Chapter 24

846 20 2
                                    

"Julie!"

Nilingon ni Julie ang pinanggalingan ng boses at nakita niya si Alden na naglalakad papunta sa kanya. Hinintay niya itong makalapit sa kanya.

"Papunta ka na ng backstage?" tanong ni Alden ng makalapit ito sa kanya.

"Oo. Ikaw?" sagot na tanong ni Julie.

"Tara, sabay na tayo." yaya ni Alden.

"Sige." sagot ni Julie na nagsimula ng maglakad.

"May lakad ka ba pagkatapos ng PartyP?" tanong ni Alden habang naglalakad.

"Magsimba kami nila mama."

"Ah. Akala ko puwede kitang yayaing gumala." disappointed na sabi ni Alden.

"Sorry ah. Hindi puwede eh." ani Julie.

"Okay lang yun. Next time na lang siguro."

"Tignan natin." nakangiting sagot ni Julie.

"Namiss kong magperform kasama ka. Buti na lang binigyan tayo ng prod na magkasama." ani Alden.

"Eto naman. Kung makamiss akala mo tagal nating hindi nagkasama sa prod ah? Nagkaron kaya tayo ng prod last week at noong isang linggo pa." sagot ni Julie.

"Kahit na. Namiss kita. Medyo matagal din bago tayo nagkaroon ng prod. Dati linggo linggo tayo magkasama."

"Asus! Kahit naman hindi tayo magkasama sa prod nagkakasama pa rin naman tayo ah." sagot ni Julie na umupo sa mga upuan na nakalagay malapit sa mismong backstage.

"Iba pa rin kaya kpg may prod tayo. Kaya nagwawala ang mga DenLie's eh." ani Alden na umupo sa tabi ni Julie.

"Dinamay mo pa ang DenLie's."

"Siyempre! 'Nga pala Lie, malapit na anniversary natin. San mo gustong magcelebrate?" nakangiting tanong ni Alden

"Lie?"

"Oo, Lie. Den ang tawag mo sa akin kaya Lie din ang itatawag ko sa'yo para DenLie pa rin."

"Dami mong alam!"

"Wala kaya! Ikaw lang naman ang laman ng utak ko."

"Baliw!" natatawang komento ni Julie.

"Oo! Sa'yo!" ani Alden na kumindat pa sa kanya.

"Ewan ko sa'yo!" natatawa pa ring sagot ni Julie.

"Haha. Ano na? Saan mo gusto?"

"Ha? Anong saan ko gusto?"

"Saan mo gustong magcelebrate ng anniversary natin?"

"Anniversary?"

"Ano ka ba? Two weeks na lang 2nd Anniversary na natin."

Oo nga pala. Two years na silang magka-loveteam.

"Ah! Nang DenLie? Akala ko naman kung anong anniversary ang tinutukoy mo."

"Bakit? May ibang anniversary ka pa bang iniisip bukod sa loveteam natin? Sagutin mo na kasi ako para hindi lang loveteam natin ang icecelebrate natin ng anniversary" panunukso ni Alden.

"Wala ah! Tsaka bakit naman kita sasagutin, aber?" pagbibiro din ni Julie.

"Dahil guwapo ako at bagay ako sa'yo." mabilis na sagot ni Alden.

"Sino nagsabi?"

"Sila."

"Sinong sila? Baka naman nanay mo lang nagsabi nun?" natatawang tanong ni Julie.

"Grabe ka sa akin." ani Alden na naglungkot-lungkutan.

"Joke lang." natatawa pa ring sagot ni Julie.

Hindi sumagot si Alden.

"Uy, joke lang yun. Ito naman." ani Julie na kinukulbit pa ang braso ni Alden.

"Sumasang-ayon ka nang guwapo ako at bagay tayo?"

"Ahm, pag-iisipan ko!" ani Julie na parang nag-iisip pa.

"Ah ganon?" ani Alden na sinundot ang tagiliran ni Julie.

"Oo na. Sige na." nakatawang sabi ni Julie.

"Alden! Julie! Kayo na ang sasalang." tawag sa kanila ng isa sa staff.

Tumigil si Alden saka mabilis na tumayo.

"Tara." yaya ni Alden saka iniabot ang kamay kay Julie.

Agad namang kinuha ni Julie ang kamay ni Alden saka tumayo at naglakad papuntang stage.

Naghiwalay sila ni Alden dahil sa magkabilang side ng stage sila manggagaling. Nagtilian ang mga DenLie fans ng makitang sila ang susunod na kakanta.

Kita ni Julie ang mga banner ng kanilang fans club. Natutuwa siyang makitang dumarami pa ang mga sumusuporta sa tambalan nila ni Alden.

Nang mag-umpisa na ang intro ng kakantahin nila ay tumingin siya kay Alden na nakatingin din pala sa kanya. Nagngitian muna sila bago nagsimulang kumanta si Alden.

[Alden:]
You seem like every day is something else
Another reason to be stressing
[Julie:]
And you just wanna run away
Said you just wanna run away
[Alden:]
You try to get out and enjoy yourself
But everybody’s acting so depressing
[Julie:]
And you just wanna run away
Said you just wanna run away

Habang kumakanta ay naglalakad sila papuntang gitna ng stage.

So we about to hop up on this rocket
Get up outta here
Go somewhere where nothing ever goes wrong
'Bout to hop up on this rocket
Take to the sky
Everything is fly

Kinuha ni Alden ang kamay ni Julie at inakay ito papunta sa bandang harap ng stage. Nginitian naman ni Julie si Alden. Kaya nagtilian naman ang kanilang fans na nasa loob ng studio.

Cause we ain’t even on earth tonight
We on a planet where the dudes got money and they're not afraid to spend it
(Ayo, ayo)
And everything is alright
(Ayo, ayo)
Cause we ain’t even on earth tonight
We on a planet where there ain’t no drama and the party’s never ending
(Ayo, ayo)
And everything is alright
(Ayo, ayo)

Hanggang sa matapos ang kanta ay hindi binitiwan ni Alden ang kamay ni Julie.

Sanay na si Julie sa mga panghahawak ni Alden sa kamay niya. Sa dalawang taon nilang magkasama, naging komportable na si Julie kay Alden. Kaya natural na lamang ito sa kanila sa tuwing nagpeperform sila.

Matagal tagal na rin niya itong kasama. Kasama na niya ito mula noong nagsisimula pa lamang siya sa pagtupad sa kanyang pangarap. At ngayong abot kamay na niya ito, gusto niyang kasama pa rin niya ito.

Malaki ang naging papel nito para makarating siya kung nasaan siya ngayon.

It's still youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon