Chapter 3

1K 19 7
                                    

Bago pa man makapasok si Julie sa studio ay hinarang na siya ng isa sa mga staff ng show nila.

"Miss Julie, huwag na daw po kayong pumasok ng studio. Diretso dressing room na lang daw po kayo. Doon na lang daw po kayo maghintay. Ipapatawag na lang daw po kayo ni direk doon."

"Ha? Hindi ba ako magre-rehearse para sa number ko? Hindi ko pa alam kung anong gagawin ko." Nagtatakang tanong ni Julie sa staff.

Hindi kasi siya nakapag-rehearse para sa show nila ngayon dahil may rehearsal din siya para sa birthday show niya sa Hard Rock Cafe sa Miyerkules. Pinili niyang makasama ang kanyang taga-hanga at mga supporters bago ang kanyang kaarawan kinabukasan. Napagpasyahan din niyang magkaroon na lamang ng maliit na salu-salo kasama ang kanyang pamilya. Tinawagan lamang siya kaninang umaga ni Direk Rico Gutierrez ang kanilang director sa show na pumunta pa rin ng studio dahil may nakalaan pa ring number para sa kanya.

"Hindi ko po alam, Miss Julie. Yun lang po kasi ang instruction ni direk." sagot sa kanya ng staff.

"Ah, sige. Punta na po akong dressing room. Tawagin niyo na lang po ako dun." Naguguluhang paalam nito sa staff.

Wala siyang nadatnang kasamahan sa loob ng dressing room.

"Baka nagre-rehearse pa sila." nasabi na lamang niya sa kanyang sarili.

Umupo na lamang siya sa may sofa at inabala ang sarili sa paglalaro sa kanyang cellphone.

Nagtaka siya ng mapansin ang oras at mapagtantong matagal tagal na rin pala siyang naglalaro. Ilang saglit na lang ay mag-uumpisa na ang kanilang show subalit isa man sa mga kasamahan niya ay hindi pa bumabalik sa kanilang dressing room para magbihis at maghanda.

"Parang may mali dito." nasabi niya sa kanyang sarili. Patayo na siya sa kanyang kinauupuan ng pumasok ang isang make-up artist.

"Miss Julie, aayusan ko na po kayo para handa na kayo anytime na tawagin kayo." sabi sa kanya ng make-up artist.

Tumayo na siya at muling umupo sa harap ng salamin upang maayusan na. "Ate, alam niyo po ba kung anong gagawin ko?" tanong nito sa make-up artist.

"Hindi ko po alam. Nautusan lang po akong pagandahin kayo." sagot nitong patuloy pa rin sa pag-aayos sa kanya.

Patapos na siyang ayusan nang may pumasok sa DR. "Miss Julie, suotin niyo na daw po ito."

"Whoa, pink gown?" bulalas nito nang makita ang isusuot niya. (see insert picture)

"Para saan 'yan? Ano ba talagang gagawin ko?" nagtatakang tanong ni Julie sa bagong dating.

"Di ko po alam, Miss Julie. Inutusan lang po ako para pasuotin ito sa inyo." sagot naman nito sa tanong niya.

"Alam niyo, kanina ko pa napapansin na may kakaiba dito. May alam ba kayo sa nangyayari?" tanong pa rin nito sa dalawang kasama. Kibit-balikat lamang ang sinagot sa kanya ng dalawa.

Habang nagbibihis ay tinatawagan niya ang kanyang mga kaibigan pero isa man sa kanila ay walang sumasagot. Maging si direk Rico ay tinawagan na rin niya ngunit maging ito ay hindi sumasagot sa tawag niya.

"May kakaiba talaga dito!" wala sa sariling sambit niya. "May show ba talaga ngayon?" tanong nito sa dalawang kasama pagkatapos niyang magbihis.

"Meron po, Miss Julie. Kanina pa po nag-umpisa." sagot sa kanya ng make-up artist.

Magtatanong pa sana si Julie nang may kumatok sa pinto. Binuksan ng make-up artist ang pinto at pumasok si Alden.

"Ready ka na, Julie? Tayo na ang susunod." sabi nito sa kanya. Napataas ang kilay niya rito ng makita ang suot nito. Naka-tuxedo ito na parang pupunta sa isang party.

"Ano bang meron? Aattend ba tayo ng party?" naguguluhang tanong niya rito. "Ano bang gagawin natin?"

"Aattend nga tayo ng party. Party Pilipinas nga 'di ba?" natatawang sagot niya rito habang inaakay na siya nito papuntang backstage.

"Yeah. Right." sagot niya and rolled her eyes.

Paakyat sila sa hagdan sa backstage dahil sa taas pala sila manggagaling. Nasa tapat na sila ng pinto na siyang lalabasan nila papuntang stage.

"You ready?" tanong sa kanya ni Alden.

Kinakabahan man dahil hindi niya alam ang gagawin ay tumango at ngumiti na lamang siya dito.

"This is the second part of our show." rinig niyang sabi ni Maxene Magalona. "Mukhang ready na sila." excited niyang sabi na dahilan para maghiyawan ang mga tao na naroon.

"Oo nga. Ano pang hinihintay natin?" si Tim Yap naman ang narinig niyang nagsalita na lalong nagpalakas sa hiyawan ng mga tao.

"Please welcome, our debutant, Julie Anne San Jose." si Raymond Gutierrez naman ngayon ang nagsasalita. Halos mabingi na siya sa lakas ng hiyawan.

Tama ba ang rinig niya? "Our debutant? Ano ba talagang nangyayari?" tanong niya sa kanyang sarili.

"To be accompanied by her escort, Alden Richards." patuloy na pagpapakilala sa kanila ni Alden.

Tumingin sa kanya si Alden at inialok ang kanyang kamay. Wala sa loob na napatingin siya sa kapareha at inabot ang kamay dito. Wala pa rin siya sa kanyang sarili ng buksan ni Alden ang pinto at akayin siya palabas.

Halos maiyak na siya pagkakita sa ayos ng stage.

It's still youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon