Chapter 26

1.1K 30 4
                                    

"Julie, totoo bang may anak ka na raw?"

Nagulat si Julie sa tanong ng reporter na sumalubong sa kanya. Papasok si Julie sa GMA ng salubungin siya ng mga reporter.

"Julie, totoo ba ang balita? Julie, may anak ka na raw? Julie, na saan yung ama ng anak mo? Julie, ilan taon na yung anak mo? Bakit mo siya tinatago? Julie--- Julie--- Julie---" sabay sabay at sunod sunod na tanong ng mga reporter kay Julie.

Hindi na alam ni Julie kung anong gagawin. Hindi rin alam ni Julie kung paano siya makakaalis doon. O kung makakaalis pa ba siya ng buhay doon.

Nginitian ni Julie ang reporter na patuloy pa rin sa pagtatanong at sa pagkuha ng litrato niya. Lumingon lingon sa paligid, umaasang may taong dadaan doon para tulungan siya.

Ilang sandali na siya sa ganoong sitwasyon ay wala pa ring dumadaan para tulungan siya. Natutulili na ang tenga niya sa mga paulit ulit na tanong sa kanya. Nanginginig na rin siya dahil sa sobrang kaba, gulat at takot. Hindi na siya makagalaw. Hindi na rin siya makapag-isip ng maayos. Hilong hilo na siya. Pakiramdam niya, bibigay na ang tuhod niya.

Pabagsak na si Julie nang maramdaman niyang may humawak sa bewang niya at tinutulungan siyang tumayo ng maayos.

Tinignan ni Julie kung sino ang nagligtas sa kanya.

"Elmo?" wala sa loob na sabi ni Julie.

"Hold on, Princess! We'll get through this." nag-aalalang bulong ni Elmo.

Maya maya ay naramdaman ni Julie na naglalakad na sila. Patuloy pa rin sa pagtatanong at pagkuha ng mga litrato nila ang mga reporter ngunit wala nang maintindihan si Julie. Nakatingin lang siya kay Elmo na hinahawi ang mga reporter para makadaan sila.

"Princess?" tawag ni Elmo kay Julie.

"Princess!" tawag ulit ni Elmo na niyugyog pa ang balikat ni Julie.

"Ha?" gulat na tanong ni Julie.

"Are you hurt?" nag-aalalang tanong ni Elmo.

Umiling si Julie. Kahit na nanginginig pa rin siya. Ayaw naman niya itong pag-alalahanin pa.

Napansin niyang nasa loob na pala sila ng GMA. Hindi niya namalayang nakapasok na pala sila doon.

"Are you sure?" nag-aalala pa ring tanong ni Elmo.

Tumango lang si Julie bilang sagot.

"Maqui!" tawag ni Elmo sa kaibigan.

"Oh, bakit magkasama kayo, ha?" panunukso ni Maqui kina Julie at Elmo.

Biglang nagbago ang expression ng mukha ni Maqui nang makitang namumulta at nanginginig si Julie.

"Ano nangyari sa'yo, Julie?" nag-aalang tanong ni Maqui.

Hindi sumagot si Julie kaya bumaling si Maqui kay Elmo.

"I'll explain later, Maq. For now, bring Julie to your dressing room and calm her. I just have to fix something." ani Elmo.

"Elmo---"

"Later, Maq! Just go!" ani Elmo sa medyo mataas na boses.

Nagulat si Maqui sa pagtaas ng boses ni Elmo kaya agad niyang inakay si Julie papuntang DR nila.

Agad pinaupo ni Maqui si Julie sa may sofa. Patalikod na si Maqui nang hawakan ni Julie ang kamay nito.

"Babalik ako. Kukuha lang ako ng tubig." ani Maqui.

Binitiwan ni Julie si Maqui kaya nakaalis ang huli para kumuha ng tubig.

Pag-alis ni Maqui ay biglang tumulo ang mga luha ni Julie. Hindi niya akalain na mangyayari sa kanya ang nangyari kanina. Hindi niya lubos maisip kung bakit iyon nangyari. Patuloy pa rin sa pagluha si Julie nang bumalik si Maqui. Pinainom siya nito at umupo sa tabi niya.

It's still youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon