Chapter 6: Hatred

23 0 2
                                    

A/N: Pasesnsya na po at pangit ang pagka cut nung previous chapter,.HIndi dun nagtapos yun awan kung bkit dun naputol.. AsaR! next time ko na lang po ayusin.. Salamat

*******

CHAPTER 5


<Dylan's POV>

Aba nga naman oh. Pumi-POV ako. Kabadingan men! Pero hayai na..




THe more you hate, The more you love.




Sus! Bading! Tingin niyo sa akin naniniwala dyan? Ulol! Di yan totoo.. Alam niyo kasi sobrang hate ko yung si Kiarra nung first year kami. Hate? Love? Sukdulan ang pagka-hate ko sa babaeng yun pero never in my life that I love her! Ulol! Gagu! Ano toh? Lokohan? Kasinungalingan! Ganito kasi yun eh.






Magkagroup kasi kami sa P.E. nun, siya ung "lider-lideran" kaya ayun. Eh may practice, nalate ako ng 3 oras. Tatlong oras ha! Tatlo! Masama ba yun? 9:00am ang call time pero dumating ako ng alas-dose. Oo! 12:00nn ako dumating! Eh sa napasarap ang tulog ko eh. Tatlong oras daw silang naghintay sa akin.? Aba! Galit na galit sa akin?? Problema niya?? Tatlong oras lang akong late galit na galit? May nakakainis ba sa ginawa ko? Sige nga sabihin niyo nga? Pasalamat nga siya at umattend  ako eh. Kakabanas lang siya! Badtrip di ba?

Tapos ayun dumating nga ako. Nagsorry na nga ako tapos di ako pinapansin? Eh di wag! Galit siya? Pwes! Galit na din ako sa kanya! Galit galit na! Talk to my ass! Sh*t! Eh uso pa naman sa course namin ang reporting..Kaya ayun simula nun tuwing siya ang reporter hindi ako nakikinig sa kanya! Whooo! Pakialam ko pati? Asar na asar talaga ako sa pagmumukha nung babaeng yun. Kaya yun ang ganti ko sa kanya ngayon---ang galitin siya sa pang-aasar ko! Yeah! Boom! Pero wala siyang ka ide-ideya na ganun ako kagalit sa kanya dahil dun. Huh! Aba mabait pa nga ako eh. Pasalamat pa nga siya dahil kung naging lalaki lang siya baka napatumba ko na siya. Yaaah!!! *Boogsh!!* Ganun! Huh! No one dares to humiliate the handsome face of Dylan Fernandez!







The more you love, the more you hate pa..sampalataya pa ako diyan. Kasi yung babaeng gusto ko...nakakainis! Hindi ko man lang makausap... gustung-gusto kong ligawan di ko naman magawa! bakit kasi saksakan ako ng katorpehan.?? Tang*na lang di ba?






Tapos niloloko ako nung mga kaeskwela ko dun ky Kia na yun? Mga gago! Utot! Wala akong gusto dun ano? Gustong asarin pwede pa..! Hahaha.. Bentang benta kaya sa'ken yung mukha niyang daig pa ang nalugi sa pagkabusangot sa tuwing aasarin ko siya. Grabe mga brad! Mamamatay ako sa kakatawa.! Hahahah.. epic fail.. Tapos isa pang nakakatawa... pulang pula ang pagmumukha niya tuwing niloloko kami..pustahan! May crush yun sa akin kaya ganun yun.. Hay. Grabe talaga!







Pero ngayon tingin ko naman medyo nawawala na yung galit ko sa babaeng tomato na yun. Nakakatawa talaga para siyang tomato sa sobrang pula ng sh*t face niya pag nag-uusok na sa galit dahil sa mga banat kong nakakaasar! Hahahaha. WAGI  men! Teka ha..uulitin ko nawawala lang yung galit ko pero syempre hindi ko pa rin nalilimutan yung ginawa niya sa'ken nung first year kami. Kaya hindi ko siya titigilan at hindi niya ako mapipigilan sa mga padali ko sa kanya. *Evil grin* Haha. And besides, nakakatuwa din naman siya kasi kahit asarin ko siya hindi siya yung tipo ng tao na nagagalit. I mean galit siya pero hindi naman galit. Pikon na hindi pikon. Teka ang gulo ba? Basta! Paano ko nasabi? Eh kasi pinapatulan niya yung mga banat ko. Hindi siya boring..kasi nag-eenjoy ako sa pang-aasar at pantitrip ko sa babaeng tomato na yun. Haha.







"Oy anong tinitingnan-tingnan mo d'yan?", tanong ko sa kanya nang lapitan ko siya.






So ako, tiningnan ko na din yung bulletin board ng Spectrum Society na tinitingnan niya. Ah, nakapost na pala yung pictures ng mga bagong officers. At parehas kaming officer. Ako yung president dito ano. At siya ang aking secretary. I'm her HANDSOME BOSS and she is my....."nevermind"... haha. SLAVE.








"Uy, wag mong katitigan yung picture ko ha baka matunaw...", mayabang kong sabi. Pero syempre joke lang naman yung pagmamayabang ko. Gusto ko lang talaga syang asarin.Haha. Na siya namang ikinalingon niya.







"Spell ASA!", pagtataray niya. As expected kokontrahin niya ako. Haha






"Spell ASA??", pakunway nag-iisip ako habang nakahawak sa baba. "Y - E - S, tama! Yes! You are absolutely staring at my super ka duper uber handsome picture!", sagot ko sabay tawa.








"Grabe lang. Nakakatawa ka alam mo! Ha ha ha.", sagot niya while laughing sarcastically.  "Kayabangan mo  Fernandez.. sagad hanggang sa core ng earth..grabe. Wag ka ngang feeler.", dugtong pa niya.








"Sus! Ikaw naman di mo pa aminin.."







"Ay oo! Kanina ko pa tinititigan... inisip ko kasi kung paano kita papatayin!",







"Uyyy...iniisip niya ako. Hahaha. Ikaw talaga..", Haha. Sarap niya talagang inisin. "Naku! Pag nawala ang picture ko alam ko na kung sinong kumuha.. ikaw! Kiarra! Hahaha", pang aasar ko.








"Ay oo! Kukunin ko para may panakot ako sa daga! Talino mo dun.. binigyan mo ako ng napakagandang idea..", banat niya. Akala naman niya maaasar niya ako.? Huh!







''Wow ha...lakas mo mang-asar Kia ha..tingnan mo nga kung kaninong mukha ang mas katatakutan ng daga sa ating dalawa??",







"Peste ka! Alis! ", iritadong sagot niya.








Hahaha. See! Pikon. Sabi sa inyo eh hindi siya mananalo sa asaran sa aming dalawa.







"Pikon ka na?!", pang-aasar ko.







"Hindi ako pikon!",







"PIKON KA LANG! hoy Pikon!",






"Tang-inis! Hindi ka ba titigil??", gigil na tanong niya.







 "Pikon ka na n'yan?", pang-aasar ko pa rin.






"Hindi nga ako pikon!", mahina pero timping-timping sagot niya.






"Pikon ka lang...aminin mo na.",








"Pwede ba Fernandez tumigil ka na dahil pag ako hindi nakapagtimpi masasapak na talaga kitang impakto ka!", sagot niya.






"Ay sige nga kung talaga..", panghahamon ko. Alam ko namang hanggang salita lang yan. Sus!







"Ako'y naririndi na sayo... tumahimik ka na lang..",







"Akala ko ba sasapakin mo ako? Wala ka pala eh, hanggang imik ka lang. Hahaha".











***TOINKS PAKKK!!***







At inihampas nga niya ang kanyang mahiwagang clearbook. As if masakit.







"Bleh! Di naman masakit...", sabay dila. Takte! Medyo it hurts ah. Sensitive pa naman ang balat ko.











"Talaga? Hindi pala masakit ha? Pwes!", at bago pa niya maihampas sa akin yung bag niya ay kumaripas na agad ako ng takbo.








"Hoy!! Fernandez bumalik ka dito!", at syempre alam ko hindi din yun papayag ng hindi nakakaganti kaya tumakbo din  siya at hinabol ako. At dahil sa medyo madaming estudyante sa hallway andaming sagabal sa pagtakbo ko...peste!







"HOY!", takte! Nahagip niya yung bag ko at syempre dahil maliksi ako.. nakatakas ulit ako at tumakbo muli.








Paikot-ikot lang kami sa pagtakbo at pinagtatawanan na kami ng mga kaeskwela namin. Pati yung mga ibang major eh saksi din sa "habulan" namin.







"Ayoko na...please.. hahaha", sabi ko. Hinihingal na ako pagtakbo at dahil tumigil ako malamang naabutan niya ako..kaya ayun, pinaghahampas niya ako nung bag niya. "Ouch! Aray...hahahaha...huy ano ba....",









"Kulang pa yan....Uhh!! Yan! Dapat sa'yo.. ",







*Hampas there, Hampas here... Ilag there, ilag here..*








The 9 Spring LEafTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon