Chapter 5: MEET MY TUTEE

34 0 2
                                    

CHAPTER 5

MEET MY TUTEE

            Sus! Alam niyo ba sa tagal tagal naming nag-intay dun sa SC President, ang sasabihin lang naman niya ay magpapicture na daw ang mga officers ng club at para daw mapalitan na namin yung bulletin board ng bawat org. Nice! At itong president ng Spectrum Society.. nakakainis! Puro utos! Palibhasa eh under niya ako kung makapag demand….WAGAS! Kakabarino lang..

            Nga pala, maiba tayo…may tutor na nga pala ako. Haha. Dagdag income din yun mga kapatid… P800 nga lang a month plus libre ang dinner. Okay na yun. Pinatos ko na din.. choosy pa ba ako eh malapit lang naman sa aming boarding house.. Yes! You’ve heard it, nagbo-board po ako…tatlong oras kasi ang byahe pamula sa bayan kong sinilangan patungo sa aking minamahal na unibersidad.. Nosebleed! At mamaya na ang start ng pag-tu-tutor ko.. Lengya naman oh,..kinakabahan ako..whooo! Para sa kinabukasan ko to men! Pray for me.. Haha. Hindi ko pa nga yun name-meet eh.. mamaya pa lang.

            5:00 pm labas na ako. So ayun, uwi muna akong boarding house para magpalit ng damit..inet kaya! Atsaka makapag-ayos muna at baka naman maamoy ako nung tutee ko eh nakakahiya naman kung mabaho ako diba? Ayun…tapos nagtsinelas na ako at naglakad papunta sa bahay ng tutee ko. Scary! Opo. Kinakabahan talaga ako…it’s my first time kaya na magkaroon ng tutee.. sana naman mabait yung bata. Mga 3 minutes eh nasa harapan na ako ng bahay ng tutee ko…oo ganun lang siya kalapit sa boarding house ko.

            At wow!! Four Storey house…may tatlong sasakyan na nakapark…yung dalawang kotse…isang Gray na Honda at isang black na Toyota ay nasa loob ng gate…yung isang kulay Maroon na Crosswind ay nakapark ay sa labas.. Kulay peach yung labas ng bahay.. Sensya na ha..hindi ako masyadong familiar sa mga brand ng kotse basta yan lang yung nakita kong mga tatak para idescribe sa inyo.. Balang araw magkakaroon din ako ng sariling sasakyan.

Ito na siguro yung Oblefia’s Residence. Bulong ko.

”Tao po…”, panimula ko.

Tao po…”, I repeated. And so sad, there is no response. Sarado pero I can feel na may tao sa loob…bukas yung ilaw eh,medyo aninag sa labas. Ay siguro hindi ako rinig laksan ko na lang… bulong ko ulit.

TAO PO……!! TAO PO…!!”, ulit ko at syempre malakas noh.. siguro naman rinig na nila na may tao dito sa labas…nagwit na feet ko ha.. Pero…naman oh…wala pa din? Isa pa nga…. “TA---------“

 

 

 

 

 

 

“Miss may doorbell oh…”, biglang may nagsalita sa likod ko. Isang matangkad na lalaki na naka-uniform ng pang nursing… Nakangiti naman siya habang tinuturo niya yung doorbell sa right side ko.. Shet! Ang gwapo….yummy! Landi mo Kia! :-)

Ah…eh… hehe.. o-Oo nga noh…di ko napansin…”, nahihiya kong sagot. Shet! Nakakahiya..grabe..siguro nasa isip niya ang bobo ko. Umiling lang siya tapos pinindot niya ng tatlong beses yung doorbell..

Ikaw ba yung bagong tutor ni Frousse?”, nakangiti niyang tanong habang naghihintay kami sa labas upang pagbuksan.

Ah..opo..”, sagot ko naman. Nahihiya talaga ako. Parang timang. Eehh..kasi naman eh,,.ang gwapo niya kaya. Haha.. May girlfriend na kaya siya? ASA! haha

 

Ahh…anong pangalan mo?”, Oh! My! He’s asking my name…pwde na ba akong himatayin? Huh!? OA mo Kia! Wag kang OA baka walang magbasa ng istorya mo…at wag kang malandi ha…hindi ka maganda. >_<  Awts ha.

Kia po…short for Kiarra”, sagot ko. Tapos biglang bumukas na ang pinto at bumungad sa amin ang isang babaeng may maiksing buhok, medyo mataba, maputi at hindi ko nga lang matantya kung mukhang mabait ba o mataray? Ewan.. malalaman natin mamaya..

Hi Ate Babes…!”, masiglang wika ng lalaking katabi ko. Ahh.. Ate Babes pala name niya? Mommy kaya ito nung tutee ko o taga-alaga?

Oh..Hi Eijie..kumusta?”, bati naman ni Ate Babes… wow maka-ate babes ako feeling close kaagad. Haha. Ah..so Eijie pala itong gwapong nilalang sa tabi ko. “Sino yang kasama mo?”, nakangiting tanong ni Ate Babes. Mabait naman siguro ito.

Ay siya nga pala si Kia.. tutor ni Frousse..”, pakilala niya sa kin.

Hello po.. magandang hapon po…”, bati ko naman.

Ah..ikaw pala kapalit ni Yanna…? Tuloy pasok ka ineng…”, tugon niya sa akin.

The 9 Spring LEafTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon