Chapter 13
Electricity
Nakuha ko ng matiwasay yung tsinelas. Hindi ko na talaga pinakawalan pa sa mga paa ko yung tsinelas. Mahirap na baka mabiktima na naman. Salamat na nga lang kay poging kuya at sinave niya ito. Hanggang ngayon medyo nahihiwagaan pa rin talaga ako kung sino yung lalaki na yun. Kasi alam niyo yun? The way he pinched my cheeks, it seems that we’re close?
“Hi gurl..”, bati saken ni Jane. Umupo din siya sa tabi ko at ginaya din ang ginagawa ko na kinakampay ang paa sa gilid ng pool.
“Oh..hi Jane..?’’, bati ko din naman.
“Musta naman kayo ni Dylan?”, may panunukso sa himig ng pagtatanong niya sabay sundot sa tagiliran ko kaya naman napabalikwas ako.
“Ay leshe!! Kelangan talaga may pagsundot? Aist… awan sa kanya.”, patay malisya kong sagot.
“Gurl alam mo napapansin namin na madalas kang kinukulit ni Dylan ah.. may something ba? Share naman dyan..”, panunukso niya. ANO DAW??
“Ayiehhh… namumula ka gurl ehhh…”, dugtong nya.. WHAT?? AKO?? NAMUMULA??
“Para kang sira Jane… anong something?? Wala naman.. talaga lang wala yung mapagdiskitahan isang yun kaya ako ang napapagtripan…”, sabi ko. Totoo naman di ba? Something daw? Ano namang something?
“Oy NoKia…!”, napalingon naman kami pareho ni Jane kung sinong tumawag sa akin.. At teka… Anong NOKIA?? Ano ako cellphone??
BINABASA MO ANG
The 9 Spring LEaf
RomanceTorpe sya.. pakipot ka... Wala tuloy magyari... May mga tao talaga na kahit anong pilit nating itaboy sa buhay natin pilit na magsusumiksik pa rin... Minsan hindi man natin aminin sa mga sarili natin andun pa din yung damdamin na kahit baligtadin...