Chapter 7

929 29 9
                                    

Tumulo ang mga luha ni Julie pagkarinig sa pangalan ni Julian.

"Julian?" ulit ni Julie.

Hinawakan ni Julian ang magkabilang pisngi ni Julie at pinunasan nito ang kanyang mga luha gamit ang maliliit na mga hinlalaki nito.

"Please, don't cry." pagpapatahan nito kay Julie. "I don't want to see you cry." hinalikan nito ang mga mata ni Julie.

Hinawakan ni Julie ang mga kamay ni Julian na nasa mga pisngi niya. She close her eyes and feel the moment. She don't want to end that moment. Kung isang panaginip lang iyon, ayaw na niyang magising pa.

Pagmulat ng kanyang mga mata ay bumungad sa kanya ang nakangiting si Julian.

"You're real." hindi makapaniwalang pahayag ni Julie.

"Yes. I am real." sagot naman ni Julian

"Can I hug you?" tanong Julie na tinanguan naman ni Julian kaya agad niya itong niyakap ng mahigpit.

"I-I can't breathe."

"I'm sorry." pinakawalan ni Julie si Julian

"It's okay. I'm good." sagot ni Julian at ngumiti.

"Do you know me?"

"Yes." sagot ni Julian. Lumapit pa siya kay Julie at bumulong. "You're my Nanay."

Muling niyakap ni Julie ang anak. Hinalikan din niya ito sa labi.

"Ma! Pa!" tawag ni Julie sa kanyang mga magulang.

"Ano yun, anak?" tanong ng papa niya nang makalapit ang mga ito sa kanila.

"May problema ba? Bakit ka ba sumisigaw?" tanong din ng mama niya.

"Wala pong problema. May ipapakilala lang po sa inyo." excited na sagot ni Julie.

"Sino?" tanong ulit ng mama niya.

"Si Julian po, Ma, Pa." pagpapakilala ni Julie kay Julian sa mga magulang.

Sabay na napalingon ang mag-asawa sa tinawag na Julian ni Julie.

"Julian? Julie, siya ba yung--" tanong ni Marivic.

"Opo ma. Siya nga po yun."

"Julian?" ulit ng mama ni Julie at niyakap ang bata.

"Hindi na makahinga yung bata, Hon." ani Jonathan sa asawa.

Pinakawalan na rin ni Marivic si Julian.

"Julian, do you know me?" tanong dito ni Jonathan.

"Yes. You're my lolo." sagot nito kay Jonathan. "And you're my lola." baling naman nito kay Marivic.

Napangiti naman ang mag-asawa sa sagot ng kanilang apo.

"Can you give lolo a hug, Julian?" pakiusap ni Jonathan na agad namang pinagbigyan ni Julian.

"Julian?"

"Yes, lola?"

Napangiwi si Ivic. "Julian, please don't call me lola. Call me mama." pakiusap nito sa apo.

"Sure, lola." agad na sagot ni Julian na tinawanan nila Jonathan at Julie.

"Oops," ani Julian na tinakpan pa ang kanyang bibig. "Sorry. That should be mama." hinging paumanhin ni Julian at hinalikan ang pisngi ng nakasimangot na si Ivic.

Pinagmamasdan ni Julie ang kanyang mga magulang na masayang nakikipagkuwentuhan sa kanyang anak.

Wala na siyang mahihiling pa. Binigyan siya ng pamilyang sinusuportahan siya sa lahat. Mayroon din siyang mga kaibigan na alam niyang hindi rin siya iiwan. Ngayon, nandito sa harap niya ang matagal na niyang gustong makita.

"Nanay, I'm sleepy." agaw pansin sa kanya ni Julian na kinakalabit pa siya sa braso.

"We'll sleep now, baby." ani Julie at binuhat na si Julian.

"Ma'am Julie, ako na po bubuhat sa alaga ko." pag-awat sa kanya ng nanny ni Julian.

"Pinay ka pala." komento ni Julie na tinanguan naman nito. "Ako na ate, kaya ko na 'to. Tsaka Julie na lang po ang itawag mo sa akin. Hindi pa naman po ako matanda. Ano nga po pala ang pangalan niyo?" tanong ni Julie habang naglalakad sila papunta sa kuwarto niya.

"Jane po." nahihiyang sagot nito.

"Ate Jane, ako na pong bahala kay Julian. Magpahinga na po kayo. Ito po pala ang kuwarto niyo. Dito lang po ako sa kaharap na kuwarto. Katukin niyo lang po ako kapag may kailangan kayo." bilin nito kay Jane.

"Sige po. Okay na po ako dito. Salamat po. Magpahinga na rin po kayo." sagot sa kanya ni Jane.

Pagkapasok nila sa kuwarto ay pinahiga na niya sa kama si Julian. Binihisan muna niya ito ng pantulog bago pumasok sa banyo para makapagpalit na rin ng pantulog. Pagkahiga niya sa kama ay agad siyang niyakap ni Julian.

"Goodnight, nanay. I love you." ani Julian na hinalikan pa siya nito sa labi.

"Goodnight. I love you too, baby." hinalikan rin niya ito sa noo bago tuluyang matulog na may ngiti sa mga labi.

It's still youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon