CHAPTER 18 :TAMEME

22 0 0
                                    

 

 

<POV ni Dylan>

Ayan! Sa wakas makaka-POV naman ako.

Hindi ko inasahan na igagawa ako ni noKia ng assignment. Maliit na bagay lang siguro yun sa kanya pero para sa akin malaking bagay yun. Kasi kahit palagi ko siyang inaasar eh pinagbigyan pa rin niya ako na igawa ng assignment. Biglang parang nahiya tuloy akong lumapit sa kanya ngayon. Napansin ko din sa kanya na hindi siya masyadong maingay. Madalang kong marinig yung boses nyang palaging nangingibabaw.

At parang alam ko na ang dahilan kung bakit.

Kumusta naman ang panggagawa ng assignment ni Dylan Kia?”, pang-aasar ni Franz.

Tiningnan ko ang reaction ni Kia. As usual ayan na naman ang habit nyang pag-irap sa mga nang-aasar sa kanya. At itago man niya ayan na naman ang pamumula ng mukha niya. Bakit kaya laging namumula yung mukha niya tuwing niloloko kami? Ganun ba talaga ako ka-HOT para mamula siya? Haha. Yabang.. I mean seriously? Di ba minsan namumula ang isang tao kasi mainit gawa ng araw? Hindi naman ako mainit?

Or baka naman??

Ehem. Baka crush ako ni Kia? Haha.. Ay syanga. Sabi ko na nga ba eh crush ako nun! Hahaha.. She’s blushing. Hehehe.. I like it!

“Aa kagaling pa ni Dylan eh at may taga gawa ng assignment…ako nga rin ay ipanggawa mo ng assignment pag nalate ako Kia ha?’’, sabat naman ni David.

“Shattap! Para kayong mga abnoy! Layas!”, bulyaw niya sa mga ito. Hindi na lang ako nagrereact at nakikitawa na lang ako. Ayaw ko nang dagdagan pa ang pamumula ng face niya. Nakakaawa na at konti na lang pede na siyang pansahog sa itlog na pula samahan pa ng sibuyas. Haha. Nagjojoke ako kaya tumawa kayo kung ayaw niyong masapak!

Pati  yung mga kaibigan niyang babae hindi pa din matapos ang pang-aasar sa kanya. Hanga lang din ako sa patience ng babaeng yan ang galing magtimpi eh. Kung sa akin nangyayari yan, baka pinagbibigyan ko na sila ng tigdadalawang sapak.

Nauna nang lumabas yung mga kaklase namin. Nakita ko naman na abala pa siya sa pagliligpit ng gamit kaya nauna na rin yung mga katabi niya. Medyo binagalan ko ang kilos para masabayan siya pag labas. Nakakatawa lang kasi first time kong parang mailang sa kanya. I mean mag te-thank you lang naman ako pero kinakabahan ako. Ano ba naman yan?!

Nakakainis naman itong babaeng ito at yanung bagal mag-ayos ng gamit. Umuna na din ako paglabas ng room. Binagalan ko na lang ang lakad para maabutan niya ako. At ganun nga ang nangyari..

“Uy noKia..!”, nakangiting bati ko sa kanya. Pero pinagtaasan lang nya ako ng kilay. As I expected. “Ahm… nOkia…”,

The 9 Spring LEafTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon