Chapter 21: The Night

15 1 0
                                    

CHAPTER 21

THE NIGHT

 

 

—Kia's POV—

 

Ito na yung araw na ito. Ay mali, ito na yung gabi na hinihintay ng lahat. It's our third Education Night sa school namin.

"Wow girl.. amazing! Pwede na tayong maging make up artist.. Hehehe.", komento ko kay Rae nung matapos na kami sa pag-aayos.

Dito na kasi si boarding house nag-ayos kaming dalawa ni Rae. Kami na din ang nagmake up sa mga sarili namin. Sus.! Alangan namang kumuha pa kami ng make up artist eh hello sayang pa ang 450. Nagkulot kami ng hair. Una, plinantsa muna namin yung hanggang balikat naming buhok tapos kinulot namin yung dulo.

Yellow gold spaghetti strap na may lining na black ang suot ni Rae samantalang ako naman ay sinuot ko yung hiniram ko kay Ate AnaJane na black casual dress niya. Mejo See-through yung taas na may kamay tas may spaghetti sando lang sa loob na black din naman. Mejo nagmukha akong tao sa suot ko naman. Hehe. I mean. Shocks! Ang ganda ko dude! Bagay pala sken ang buhok na kulot ang dulo? Naku araw araw na pala akong magkukulot. Hehehe.

"Girl ayos lang ba yung hitsura ko?", tanong sa akin ni Rae.

"Grabe...syempre naman girl.. ano tara na ba?", sagot ko na tanong ko na din. Past 7:00 na kasi eh..

"Let's go. Nagtext na pati sina Jane andun na daw sila..", sagot naman ni Rae at kinuha na ang bag niya. Isinuot ko na din yung 4 inches stiletto shoes ko at lumabas na ng boarding house.

"Shet! Girl para akong natatae...", sambit ko kay Rae habang naglalakad na kami pababa.

"Relax girl.. kinakabahan ka ba?'', tanong naman niya sa akin.

"Ang abno lang ng pakiramdam ko pero parang ganun na nga..?", nakangiwi kong sagot. Hindi ko nga din alam pero kinakabahan talaga ako. Swear.

"Ok lang yan girl.. Act normal.. Okay?", pagpapalakas ng loob sken ni Rae at pumara na kami ng Tricycle.

"Manong sa 2nd Gate ha...sa may Gym."

 

 

 

—SCHOOL'S GYMNASIUM—

 

"WOW!", yan agad ang nasambit ko nung makababa na kami sa harapan ng gate.

Malayo pa lang eh tanaw na tanaw ko na ang makukulay na ilaw sa labas ng Gymnasium. Mejo kakaiba ang aura ngayon ng setting ng Educ Night compared sa past Education Nights. Marami na din ang tao sa loob at labas. Pero alam mong hindi pa nagsisimula ang Event. Mabagal lang ang lakad namin ni Rae at habang papalapit na kami sa Gym, naramdaman ko na naman ang pag-ikot ng sikmura ko. Aist..

Nung malapit na talaga kami, siya agad ang kauna-unahan kong nakita. Ayan na naman yung puso kong parang dumadagundong. Nakatalikod siya at nakikipagtawanan kina Franz , Raven at Rence. At take note parang nananadya ang pagkakataon, parehas pa kaming naka-black.

The 9 Spring LEafTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon