Chapter 18

951 30 0
                                    

Masayang nakikipag-usap si Julie kay Ate Weng, ang make-up artist niya habang inaayusan siya nito. Wala man siyang idea sa gagawing MV, masaya pa rin siya dahil sarili niyang MV ang gagawin nila.

"Hey, beautiful!" bati ni Elmo kay Julie nang dumating ito. Namula si Julie nang halikan siya ni Elmo sa pisngi sa harap ni Ate Weng. Napangiti naman ang make-up artist sa ginawa ni Elmo at sa naging reaction ni Julie.

"Kararating mo lang?" tanong ni Julie.

"Yeah. You?" balik tanong ni Elmo na umupo sa katabing upuan ni Julie.

"Obviously, kanina pa. I'm almost done here." sarcastic na sagot ni Julie.

"Hey, I'm just asking. You don't have to be sarcastic." ani Elmo na tumayo mula sa kinauupuan.

"Where are you going?" tanong ni Julie nang makitang paalis si Elmo.

"Anywhere away from here. I think your not happy to see me." malungkot na sagot ni Elmo.

"Hey, I'm just kidding." mabilis na sagot ni Julie.

"I know. I'm just kidding. I'll just greet direk Mark and the others." sagot ni Elmo na tinapik pa ang kanyang balikat bago tuluyang umalis.

"Ang guwapo talaga ni sir Elmo." kinikilig na sabi ni Ate Weng. "Mukha pa siyang mabait."

"Mabait nga siya Ate." nakangiting sagot ni Julie.

"Mukhang close na kayo, Miss Julie. Matagal na kayong makakilala?"

Natigilan si Julie. "Mabait lang talaga siya, Ate."

Nang matapos siyang ayusan ay nagsimula na sila agad. Siya daw muna ang kukuhanan ngayon. Sa ibang araw kukunan yung mga eksena nila ni Elmo.

Habang kinukuhanan siya nako-conscious siya dahil alam niyang pinapanood siya ni Elmo. Every after take ay lumalapit ito sa kanya para asikasuhin siya. Nandiyang abutan siya ng tubig o kaya'y ng pagkain, punasan ang kanyang pawis. Tinatanong din siya nito kung anong mga kailangan niya.

Nang minsang mag-break sila ay nakita niyang masayang nakikipag biruan si Elmo sa mga kasamahan nila. Malaki na talaga ang pinagbago nito. Ang dating tahimik at snob na binatang nakilala niya noon ay isa nang sikat at tinitingalang personalidad ngayon. Hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

"Baka naman matunaw?"

Nagulat si Julie nang may magsalita sa tabi niya.

"Nakakagulat ka naman, direk. Magre-resume na po ba tayo?" tanong ni Julie.

"Maya maya ng konti. Busy ka pa eh. Kakatitig sa leading man mo." panunukso ni direk Mark na nakatingin din kay Elmo.

"Hindi naman po." nahihiyang sagot ni Julie.

Natawa ang direktor sa kanya. "Aysus. Sa akin ka pa nahiya." ani direk Mark.

"Napaka bait niya. Kung titignan siya, hindi mo akalain na isa siyang sikat na artista. Napaka simple at napaka down to earth niya. Ang ibang artista, magkaroon lang ng isang pelikula o kaya ng isang kanta akala mo kung sino nang umasta. Pero siya, nakikipagbiruan pa siya sa mga staff. Siya pa nga ang nag-offer ng tulong sa kanila kanina. Sinigurado niyang magiging maayos ang shoot natin ngayon." mahabang pahayag ng direktor.

Hindi alam ni Julie kung anong sasabihin sa mga sandaling iyon. Tinignan na lang niya ulit si Elmo.

"Kaya hindi kita masisisi kung magustuhan mo siya." nakangising tukso ni direk Mark. "Ang sweet niyo nga dun sa conference room nung isang araw. Akalain mong kinilig ako sa inyo pati ng mga kasama ko."

Namula si Julie. Hindi niya alam na nakita pala sila nun.

"Dati, hindi ko alam kung bakit mas pinili niyang kami ang gumawa ng music video niya. Kung tutuusin, kaya naman nilang gumawa ng MV. Ang company nga nila ang gumawa ng mga MV niya at ng iba pang artist sa holiwood. But seeing you two together, alam ko na ang sagot." dugtong ng direktor.

Napabaling ng tingin si Julie sa direktor dahil sa sinabi nito.

"Sige na, puntahan mo na ang leading man mo. Pack-up na tayo. Bukas na lang ulit. Pagod na rin yun." nakangiting utos ni direk Mark na tinapik pa ang kanyang balikat saka umalis na.

Pagkaalis ni direk Mark ay pinuntahan na niya sina Elmo.

"Ang saya natin ah." komento ni Julie sa mga ito.

"Oo, Miss Julie. Palabiro kasi itong si Sir Elmo." sagot ng isang staff.

"I said call me Elmo, kuya Ruben. If I hear you call me sir again, I'll ask direk Mark to fire you." ani Elmo.

"Ah. N-ni E-elmo pala." natatarantang sagot ni kuya Ruben.

"That's better!" natatawang sabi ni Elmo.

"Julie na lang din po ang itawag niyo sa akin." nakangiting sabi ni Julie.

"Sige Julie. Magshoot na ba ulit tayo?" tanong ni Kuya Ruben.

"Ah. Pack-up na daw po tayo. Bukas na lang daw po ulit. Uwi na po kayo."

"Ganon ba? Sige Julie, mauna na kami. Aayusin pa namin yung mga gamit. Elmo, we'll go ahead." pamamaalam ni kuya Ruben sa dalawa.

"You tired?" tanong ni Elmo nang makaalis na ang mga kasama.

"Medyo. Let's go?" yaya ni Julie

"Change your clothes first and we'll go so you could take a rest. I'll just pack your things." utos ni Elmo habang naglalakad sila papuntang DR nila.

"No. Leave my things here. I'll just pack it later. You can go now I know your tired too."

"Nah. I'll wait here." ani Elmo saka umupo sa sofa sa loob ng DR.

Nakita niyang natutulog si Elmo sa may sofa pagkatapos niyang magpalit. Nakangiting napailing si Julie nang makitang maayos na rin ang kanyang mga gamit.

Nag-aalangan siya kung gigisingin niya ito o hindi. Mukhang pagod na pagod ito dahil sa maghapong pag-asikaso nito sa kanya at ng kanilang shoot.

"Elmo, wake up." napagpasyahan niyang gisingin na lamang ito para makauwi na at makapagpahinga na sa bahay nila.

"Elmo," tawag ni Julie na tinatapik pa ang mukha nito.

"I wanna wake-up like this everyday." nakangiting sabi ni Elmo nang magmulat ito ng mga mata.

"Ha? What are saying?" nagtatakang tanong ni Julie.

"Nah. Never mind." ani Elmo saka tumayo at kinuha ang mga gamit ni Julie.

"Let's go." yaya ni Elmo na nauna ng lumabas.

Nilagay ni Elmo ang mga gamit ni Julie sa sasakyan ng huli.

"Where's your car?" tanong ni Julie nang hindi makita ang sasakyan ni Elmo.

"Maxx just drop me off this morning. She'll fetch me, she's on her way here." sagot ni Elmo.

"Come, we'll just bring you home."

"No. It's okay. I'll just wait for Maxx here. You need to rest." nakangiting sagot ni Elmo.

"But---"

"No more buts, Princess. You have to rest. We have to shoot again tomorrow." ani Elmo na pinapasok na sa loob ng sasakyan si Julie.

"Kuya Robert, you take care, okay? Be careful!" paalala ni Elmo sa driver ni Julie. "Call me when you get home." baling ni Elmo kay Julie.

"Yeah. You too, call me." sagot ni Julie.

"I will." sagot ni Elmo saka sinara ang pinto ng sasakyan.

Bumusina muna ang driver ni Julie bago tuluyang nagmaneho.

It's still youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon