Chapter 39

578 39 3
                                    

"Thank you for coming guys. 'Till next time. Good night San Fo!" nakangiting paalam ni Julie sa mga nanood ng concert niya.

Yes! Nasa San Francisco siya ngayon at kakatapos lang ng show niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang unti unti ng natutupad ang mga pangarap niya.

Una, sa halos tatlong buwan pa lang na nareleased ang kanyang debut album ay naging 5x Platinum na agad ito, record breaker sa bilis ng pagabot ng status na iyon. Sa ikalawang linggo ng released ng album ay naging Gold record na agad. Hindi lang iyon, ang kanyang single na I'll Be There ay 4x Platinum na din at kauna unahang single na naging Platinum status.

Pangalawa, successful ang pelikula nila ni Elmo. Record breaker din ito. Sa unang araw palang nito sa takilya ay kumita nabagad ito ng 20M. Sa buong apat na linggo nitong pinalabas ay kumita ito ng humigit kumalang 500M. Tinagurian na nga silang Blockbuster King and Queen. Marami na rin ang nagsasabi na ang loveteam nila ni Elmo ang loveteam to beat.

At pangatlo, nagkaroon nga siya ng concert sa ibang bansa. First time niyang magkaroon ng solo concert sa ibang bansa. At hindi lang basta basta ibang bansa dahil sa US ito. Ngayong gabi ay dito nga sa San Francisco siya nag-concert at sa makalawa ay sa L.A naman. Sa L.A na rin gagawin ang music video ng susunod na single niyang Enough.

Isang linggo lang siya sa america at isang linggo din siyang magtatrabaho. Gusto rin sana niyang mamasyal ngunit wala siyang sapat na oras dahil may mga commitments pa siya sa Pilipinas pagbalik niya.

Muli siyang ngumiti at kumaway sa mga manonood bago bumaba sa stage at magpunta sa dressing room.

Pagdating sa dressing room ay agad na umupo sa couch na naroon.

"Oh, successful naman ang concert mo pero bakit parang malungkot ka?" tanong ni Ivic sa anak.

Napatingin naman si Julie sa ina.

Hindi rin maintindihan ni Julie ang nararamdaman niya. Oo, masaya siya na successful ang first concert niya dito sa US pero somehow, pakiramdam niya may kulang, at hindi niya alam kung ano iyon.

"Masaya naman po ako, mama. Pagod lang po siguro." sagot na lang ni Julie sa ina.

"Pagod nga ba? O disappointed?" nakahulugang tanong pa rin ng ina.

"Disappointed?" naguguluhang balik na tanong ni Julie.

Hindi maintindihan ni Julie ang tinutukoy ng ina. Saan naman siya madidisappoint? Madami naman ang taong nanood sa kanya. Napuno pa nga ang venue. May mahihiling pa ba siya?

Nakangiting tumango naman si Ivic sa anak.

"O siya, kung pagod ka talaga, magpahinga ka na muna diyan. May titignan lang ako sa labas." pagsuko ng ina saka naglakad papunta sa pinto.

Kahit hindi sabihin ni Julie, alam niya ang nararamdaman ng anak. Sadyang malihim lang ito. At hanggat kaya nitong itago ang nararamdaman, itatago na lamang nito.

"Sige, ma." sagot ni Julie saka pinikit ang mata.

Susundin na lamang niya ang ina. Pagod lang siya kaya siya nagkakaganoon. Ayaw na niyang magisip pa ng negative. Dapat magpasalamat na lamang siya at successful ang concert dahil marami ang nanood.

"Congratulations, nanay!"

Napamulat bigla si Julie nang marinig ang boses ni Julian. Napangiti siya nang bumungad sa kanya ang nakangiting si Julian.

"Congratulations, nanay!" masayang ulit ni Julian sabay halik sa labi ni Julie.

"Thank you, baby." nakangiting sagot ni Julie sa anak saka niyakap ito ng mahigpit.

"I miss you, baby!" ani Julie nang humiwalay sa yakap ng anak.

"I miss you too, nanay. I love you!" sagot ni Julian saka umupo sa hita ng ina.

"I love you too, baby! Who's with you?"

"Tatay?" gusto sanang idugtong ni Julie ngunit pinigilan na lang niya ang sarili.

"Ate Jane." maikling sagot ng anak.

Nginitian na lamang ni Julie ang anak. Ngayon niya naramdaman ang disappointment na sinasabi ng ina. Ewan ba niya, pero kaninang pagpasok niya sa stage, tinignan niya ang mga manonood. Nagbabakasakali siyang makikita si Elmo doon. Pero hindi niya ito nakita. Umaasa kasi siyang manonood ito. Di hamak naman kasi na mas malapit ang San Fo sa L.A kesa sa Pinas. Umaasa siyang tutuparin nito ang pangako nitong papanoorin ang bawat show niya. Alam niyang busy ito, pero kasi...

Niyakap na lamang ulit ni Julie ang anak para maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Pasalamat na lang siya na nandoon at nanood ang anak para sa kanya.

Naramdaman ni Julie na bumukas ang pinto ng DR kaya napatingin siya doon.

"Julie, maghanda ka na at babalik na tayo ng hotel." bilin ng ina na nasa may pinto.

"Opo, ma!" sagot ni Julie sa ina.

"I'll just fix my things, baby." sabi ni Julie sa anak saka ito binaba.

"Okay, nanay. I'll wait for you outside with mama Ivic." sagot ni Julian.

Humalik muna si Julian sa pisngi ng ina saka tumakbo palabas ng DR.

"Be careful, baby!" pahabol ni Julie sa anak. Napailing na lamang siya ng makitang nakalabas na ang anak.

Abala si Julie sa pagaayos ng mga gamit niya ng maramdaman niyang bumukas ulit ang pinto.

"Saglit na lang, ma." sabi ni Julie dahil alam niyang ang ina ang nagbukas ng pinto.

"I'm not tita Ivic." sagot ng bagong dating.

Natigilan si Julie pagkarinig sa boses ng bagong dating. Hindi siya maaaring magkamali. Boses iyon ni Elmo. Nandito si Elmo?

"Elmo?" wala sa loob na tanong ni Julie kahit na nakatalikod pa siya dito.

Ang nakangiting Elmo ang bumungad sa kanya pagharap niya.

"Congratulations, Princess! You are so great!" masayang bati ni Elmo sabay abot ng hawak hawak na bulaklak kay Julie.

"Thank you, Moe!" tanging sagot ni Julie saka kinuha ang bulaklak.

Nanatili silang nakatayo doon at nakatingin lang sa isa't isa.

Hindi siya makapaniwalang nasa harap niya ngayon si Elmo. Kanina lang ay hinahanap niya ito, ngayon naman ay hindi niya alam ang gagawin. Gusto niya itong yakapin subalit nagdadalawang isip siyang gawin dahil baka isipin nitong masaya siyang makita ito. E masaya naman talaga siyang makita ito, diba? Hinahanap pa nga niya diba? Baka isipin nitong namimiss niya ito. E namimiss naman talaga niya. Huli niya itong makita ay higit isang buwan na ang nakakaraan. Noong pinopromote nila ang kanilang pelikula na kasalukuyang pinapalabas noon.

Hindi na niya kayang salubungin ang mga tingin ni Elmo kaya nagpasyahan niyang amuyin na lang ang mga bulaklak.

"Amoy Elmo" nangingiting sabi ni Julie sa sarili.

"What are you smiling about?" tanong ni Elmo ng makitang nangingiti si Julie.

"Ha? Nothing! I'm just glad you came." tarantang sagot ni Julie.

"Of course! Julian wants to watch you sing that's why I brought him here..." sagot ni Elmo.

Gustong sumimangot ni Julie. Si Julian lang pala ang dahilan. Akala pa naman niya... Madami talaga ang namamatay sa maling akala.






It's still youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon