*******
October 28, 2011 (Thursday)
Hey Spring Leaf,
Binigyan niya ako ng piso kanina. Bilang kabayaran niya daw sa paggawa ko ng Assignment niya sa Math dahil na-late siya. Ingatan ko daw yung piso. Simbolo daw ng pagkakaibigan namin? Ngayon ko lang nalaman, magkaibigan pala kami?
Ang bilis ng araw. Tatlong araw na lang November na. Isang buwan na lang December na tapos 2012 na. Tatlong buwan na lang eh tapos na ang Junior year namin. At sa June practice teaching na kami. Oh well! That’s life. There it goes, there it flows.,
*******
Yan ang nasa isip ko habang nagbibihis ako. Humarap ako sa salamin at napangiwi sa nakita ko. Another pimple mark. Eehh! Sa dinami dami ng tutubuan talagang sa may noo pa? At sa gitna pa talaga ha. Wala pa naman akong bangs kaya hindi ko toh matatago. Hays..
7:50AM
Kita ko sa cellphone ko nang silipin ko ang oras. 40 minutes na lang time na. Dali dali akong naggayak at tinext muna ang mga kaibigan ko.
---------
To: Micah, Geenie, Erin, Jane, Rae
Good morning Girls? Nsa skul nb kau? Pakopya assignment s math! Haha. Wla pa ko sagot sa no. 2, 4 at 7 at 9! Waaahh! XD
----------
Message sent!
----------
From: Geenie
Wow sipag! Apat lng wla sagot! Uu gurl! Dto n kmi nangongopya. Haha. :) biLisAn mO! Pnta kna d2. sN knB?
-------------
Oo naman. Kahit naman nangongopya ako eh nagtatry din naman ako magsagot. Pag lang talaga hindi ko makuha sa pangalwang beses ko pagtry ay hindi ko na tinatry kasi alam kong may kokopyahan naman ako. Haha At isa pa. Nakakatamad kasi.
From: 0928*******
Gud morning:) Hi Kia. Ui Kia, favor nMn pgGawa mu mUna aqng assigNmenT. MejO male-Late Lng aq..plSss.. dyLan 2. Thank u.
-------------
Wow ha. Parang ambait bait ng text niya ha. And for the first time in my entire life, ngayon lang nakareceive ng text ang cellphone ko mula kay Dylan. Very unusual.
BINABASA MO ANG
The 9 Spring LEaf
RomanceTorpe sya.. pakipot ka... Wala tuloy magyari... May mga tao talaga na kahit anong pilit nating itaboy sa buhay natin pilit na magsusumiksik pa rin... Minsan hindi man natin aminin sa mga sarili natin andun pa din yung damdamin na kahit baligtadin...