CHapter 2: The Muse and the Escort

41 0 1
                                    

CHAPTER 2

THE ELECTION

 

“Oy..guys..wag daw muna uuwi ha..we need to nominate the class officers para sa section natin..”, announce ni Mildred, ang standing president ng aming section.

By the way highway… did I forget to tell you the course I am taking now? I’m taking Bachelor of Secondary Education major in Physical Science. Haha. At since block section kami, pamula first year ay kami kami na ang magkakaklase. Kami ang tipo ng batch na parang langgam,,kung nasaan ang isa andun ang lahat. Pag nakita mo ang isa sa Science major..asahan mo sunud-sunod na kami…langgam nga ang peg. Haha. But kidding aside, yan ang gusto ko sa batch namin…kumbaga sa five states of matter…SOLID kami, particles are strongly attached…bonds are strongly connected that cannot be easily broken by simple means. Oha…umaariba ang pagiging Science major ko. Whaha.

“Aa..ano ga iyan? Tayo ay umuwi na…”, sabat naman ni David, ang taong laging pauwi. Pero wag ka’t mamaya pa din yan uuwi pag uuwi na lahat.. hanggang imik lang naman yan. Haha.

“Guys…GAB 307..”, announce ulit ni Mildred. ”Simulan na nang matapos na.. taeng-tae na ako..”, sabat ni Franz, kilala nio na sya diba? See the first chapter..

”Tae ka pare…kaya pala nangangamoy na dito..”, imik naman ni Rence, ang isa sa cool naming kaklase.

“Hoy taenis pare…joke lang yun…si Kia talaga ang mabaho…amuyin niyo pa..”, at nagtawanan sila.

Pusang gala ang mga ito..nagsisimula na naman sila..at ako na naman ang nakita..Pssh.. Tiningnan ko si Dylan.. nakikitawa lang naman..buti hindi sya umiimik. Di na lang din ako iimik…baka naman titigil sila?

Sa second row ako nakaupo..yung mga friendship ko na sina Raechel, Mona, Geenie at Jane ay kung saan saan lang din nakaupo. In short, hindi kami magkakatabi.. bakit nga ba? Eh kasi dito kami sa GAB 307 nagbotohan,, which happens to be the classroom pag Organic Chem ang subject namin which means Alphabetically arranged ang upo namin dito. So ang nangyare..oo magkatabi kami ni Dylan.. Fernandez siya, Hortaleza ako.. wala saming letter G kaya ayun.. magkatabi kami. Lecheflan! Naiilang ako sa kanya…kasi naman eeh..simula ng niloko kami hindi na ako makapagreact ng normal.. Parang abno! Alam nio naman kung bakit I hate being linked with him kasi kung ayaw ko..doble ang pagkaayaw niya? Ewan..baka lang naman. Tss. Asar kasi naman itong sina Franz..pasimuno palagi.

”Ok..let’s move on for the nomination for secretary…”, pamumuno ni Jayson, ang Albert Einstein slash Isaac newton slash Archimedes slash lahat na ng scientist…ng aming section. Haha. Oo may sa halimaw siya..sa sobrang galing at talino. Ewan ko ba…simula high school eh classmate ko na siya pero hindi man lang ako nalalinan ng talino niya. How sad. Haha. Sana pede isalin ang brain cells ano? Haha. Oops! Si jayson ang president na.. malamang siya na nasa unahan eh. Secretary na…hoookay..

“I nominate Raechel..”

“Close…close…”, hindi naman sila nagmamadali ano?

Pero…teka..bakit di nila ako innominate? Nalungkot? Hindi naman…ineexpect ko lang na ako iboboto nila sa Secretary kasi you know…I have a precious hand? Hihi.. Bakit handwritten lang ba ang basehan para innominate sa secretary? Hindi naman sa ganun…kumbaga..sanay kasi ako na laging ako ang binoboto or inaappoint nila sa position na yun..kaya medyo nagulat lang ako nung hindi nila ako ninominate. Hindi wag ka nang mag-explain..gusto mo me position ka? Hindi naman…ayaw ko nga eh…kasi…aba teka…bat ba sabat ng sabat itong kakambal ko? Hoy! Di ka kasali dito. Nababaliw na ako…I’m talking to myself.

The 9 Spring LEafTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon