Chapter 16: The Candy Wrapper

25 1 3
                                    

 

 

Tatlo yung quiz namin kahapon, Statistics, History and Philosophy of Science, Economics at yun nga sa Organic Chem. Ay apat pala. Alam niyo ba na pinagtuunan ko ng pansin yung sa Organic Chem kasi nga may pustahan kami nung lalaking naghamon sa akin ng gyera. Dalawang oras nga lang ang tulog ko eh.

Paano ba naman 7:30PM uwian namin pag MTW which is kahapon yun Wednesday tapos nag meeting pa kami sa The Fingerprints, yan yung Official Publication ng Department namin. Literary editor kasi ako at ayun busy busy-han. 8:30 na ako nakauwi eh nag tutor pa ako  ng isa at kalahating oras kaya naman 10:00PM na talaga ako nakauwi sa boarding house. Good thing na rin naman kasi nakalibre na naman ako ng isang meal. Haha. Pinakain na ako ng dinner dun kina Ate Baby.

 

 

Naglaba pa ako ng uniform ko. Oo. Yung blouse ko kasi araw araw kong nilalabhan tapos itinatapat ko na lang sa electric fan para matuyo pag sapit ng umaga. Hindi naman sa iisa lang ang uniform ko. Actually lima yung blouse ko eh, kaso isa lang sa mga yun ang favorite ko kaya ayun nagtyatyaga akong maglaba twing gabi. So to make this short, 11:00PM na ako nakapunta sa mahiwaga kong bed na pink na pink. Hehehe. Eh kaso nakipagchikahan pa ako sa mga lukaret kong boardmates so ang nangyare mga 12:30AM na talaga ako nakapagsimulang magreview. Ay shoesmiyo!!

 

 

Nagsisimula pa lang akong magreview eh ang bigat bigat na ng mga mata ko. Grabe bakit ba kasi nakakaantok magreview? Pero bakit pag nanonood ng movie kahit anim na oras pa yan buhay na buhay ang katawang lupa ko. Bakit pag nagrereview bakit kaya nakakaantok ano? Nakakatamad mag-aral gusto ko na magkatrabaho para madami na akong pera. Hays. Kaso two years pa yun eh. Antagal naman. Hays..

 

 

Hindi ko na kinaya ang antok ko kaya nung mag 3:00AM eh natulog na ako. Nag-alarm na lang ako ng 5:00AM para magreview ulit.. Pero sa kasamaang palad eh 6:00 na rin ako nagising. 7:30AM kasi ang pasok namin. Masakit ang ulo ko pagkagising. Pambihira.

Ayun sa madaling salita ayun ang nangyare sa pagrereview ko. Matiwasay naman ang quiz at para namang nadalian ako ang kaso hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot.. Hindi naman namin kasi nalaman ang score hindi kasi kami ang nagcheck at hindi din ibinigay ni Ma’am yung result. So nabalewala ang aming deal ni Dylan.

Nagmamadali akong umakyat muli sa Third floor ng GAB building, GAB short for Gusaling Andres Bonifacio. Ganito kasi ang pangalan ng mga building sa amin eh, mga pangalan ng bayani.

Ako ang mag magrereport ngayon sa subject namin kay Dean. Jusmiyo naiisip ko pa lang na ako ang magrereport nagtatakbuhan at bumabalintong na naman yung nga nerve cells ng puso ko sa sobrang kaba. Wag naman sana akong tanungin ng katakot takot ni Dean. Sana pati nalimutan na niya na ako yung pinaglead nya ng prayer dati na mahina ang boses. Dahil pag nagkataon may ipang-aasar na naman sa akin yung isang yun.

“Hi gurl.. parang hinihingal ka na naman ata ah..”, puna sa akin ni Geenie nang makarating ako sa third floor. 

The 9 Spring LEafTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon