Chapter 10
ACCEPTANCE PARTY: Part I
This is it! Busy kami lahat for the preparation for the Acceptance Party of our Spectrum Society. Tradition na kasi toh sa amin. Lahat kelangan talaga dumaan dito. It is like initiation of the new member. Nakakatuwa lang na lahat ng freshmen na Science Major ay sumali. Usually kasi hindi lahat sumasali.
Medyo mahabang proseso din ang pagdadaanan ng bawat member. Bago pa sila mabinyagan at makaattend sa Acceptance eh dadaan pa sila sa tatlong stage: Psychomotor, Cognitive and Affective.
Sa Psychomotor Level, we were grouped into 5. Then we should atlst make a yell and sometimes kelangan namin mag role play depende pa din sa mabubunot namin.
Sa Cognitive Level naman, we were given five questions and we should at least have three correct answers. Tapos yung mga tanong pa dun hindi mo malaman kung saang lupalop ng daigdig hinugot. Pahirap sa buhay! Actually hindi ko din alam kung bakit ako sumali sa org na ito, eh andami daming kaartehang hindi mo naman magagamit sa tunay na buhay. Gaya gaya lang talaga ako kaya ako sumali...syempre para belong. Hehehe. ^^,)/
At yung last level... AFFECTIVE LEVEL. Dito naman itetest yung emotional quotient mo. Nakakatawa nga naalala ko nung ako ang nakasalang dito.
**FLASHBACK**
Senior: How many percent can you give in this organization?
Me: 90% po.
Senior: Wow! Talaga? 90%?? Galing mo naman.. talaga?? Sigurado kang kaya mong ibigay yun? How about your academics? 10% na lang??
Sarcastic niyang tanong. Kakairita di ba? Tatanong tanong tapos ku question-in din naman pala.
Me: Joke lang pala po. 50% lang po pala. Para fair.
Senior: Tapos ngayon magbabago ka ng desisyon? Hindi pwede sa Org na toh ang hindi consistent! Dapat may paninindigan ka! Alam mo bang mahalaga sa pagiging teacher ang consistency...blah blah blah.
***END OF FLASHBACK***
Kakayamot! Sila kaya ang magulo. Sala sa init sala sa lamig. Asar! Pero wag ka at napaiyak ako dun...ang tataray kaya nila. Scary! Imagine mga senior citizen na sila eh Freshman lang ako nun.
++Waiting Shed++
"Nasaan na ba yung iba?", tanong ni Wilfred. "3:00PM daw ha.. eh 4:00 na mga wala pa...hay talaga! mga pilipino nga naman oh..", iiling iling na sabi niya.
"Ayan na oh...sino na lang ang kulang?"
Matapos ang ilang dekada ay sa wakas nakumpleto din kami at ayun sumakay na kami sa inarkila naming private jet plane...at syempre joke lang yun. Imagination kumbaga. Jeep lang ang keribels ng bulsa ano.
Pero grabe ha.. nakakapagtaka lang. Ang tahimik ni Dylan in fairness ha. Nakakunot ang noo? Hindi siya nang-aasar. Usually kasi pagkadating na pagkadating niya eh ako agad ang pagdidiskitahan niya pero ngayon wala talaga. He's so serious. Ano kaya nangyari? Oops teka ha..hindi naman sa gusto kong pansinin niya ako.. naninibago lang talaga ako. Promise no other meaning. Maniwala kayo. Mamatay man alaga kong ipis sa bahay. ^^,)
"Pare bakit ang tahimik ni Dylan? LQ kayo?", pabulong na tanong sken ni Franz.
See kahit si Franz napansin din niya yun. Pero teka...anoo daw?? LQ? KAmi?
"Pare nang-aasar ka ba? LQ ka jan..!", tugon ko. Adik ata neto. Q pa pwede araw araw kaya kaming Q.. anu't lalagyan ng L? Q lang...Q! Asa naman akong magkakaron ng L sa pagitan namin?
"Malay mo lang di ba? Eh bakit ang tahimik ni Dylan? Hindi namamansin ohh...malayo ang tingin..tapos kunot noo pa..tanong mo nga pare.."
"Yoko nga..hayaan mo siya baka nag-eemote..", sagot ko. Ako kakausapin siya? Eh mukha ngang mainit ang ulo..masigawan pa ako niyan. Kita niyong ako nga lang ang tanging tao na kayang kaya niyang sigaw sigawan.. unfair di ba? Samantalang sa iba super hinahon niya at kaya niya magpigil pero sa akin kahit anong gusto niyang gawin--manapak, mambully, mang-inis, magcurse, trashtalk, End of Thinking Capacity.
BINABASA MO ANG
The 9 Spring LEaf
RomantizmTorpe sya.. pakipot ka... Wala tuloy magyari... May mga tao talaga na kahit anong pilit nating itaboy sa buhay natin pilit na magsusumiksik pa rin... Minsan hindi man natin aminin sa mga sarili natin andun pa din yung damdamin na kahit baligtadin...