Rocky.! >_<







Ako naman.. nakakainis! Isa't kalahating baluga din.Bat ba napapatawa ako? Mukha tuloy akong kinikilig! Letsugas!At tingnan niyo naman bago pa ulit ako makaangal eh napaupo na nila ako sa harapan. Grabe! Trending na naman ako nito.








"Tol dale...", sulsul ni Baron kay Dylan.







"Kia...alarm clock ka ba?", sweet niyang tanong. At as usual sinundan na naman nila ng mahiwagang "ayiieehhhh" parang tanga. Wala naman nakakakilig.






".....", tahimik lang ako. Ayoko umimik ng BAKIT..dahil nakoooo! Alam ko kabulastugan idudugtong niyan.









"Huy Kia...sagot!", sulsul ng mga kaklase. Kaya no choice sige na....








"Bakit???!", iritado kong sagot.








"Aa...lambingan mo naman grabe ka eh...", imik ni Dylan. Aa! Ang arte eh.!









"Aa..yun na din yun...patatagalin mo pa eh!", iritado kong imik.








"Ang KJ mo pare..imikin mo na, lambingan mo kasi yung bakit..", panggagatong naman ni Franz sa akin. Oo.  Pare ang tawagan namin niyan.








"Tsss...okay!", yanu eh! Okay payn lambingi... "..Ba-ket?", may papretty eyea pa ako.. kahit alam kong di bagay sa hitsura ko.








"Ang sarap mo kasing patayin!! Hahahahahahh", sagot niya. Pusang ginisa! Pigilan nio ko!









"Ha-ha-ha....Ha-ha-ha... grabe nakakatawa...! Kakainis!", kakainis eeh. May paglambing pa.. sinasabi ko nga nga ba eh.. kalokohan na naman!








"Hoy! Lalaking alarm clock! Ikaw ba? Ngipin ka ba?", ganti ko.









"Bakit? Naku alam ko na yan.. kasi u can't smile without me? Hahaha", sagot niya. Grabe! Kapal!








"Kasi ang sarap mong bunutin! Thesaurus ka talaga!!", banat ko.







"Thesaurus??", kunot noong tanong niya.








"Thesaurus! Kapal mo!"









******

A/N: Sana makapag update ulit ako.. Kahit iisa lang ata bumabasa nito.. Hi Sis! :-)

The 9 Spring LEafTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon