Chapter 9: Just A Little Bit

20 1 1
                                    

Chapter 9

"Just a Little Bit"

Chapter 9

"Just a Little Bit"

<Kia's POV>

Sa wakas ay natapos naman papirmahan yung letter na ginawa ko. Buti naman at hindi ako ang inutusan ng gagung Dylan na yun na magpapirma! Aba! Dapat lang...ako na nga gumawa ako pa magpapapirma? Anong ginagawa ng ibang officers di ba?. At salamat dahil approved na rin ni Ma'am Vustamante, adviser ng org namin at ni Dean yung letter. 

So tuloy na tuloy na talaga ang Overnight Acceptance Party namin on Saturday sa The Found Paradise Resort. Malapit lang naman yun sa University namin. 

Kasalukuyan kami ngayong nakatambay sa tapat ng SC Office. May mga upuan naman na pedeng tambayan ng mga estudyante dito kaya ito ang favorite naming tambayan especially ngayong nagkokopyahan kami ng assignment sa Physics. Mwhahaha.. Alam niyo kasi kaming Physical Science major ang motto namin ay ang "One for All, All for One." 

Hindi pwedeng may maiiwanan sa'min. Goal namin na sabay sabay kaming ga-graduate! Kaya hangga't pwedeng mangopya...eh mangongopya. Mwhahaha.. buti nga at kahit sukdulan ng katalinuhan si Jayson ay hindi siya madamot. Isa pa hindi siya mayabang, always keep his feet on the ground pa din siya. Plus Mildred na consistent first honors pamula Kindergarten. Tatalino nila nuh.. buti napasama ako sa seksyon na toh. Baka sakaling mahawahan. Mwhahaha.

"Ui ito oh...may sagot ako sa no.2 kaso awan kung tama yan..", sabi ni Jayson sabay abot nung papel niya sa amin. How generous. :-) 

"Ay nako...tama yan.! Akin na at gagayahin na namin..hahaha", mabilis namang sagot ni Karen sabay hablot nung papel. Ay walastik! Naunahan ako.

"Huy ako kasunod ha..!", imik ng isa.

"Wahhh! Mali kopya ko...sinong may correction tape??", atungal naman ni Princess, ang beauty queen ng section namin. Dahil nung nagsabog ata ang katangkaran eh may dala siyang malaking tanke. The tallest girl in the College of Teachers Education. 

"Malapit na mag time.. wala pa ako sagot sa no. 1,2,3,4 at 5..! Pakopya!", singit naman ng kadadating pa lang na si Baron.

"Oh guys...I'm done. Sinong kokopya.?", tanong naman ni Midred.

"Sis! Ako peram! Maawa't mahabag sa taong nagugutom..", sagot ko agad-agad. 

Hindi kami magkapatid pero 'Sis' ang tawagan namin. Wala kasi siyang kapatid na girl, ako naman walang nakakatandang kapatid na babae. So ayun...ewan isang araw paggising namin... PRESTO BISCUITS! Sis na ang aming endearment. Hehe. ^^,)/

"OH eto sis! Go!", sabay abot niya sa'ken nung papel niya. Whew! 

Kelangan ko na magmadali malapit na dumating si Ma'am Lustarez, ang terror Physics teacher na namin na magaling magturo pero pag nagpa-exam eh parang Bar Exam ang sinasagutan mo. 

"Guys...double time..", sabay na sabi ni Jayson at Mildred. AYiehh... 

At tulad ng inaasahan... nagawa pa namin lahat mag- "ayiiehh" sa kabila ng aming ka-busy-han sa pangongopya. Whahahaha.. grabe talaga...kung hindi lang kami nakauniform pwede mo na kami mapagkamalang mga 'high school students'. 

"Third year, Science major?", tanong ng isang 4th year. Tumango lang naman kami. "Kayo ba yung klase ni Ma'am Lustarez? Hindi niya daw kayo mami-meet kasi may emergency meeting daw sa faculty.. kolektahin na lang daw ni Mr. Jayson yung assignment niyo at pakipatong na lang daw sa table ni Ma'am.. thank you.", dugtong niya.

The 9 Spring LEafTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon