Chapter 34

1K 34 3
                                    

Kanina pa pabaling baling sa higaan si Julie. Hindi siya makatulog. Kanina pa niya sinasabihan ang sariling kailangan na niyang matulog dahil maaga ang call time nila kinabukasan. Bukas na kasi ang umpisa ng shooting nila para sa Be My Girl.

Ang Be My Girl ay kuwento nila Dave Angeles na gagampanan ni Elmo at ni Stephanie Reyes na gagampanan naman niya. Si Dave ang pinaka-aroganteng taong nakilala ni Steph pero kailangan niya itong pakisamahan para mapalapit kay John Torres na gagampanan ni Jhake Vargas. Ang vocalist ng kanyang paboritong banda at ang ultimate crush niya na kaibigan naman ni Dave. Nagsimula ang kuwento nila nang makita ni Steph kung paano binasted ni Mitch Cruz na gagampanan ni Rita De Guzman si Dave. Inalok ni Steph si Dave ng isang deal. Tuturuan niya si Dave sa panliligaw para mapasagot si Mitch kung tutulungan siya nitong mapalapit kay John. Sa huli, ginamit ni Dave ang mga natutunan para mapasagot ni Steph.

Ilang sandali pa'y nakatulog na si Julie habang hawak ang script niya.

"John---"

"Lumayo ka nga sa akin!" bulalas ni Jhake saka tinulak si Julie kaya siya napaupo sa sahig.

Nasa isang bar sila ngayon, location ng pelikula na kinukuhan nila. Nasa harap niya ngayon sina Jhake at Rita. Sa pelikula, pumunta doon si Steph para panoorin ang banda ni John na tutugtog doon. Nakita niya sina John at Mitch kasama ang ibang kabanda nito na nag-uusap sa isang sulok kaya siya lumapit sa mga ito.

"Hindi ka ba nakakaintindi? Tignan mo nga yang sarili mo? Tingin mo magkakagusto ako sa'yo?---"

Tinignan ni Julie ang sarili. Naka t-shirt at jeans naman siya. Anong masama sa hitsura niya? Naiiyak na siyang tumingin ulit kina Jhake. Pinagtitinginan na rin sila ng iba pang mga customer doon.

"At anong ginagawa mo dito? Guard?---"

"John! John! Guys!" tawag sa kanila ng humahangos na si Elmo.

Lumingon naman ang mga tinawag nito sa kanya kabilang si Julie na ngayon ay umiiyak na.

"John, stop it!" ani Elmo nang makarating sa kinaroroonan ng mga kasama.

"What are you doing, Dave? Stay away from her." ani Rita nang makitang tinutulungan ni Elmo na makatayo si Julie.

Hindi pinansin ni Elmo ang sinabi ni Rita.

"You okay? May masakit ba sa'yo?" tanong ni Elmo kay Julie nang maitayo na niya ito.

Umiling si Julie. Pinunasan naman ni Elmo ang mga luha nito.

Nagulat si Julie sa ginawa ni Elmo pero hindi na lamang niya ito pinahalata. Wala naman sa script na pupunasan nito ang luha niya. Kitang kita din niya ang sobrang pag-aalala nito sa kanya. Nginitian na lamang niya si Elmo para mawala ang pag-aalala nito kahit pa hindi naman iyon sinabi sa kanya. Ayaw niyang makita itong nag-aalala ng sobra. Kahit na masakit talaga ang balakang niya dahil napalakas ang tulak ni Jhake sa kanya kanina.

"You don't have to do that, John." baling ni Elmo kay Jhake.

"Dapat lang sa kanya 'yan." sagot ni Jhake.

"Oo nga, Dave. Matuto siya kung saan siya lulugar. Lumayo ka nga sa babaeng yan." segunda ni Rita na parang nadidiri.

"Why would I do that?" tanong ni Elmo na inakbayan pa si Julie.

Tumingin si Julie kay Elmo. Nginitian ni Elmo si Julie at lalong lumapit dito.

"Because she don't belong to us. She's not like us." sagot ni Rita.

Napakunot ang noo ni Elmo sa sinabi ni Rita.

Nagpatuloy pa eksena nila hanggang sa

"Cut!" sigaw ng direktor. "Good take."

It's still youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon