CHAPTER 19 : BATO

31 0 0
                                    

 

 

 

--KIA’s POV--

‘BWISSSETTTT!!! NAKAKAGIGIL! ANG SARAP MANAPAK! WAG NA WAG KA LANG HAHARA HARA SA DINARAANAN KO AT MASASAPAK TALAGA KITANG HAYUP KA! HUMANDA KA!’

MESSAGE SENT!

Hoy Kia! Sinong kaaway mo at salubong na salubong yang kilay mo? Pati yang cellphone mo kulang na lang ay masuffocate?”, bungad sa akin ni Ate Zarrah pagdating ko sa boarding house. Pati paghawak ko sa cellphone hindi nakaligtas sa kanyang paningin.

Kahit hindi ko alam kung marereceive niya yung text ko eh tinext ko pa rin siya dahil sa sobrang inis ko! LECHE siya! Bwiset talaga!

“Hoy! Kia! Anong nangyare sayo?”, ulit na tanong ni Ate Zarrah.

 

“Bwiset na lalaking yan Ate Zarrah! Nakakapanggigil! Sukat ba namang lagyan ng malaking bato yung bag ko? Damuho talaga!”, gigil na gigil ako habang nagkukwento habang si Ate Zarrah naman ay tawang-tawa.

“Sabi ko na nga ba eh…si Dylan na naman ang dahilan. Hahahaha…eh bakit nilagyan? hahaha”, tawa ng tawa si Ate Zarrah sa pagkukwento ko. Tawa na rin ng tawa sina Thea at iba ko pang boardmates.

Si Zarrah at Thea magkapatid. Since high school ay magkakakilala na kami. Si Zarrah at Yarrie parehas kong classmate nung high school. Accountancy ang course ni Zarrah, Psychology naman si Yarrie at BSBA naman si Thea. And we are living under the same roof. Eversince, alam na alam na nila ang kwento samin ni Dylan. Araw-araw ba namang clash sa pagitan namin…eh tuwang tuwa naman sila tuwing magkukwento ako. Kaya ayun ang araw-araw na sagupaan namin ni Dylan ay hindi lang Diary ko ang may alam, lahat ng tao sa boarding house alam na alam ang mga pinaggagawa ni Dylan Fernandez.

“Awan! Gago siya! Bwiset talaga eh…”, sagot ko habang kumukuha ng pinggan. Nakakagutom!

“Hay naku Kia, nagpapapansin lang yun sa’yo…”, sabat naman ni Thea habang ngumunguya ng pagkain.

“Mga baliw! Wala lang yung magawa! Bwiset ako palagi ang pinagdidiskitahan….pustahan tawa na naman yun ng tawa…! Kahayupan mandin! Kung hindi lang ako nakapagpigil ibinato ko na sa kanya yung bato!”, sagot ko habang gigil na gigil na nilagyan ko ng kanin yung pinggan ko. Ayan pati yung rice cooker nadadamay sa pagkainis ko.

“Hay Kia…ngayon ko napapatunayan na ang laki ng pagkagusto sayo ni Dylan biruin mo naman talagang gagawa at gagawa siya ng way para mapansin mo siya… ang effort niya, promise!”, sabat naman ni Yarrie habang nagpaplantsa. “Saan kaya sya naghanap ng bato ano?”, dugtong pa niya.

The 9 Spring LEafTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon