Chapter 27

1K 35 0
                                    

Biglang napamulat ng mata si Julie nang maramdaman niyang may humahalik sa kanya. Napangiti siya nang tuloy pa rin si Julian sa paghalik sa kanya.

Pumikit ulit si Julie. Ninanamnam ang paglalambing ng anak. Gusto niyang gumising araw araw kung ang halik ng anak ang gigising sa kanya.

"Nanay, wake up!" panggigising ni Julian sa ina habang hinahalikan ito.

Hindi napansin ni Julian ang pamulat at pagngiti ni Julie.

"Nanay, wake up!" mas nilakasan ni Julian ang boses para magising ang ina, ngunit hnd pa rin nagigising si Julie.

Tumayo na si Julian. Pasimpleng nagmulat ng mata si Julie nang maramdamang tumayo si Julian. Akala ni Julie ay aalis na ito nang biglang,

"Nanay! Wake up!" sigaw ni Julian habang tumatalon sa kama.

Lalong napangiti si Julie dahil sa kakulitan ng anak.

"Nan---"

Hindi na pinatapos ni Julie ang sasabihin ng anak dahil hinila na niya ito pahiga sa tabi niya. Agad namang yumakap si Julian kay Julie.

"Good morning, Nanay!" bati ni Julian sabay halik kay Julie.

"Good morning too, baby!" bati pabalik ni Julie at hinalikan din ang anak.

Ilang sandali pa silang nanatili sa ganong posisyon. Si Julie, nakapikit habang nakayap sa kanya si Julian. Walang nagsasalita. Para kay Julie, sapat nang makasama at mayakap niya ng ganoon si Julian. Wala na siyang mahihiling pa. Hindi niya iyon ipagpapalit sa anumang bagay. Hindi na niya gugustuhing mawala ito sa kanya.

"Nanay?"

"Yes, baby?" ani Julie na nakapikit pa rin.

"I'll be missing you, Nanay" sagot ni Julian na hinigpitan pa ang yakap kay Julie.

Biglang napamulat si Julie at tinignan si Julian.

"Why, baby?"

"I'll leaving soon, Nanay." malungkot na sagot ni Julian.

Napabangon bigla si Julie. Naupo sa kama at sumandal sa headboard. Hindi niya alam kung paano magrereact. Alam naman niyang aalis din ito pero hindi niya maiwasang malungkot.

Kahapon lang, hiniling niyang sana hindi na lang bumalik si Elmo at dinala si Julian sa kanila. Ngayon naman, hihilingin niya na sana huwag na lang itong umalis. Kahapon, ang sabi niya, mas gugustuhin niyang hindi ito makasama kesa madamay pa ito sa gulo ng mundong ginagalawan niya. Pero ngayon, mas gugustuhin na niyang makasama ito sa pagharap sa magulong mundo niya.

"Why are you crying, Nanay?" tanong ni Julian habang pinupunasan ang mga luha ni Julie.

Hindi niya namalayang umiiyak na pala siya at nakakandong na si Julian sa kanya.

"I'm just gonna miss you, baby." sagot ni Julie na patuloy pa rin sa pagluha.

"I'm gonna miss you too, Nanay. Please don't cry." ani Julian na naiiyak na rin.

Niyakap na lang ni Julie si Julian. Iniisip pa lang niya na hindi na niya ulit mayayakap ng ganoon si Julian, naiiyak na siya. Paano na lang kapag umalis na ito? Wala nang gigising sa kanya ng halik. Wala nang maglalambing sa kanya ng ganoon. Wala nang sasalubong sa kanya tuwing uuwi siya. Wala nang magpapangiti sa kanya sa tuwing nalulungkot siya. Wala na siyang katabi sa pagtulog.

Humiwalay si Julie sa yakap nila nang maramdamang umiiyak na rin si Julian.

"Why are you crying, baby?" tanong ni Julie habang pinupunasan ang luha ni Julian.

It's still youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon