CHAPTER 4
SHE’S THE GIRL
“Tol…aba..hindi ako ha…baka itong si Ki-----”, tapos bigla siyang natigilan at tumahimik. Sinundan ko yung tingin niya..
Si Arianne.
Pumasok pala sa loob ng S.C. Office si Arianne.
“Baka itong si Kia…”, ulit niya. “Makapagbasa na lang may mapapala pa…”, tapos hindi na siya nag-ingay pa. Hindi na din niya ako kinulit. So tumahimik na lang din ako.
Si Arianne nga talaga.
Ouch naman!
Teka bakit ako nahurt?
Teka nga… kindly DELETE!
Hindi ako masyadong sure ha..pero ang alam ko kasi…si Arianne lang naman ang babaeng matagal nang pinapangarap ng Dylan na yun. Ang alam ko ay since Elementary ay classmate na nya yun. At since elementary ay crush na din niya yun…kaso nung Grade 7 ata ay lumipat ng school si Arianne tapos ayun bumalik ulit siya ng Junior High School dun kaya malamang nagdiwang na naman ang puso nung isa. Pero ewan ko kung bakit ngayon parang hindi sila nagpapansinan..? Malay ko. Ang feeling ko lang SHY MODE itong si Dylan kaya hindi maka-da move kay girl.. grabe ang torpe niya lang. So gay! Pero may boyfriend si Arianne eh….si Jared. Yung ka-major niya.. Ah. Yes…Education student din nga pala siya. Si Arianne..
Maputi, matangos ang ilong, mahaba ang hair na straight pero kulot ang dulo, mahinhin, hindi naman siya gasinong katangkaran, mga kasing height ko lang I think, mga 5’2? Pero super girl kumilos at manamit, very graceful,. In short MAGANDA! Beautiful, gorgeous, pretty, nice….ah! Lahat na ng synonyms ng salitang BEAUTIFUL. Hay.. bagay sila.
Ay sorry nakalimutan kong banggitin kung bakit kami andito ngayon sa SC Office.. kasi pinatawag kami ng SC President…yung Math major. Pinatawag ang mga officers ng bawat organization from President to Secretary. So yun yung reason kung bakit kami andito ni Fernandez.. By the way siya yung President ng Spectrum Society, ito yung organization ng mga Physical Science major.. kasama din ako kasi ako yung Executive Secretary…at kasama rin namin si Rence, sya naman ang Vice-President. Kami ang inatasan na maging representative ng aming minamahal na org.
BINABASA MO ANG
The 9 Spring LEaf
RomanceTorpe sya.. pakipot ka... Wala tuloy magyari... May mga tao talaga na kahit anong pilit nating itaboy sa buhay natin pilit na magsusumiksik pa rin... Minsan hindi man natin aminin sa mga sarili natin andun pa din yung damdamin na kahit baligtadin...