Chapter 13

940 30 2
                                    

"Julie?" wala sa sariling tawag ni Maqui.

"Hmm"

"Tama ba rinig ko? Tinawag ka niyang Princess?" tanong ni Maqui habang nakatingin pa rin sa pintong nilabasan ni Elmo.

"Yes," wala din sa sariling sagot ni Julie.

Dumaan ang ilang sandaling katahimikan sa kanilang dalawa. Inaabsorb ang nangyari kani-kanina lang.

"Julie!" tili ni Maqui.

"Maqui, ano ba? Huwag ka ngang sumigaw." pagsita ni Julie nang makabawi sa gulat.

"Julie! Kinikilig ako!" ani Maqui na yinugyog pa si Julie sa balikat. "Grabe lang si Papa Elmo, alam mo yun?"

"Psshh! Maqui!" pagsaway ni Julie. Pinipigilan niyang ngumiti pero napangiti pa rin.

"Alam kong prinsesa ka, Julie. Pero ang tawagin ka niyang Princess? Grabe! Hindi ko kinaya. Tapos halikan ka pa sa noo? Jusko! Gusto ko nang himatayin. Ang sweet lang ng prinsipe mo." kinikilig pa ring pahayag ni Maqui.

"Maqui?" tawag ni Julie. Hindi na niya alam ang sasabihin.

"Alam ko, bebe girl! Hindi mo na kailangang magsalita. Ramdam kita." nakangiting sabi ni Maqui.

Ngumiti na lang din si Julie. Hindi rin kasi niya alam kung anong mararamdaman niya. Kanina lang, naiinis siya kay Elmo dahil Julie na ang tawag niya sa kanya. Akala niya nakalimutan na siya nito. Akala niya balewala na siya dito. Pero ngayon, ewan na niya. Inaamin niya, masaya siyang makita ulit si Elmo. Ang makasama ulit ito kahit sandali lang. Ang tawagin siya ulit nitong Princess.

"Hoy! Hulyeta! Anong nangyayari sa'yo?" tanong ni Diva kay Julie na nakapag patigil sa kanya sa pag-iisip.

"Hayaan niyo na yan. Ninanamnam lang niya ang kilig niya." sagot ni Maqui.

"Kinikilig ka din pala, Julie! haha." komento ni Wyn.

"Gaga! Anong akala mo diyan? Robot?" sagot naman ni Yassi.

"Kayo na ba ngayon si Julie, ha?" tanong ni Diva.

"Oo nga. Kayo ang sumasagot eh." ani Wyn. Nagtawanan silang magkakaibigan.

"Kanino ba yan kinikilig?" tanong ni Diva kay Maqui.

"Kanino pa edi sa akin." sagot ni Alden na umupo sa tabi niya.

"Asa!" sabay sabay na sabi ng mga kaibigan nila ni Julie.

Nginitian na lang ni Alden ang mga kaibigan.

"Musta, Julie? Mukhang masaya ka ah?" tanong ni Alden.

"Hindi lang yan basta masaya. Masayang masaya yan." sagot ni Maqui sa tanong ni Alden na nakatingin sa kanyang cellphone.

Umiling si Julie bago sumagot. "Okay lang naman ako, Alden. Ikaw ba?"

"Okay na okay na ako. Nakita na kita eh." nakangiting sagot ni Alden.

"Ikaw talaga!" ani Julie na hinampas pa sa braso si Alden.

Nakipag-kuwentuhan pa si Julie kay Alden nang maging abala ang mga kaibigan niya sa kani-kanilang cellphone.

"OMG, Maqui! Ano toh?" tili ni Wyn na kinagulat niya.

"Oo nga Maqui! Totoo ba toh?" tanong din ni Diva.

"Waah! Maqui!" sabay sabay na tawag ng mga kaibigan niya kay Maqui na ngayon ay nakangiti sa kanyang cellphone.

"Tanong niyo kay Julie." sagot ni Maqui na nakangiti sa kanya.

"Ha? Bakit ako? Ano ba yan?" naguguluhan namang tanong ni Julie.

"Eto oh." sagot ni Yassi na pinakita ang kanyang cellphone.

Nakita niya doon ang litrato ni Maqui at Elmo na kinuhanan niya kanina.

"Ah yan ba? Kasi---"

"Guys, come closer may announcement si direk!" tawag sa kanila ng isang staff. Hindi na natapos ang sasabihin ni Julie dahil tinawag na nga sila ng staff.

"Guys, may bago tayong makakasama sa sunday." panimula ni direk. "He's a International star. Raised in US but proudly Pinoy. Actually, nandito siya kanina. Nagkaroon lang siya ng emergency kaya umalis din agad."

Nagsimulang magbulungan ang mga kasamahan nila kung sino ang makakasama nila sa linggo.

"He will have a solo prod and a duet. He requested Julie to be his partner." pagkarinig ng pangalan niya ay agad nagtinginan sa kanya ang mga kasamahan.

"Alam ko na kung sino." nakangiting komento ni Maqui na tumingin din kay Julie. Siniko na lang niya ang kaibigan.

"Yun lang guys, balik muna kayo sa mga upuan niyo. Mag-start tayo in 5." pagtatapos ng kanilang direktor.

"Julie!" pabalik na sana si Julie nang tawagin siya ng kanilang direktor. "You'll be singing this song on sunday. Master your part."

"Direk---"

"I know you can do it!" pagpuputol ng direktor sa sasabihin ni Julie. Tinapik lang nito ang balikat ni Julie saka bumalik sa stage para masimulan ang kanilang rehearsal.

It's still youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon