Chapter 1

1.9K 36 0
                                    

"What is this, Princess? Where are you going?" tanong ng binata ng madatnan siyang nageempake.

"You're not leaving naman, 'di ba?" tanong ulit ng binata ng hindi sumagot ang dalaga sa mga naunang tanong niya.

"Tell me, Princess, you're not leaving us." naiiyak ng pahayag ng binata sa nag-eempake at walang imik pa ring dalaga.

"I'm leaving." tuluyan ng naiyak ang binata sa matipid na sagot ng dalaga.

"Why? I thought we're in this together? I thought we'll get through this together? I thought---"

"Akala ko din eh. Akala ko kaya ko. Pero hindi pala. Hindi ko pa kaya 'tong ganito kalaking responsibilidad. Ayoko pa. Hindi pa ako handa. Marami pa akong gustong gawin. Marami pa akong pangarap." Tumalikod na siya sa binata at humakbang patungong pinto.

Agad siyang hinarang ng binata at lumuhod sa harap niya habang umiiyak ito. "Please Julie, don't leave me. Don't leave us. I'm begging you. Gagawin ko lahat huwag mo lang kaming iwan."

Hindi pinansin ng dalaga ang pagmamakaawa ng binata. Tuloy-tuloy pa rin siya sa paglabas.

"Julieeee!" hinahabol pa rin siya ng binata habang tumatakbo sa kanilang sasakyan.

"Nooo---" hinihingal na napabangon ang dalaga.

"Julie, anong nangyayari sa'yo?" hinihingal na tanong ng kanyang ina pagkapasok ng kanyang kuwarto. "Napanaginipan mo na naman?" Tumango na lamang siya bilang sagot. "Halos tatlong taon ka ng ganyan."

"Ma? Masama ba ako? Tama ba yung ginawa ko?" Sunod sunod niyang tanong sa kanyang ina.

Umiling naman ang kanyang ina. "Halos tatlong taon mo na ring tinatanong 'yan. Anak, bata ka pa noon. Kinse anyos ka lang noon."

Tama si Mama. Kinse lang ako noon, nung iwan ko sila sa Amerika. Noong takbuhan ko ang responsibidad ko. Noong mas pinili kong umuwi ng Pilipinas at ipagpatuloy ang buhay ko. Noong mas pinili kong tuparin ang mga pangarap ko.

"Ma? Nasaan na kaya sila? Maayos kaya sila? Makikita ko pa kaya si Julian? Kilala kaya niya ako?" Nakatingin sa kawalan niyang tanong sa kanyang ina. "Alam mo Ma, ang guwapo guwapo niya. Napakasarap niyang halikan. Sana mabigyan pa ako ng pagkakataong mahagkan siyang muli."

"Sana nga, anak. Ipinagdadasal kong dumating ang araw na muli mo siyang makasama. Pero sa ngayon, bumalik ka na sa pagtulog. Maaga pa ang call time mo bukas." Hinalikan siya ng kanyang ina sa noo saka ito tumalikod sa kanya.

"Salamat Ma. Good night!" Ngumiti na lamang ang kanyang ina bago tuluyang lumabas ng kanyang kuwarto.

Tumingin siya sa orasan. Ala una na pala ng madaling araw. Kailangan na talaga niyang matulog. Alas sais dapat nasa studio na siya para sa technical rehearsal ng isang sunday variety show kung saan isa siya sa regular performer.

Noong nakauwi siya ng Pilipinas, sumali siya sa isang singing contest sa telebisyon. Hindi man siya pinalad na manalo, napasama naman siya sa mga nakapasok sa SOP ang sunday variety show na pinalitan ng Party Pilipinas kung saan siya nagpeperform ngayon. Marami na rin ang nakakapansin sa galing niya sa pagkanta at pag-arte. May ilang parangal na rin siyang napanalunan dahil dito.

Napangiti siya ng mapait ng mapalingon sa litratong nasa tabi ng kama niya. "Magkikita din tayong muli." Hinalikan muna niya ito bago umayos ng higa at tuluyan ng natulog.

It's still youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon