Chapter 14

994 28 0
                                    

Linggo. Ngayon ang araw ng duet nila ng International Star. Excited siya and at the same time, kinakabahan din siya. Kahit na may hint na siya kung sino yung International Star na sinasabi nila, gusto pa rin niyang makasiguro na tama nga ang iniisip niya. Gusto din niyang i-please ang makakasama niya sa prod. Ayaw naman niya itong ma-disappoint sa pagpili sa kanya.

"Hi, bebe girl," bati sa kanya ni Maqui nang madatnan siya nito sa DR. "Ready ka nang makaduet ang prince charming mo?"

"Maq, hindi pa naman tayo sigurado na siya nga yun." sagot ni Julie.

Ngumiti si Maqui. "So, alam mo kung sino ang tinutukoy kong prince charming mo? Ayiiee!" panunukso ni Maqui na kinapula naman ng mukha ni Julie.

"Manahimik ka nga, Maqui." pagsaway ni Julie. Hindi kasi niya alam kung anong isasagot dito.

"Haha. Labas na tayo. Rehearsal muna." yaya ni Maqui.

Nakikipagkuwentuhan si Julie sa mga kaibigan niya habang hinihintay nila ang pang-huling instructions ng kanilang direktor bago mag-umpisa ang kanilang show.

"Hi Julie. Hi Maqui." bati ni Elmo sa dalawa.

"Hi!" baling ni Elmo sa iba pang kaibigan ni Julie na kasama niya sa kumpulan. Natulala ang mga ito nang makita si Elmo at bumeso pa sa dalawang kaibigan.

Bumaling si Elmo kina Julie at Maqui nang walang makuhang sagot mula sa mga kaibigan nila.

"Ahm, guys? Okay lang kayo?" nag-aalalang tanong ni Julie sa mga kaibigan.

"Elmo!" sabay sabay na tili nila Diva, Wyn at Yassi nang makabawi sila sa pagkagulat.

Agad nagtago sa likod ni Julie si Elmo nang marinig ang tili ng tatlo. Natawa sina Julie at Maqui sa naging reaction ni Elmo.

"Kalma lang, guys." ani Julie sa mga kaibigan.

"Natakot tuloy sa inyo. Haha." natatawang pahayag ni Maqui.

Pinapunta ni Julie si Elmo sa tabi niya. "Guys, si Elmo. Elmo, this is Wynwin, Diva and Yassi." pagpapakilala ni Julie kay Elmo sa mga kaibigan. Nakipagkamay naman si Elmo sa mga ito.

"Totoo pala yung picture niyo, Maqui." ani Wyn.

"Oo naman noh. Ano akala niyo sa akin? Magpopost ng edited? Hello? Friends kaya kami ni Elmo. Right Elmo?" tanong Maqui na tinaas pa ang kanang kamay para makipag-apir.

"Yeah!" sagot ni Elmo saka nakipag-apir kay Maqui.

Natatawa naman si Julie sa dalawa.

"Elmo!" rinig nilang tawag ng kanilang direktor. "Your here." nakipagkamay ang direktor kay Elmo. "You'll have your duet with Julie first then your solo." pag-instruct ng direktor.

"Okay, direk" sagot ni Elmo.

"We'll start in 10mins. Do you want to roam around and meet the other artist before we start?" tanong ng direktor.

Tumango si Elmo. "Girls, I'll go ahead. We'll talk again later." Paalam ni Elmo sa magkakaibigan.

Tumango ang mga ito kay Elmo. "Be ready on our prod." sabi ni Elmo kay Julie sabay kindat pa dito. Saka umalis kasama ang direktor.

"Ayiiee!" sabay sabay na tili ng mga kaibigan niya pag-alis ni Elmo.

"Kinikilig ako!" ani Wyn.

"Ako din! Ang haba ng hair mo, girl!" ani Yassi.

"Tumigil nga kayo. Tara na. Magsisimula na tayo." ani Julie na pinipigalan ang ngiti.

"Aysus! Umiiwas na naman ang isa diyan." ani Maqui.

It's still youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon