Chapter 33

1.2K 41 2
                                    

"Prod?" tanong ni Julie.

"May prod kayo ni Elmo, Julie?" tanong ni Diva.

"Ang alam ko, wala. Wala namang sinabi si direk na may prod kami." sagot ni Julie.

"Bakit ang sabi ni Elmo magkita na lang kayo sa prod niyo?" tanong ni Wyn.

"Ewan ko sa kanya. Paano naman kami magkakaroon ng prod eh wala naman siya sa tech reh. Tsaka alam nating umalis siya kaya bakit kami magkakaroon ng prod?" tanong ni Julie.

Nagtataka talaga siya kung bakit sinabi iyon ni Elmo. Tinignan niya kanina yung list of production numbers nila at wala doon ang sinasabi ni Elmo na prod nila. Tsaka kung meron man, dapat sinabihan na siya na magkakaroon nga sila ng prod. Haay! Hahayaan na nga lang niya. May sarili pa siyang prod na iisipin at paghandaan. Mamaya na lang niya iisipin si Elmo.

"Julie, tara na. Malapit na ang opening." yaya ni Yassi.

Tumango si Julie at naglakad palabas ng DR kasama ng mga kaibigan.

Nasa backstage na ngayon si Julie. Hinihintay niyang matapos si Jaya na kumanta. Production numbers iyon ng VOX at siya ang huling kakanta. Nang matapos nang kumanta si Jaya ay inayos na niya ang kanyang sarili at naglakad papuntang stage. Pagdating niya sa gitna ng stage ay tumugtog na ang kantang kakantahin niya.

'Hey, there's a look in your eyes
Must be love at first sight
You were just part of a dream
Nothing more so it seemed

'But my love couldn't wait much longer'

Nagulat si Julie nang may sumabay sa kanyang kumanta. Napalingon si Julie sa likod niya ng magtilian ang manonood. Napatigil siya sa pagkanta nang makita si Elmo.

'Just can't forget the picture of your smile
'Coz everytime I close my eyes
You come alive'

Hindi alam ni Julie ang gagawin. Lalo na at papalapit na ito sa kanya. Hindi niya alam sasabayan siya nito sa pagkanta. Ito ba ang sinasabi niyang prod nila?

'The closer I get to touching you
The closer I get to loving you
Give it a time
Just a little more time
We'll be together'

Sinabayan na ni Julie si Elmo sa pagkanta. Nakalapit na rin ito sa kanya at agad siya nitong hinawakan sa bewang. Nagulat man siya sa ginawa nito ay nginitian na lamang niya ito para itago ang pagkabigla.

'Every little smile
That special smile
The twinkle in your eye
In a little while
Give it a time
Just a little more time
So we can get closer
You and I'

Humarap si Elmo kay Julie habang kumakanta. Hindi naiwasan ni Julie ang kiligin. Para kasing kinakantahan siya ni Elmo at sinasabing para sa kanya ang kantang iyon.

'Then could I love you more
So much stronger than before
Why does it seem like a dream
So much more so it seems'

Habang kumakanta si Julie ay hinawakan ni Elmo ang kamay niya at inakay siya sa bandang harap ng stage.

'I guess I found my inspiration
With just one smile, you take my breath away
So hold me close
And say you'll stay with me now'

Habang kumakanta si Elmo ay nakatingin ito kay Julie at hawak pa rin ang kamay nito.

Hindi naman maiwasan ni Julie ang mapangiti sa mga ginagawa ni Elmo.

It's still youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon