intoduction

61 1 1
                                    

INTRODUCTION

 

          There are things that you don’t want to continue but you’re afraid to end.. Sometimes you’re not expecting but admit it you’re hoping and willing to wait..

          Nung pumasok ako sa College, akala ko magiging boring ang lahat dahil hindi ko na kaklase si Macky. Sa UP Diliman na s’ya nag-aaral at ayun medyo madalang na din kami magkita at magkatext. Si Macky, classmate /super close friend ko when I was in high school. At oo, aaminin ko, since elementary ay crush ko na s’ya at later on ay mas naging deep ang feelings ko sa kanya. Pero of course di n’ya yun alam.. At hindi ko man lang binalak na sabihin yun sa kanya because first and foremost alam ko namang hanggang friends lang kami nun and besides baka kapag sinabi ko pa sa kanya eh mailing s’ya at mag disappear ang friendship namin. Kaya ayun, natapos ang high school na never ko nasabi sa kanya yun..

          But like what I was saying earlier, akala ko boring ang college ko.. Well actually, boring naman talaga during my first and second year in college. Wala.. wala man lang akong crush na tinitilian or what. Wala.. matamlay. Namiss ko nga yung feeling nung high school na papasok ako para lang Makita si crush at yung tipong biglang para kang kakabahan dahil nahuli mong tumingin sa’yo si crush.. Haha.. Oh diba ang landi lang. Haha.. Ganun talaga pag single.. Awts! Oo.. SINGLE.. ganun talaga, si crush na lang ang pag-asa, masabi lang na may lovelife. Haha. Wawa..

          Pero parang biglang nagkaroon ng THRILL ang college ko simula ng magkaron ng clash sa pagitan namin nung ‘palakang parrot’ na yun.. OO! S’ya lang naman ang walang ginawa kundi bwisitin ang araw ko, pagtawanan ang lahat ng pagkakamali at katangahan ko at asarin ako ng walang patid at ang i-goal nya araw – araw na sirain ang araw kong maganda. Susme! Hindi lilipas ang araw na wala akong natatanggap na pang-aasar dun..

          Pero..parang baliw lang din. Kung baliw s’ya at abnormal… tingin ko mas abnormal ako sa kanya. Dahil hindi ko din alam at hindi ko lubos maisip kung bakit parang habang lumilipas at dumadaan ang panahon, may kung ano akong biglang naramdaman sa kanya..? Shets lungs! DELETE! Hindi naman siguro.. ahh,ewan mukhang abno lang..

The 9 Spring LEafTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon