Chapter 2

1.3K 25 0
                                    

Nagising si Julie sa tunog ng kanyang cellphone.

"Hello." inaantok pa niyang sagot.

"Good morning, bebe girl!"

"Maqui!" parang bigla siyang nagising pagkarinig sa boses ng kanyang bestfriend. Si Frencheska Farr o Maqui sa kanilang magkakaibigan ay sa isang singing contest sa telebisyon din ito nakilala. Ito ang naging grand champion kaya agad itong nakapasok sa Party Pilipinas kung saan siya kabilang. Noong unang beses niya itong nakasama sa isang production number ng show ay agad silang nakagaanan ng loob. Parang nagkaroon siya ng instant ate at bff. Kahit pa halos dalawang taon pa lang silang magkakilala, masasabi niyang kilalang kilala na siya nito. Parang mayroon silang connection sa isa't isa.

"Ako nga, bebe girl. Bakit? May iba ka bang hinihintay na manggising sa'yo?"

"Wala ah!" agad niyang sagot dito.

"Naku, Julie. Masyado kang defensive. Haha. Sino ba? Si Alden?" Si Alden Richards ang ka-loveteam niya. Noong nagsimula ang PartyP ay isa ito sa mga bagong artistang inintroduce. Napansin ng mga fans ang chemistry nila noong una silang nagkasama sa isang prod. Nasundan iyon hanggang sa linggo linggo ng may prod ang DenLie. DenLie ang tawag sa loveteam nila na halos dalawang taon na rin.

"Wala talaga, Maq! Hindi ko lang akalain na tatawag ka ng ganito kaaga. Bakit ka nga pala napatawag?" pagtatanggol niya sa kanyang sarili.

"Gusto kitang bulabugin dahil maaga akong nagising. Haha. Tsaka feeling ko kasi kailangan mo ng manggigising sa'yo. Haha"

"Salamat ah!" sarkastiko niyang tugon dito and rolled her eyes.

"You're welcome, bebe girl. Haha. Sige na bumangon ka na para maaga kang makarating sa studio."

"Sige, Maq. See you later." Pagkababa ng telepono ay agad na itong nag-ayos ng sarili upang maagang makarating sa studio.

-----

"Julie! Julie! Julie!" rinig niyang sigaw ng mga fans na naghihintay sa labas ng GMA kung nasaan ang studio nila.

Kinawayan at nginitian naman niya ang mga ito bago pumasok.

Sinalubong siya ni Alden sa may lobby. Bineso siya nito ng makalapit siya sa kinaroroonan nito.

"What are you doing here? Bakit di ka pa pumasok?" tanong niya sa binata.

"I'm waiting for you. Gusto kasi kitang kasabay na pumasok. You know naman na Den is not complete without my Lie." Nakangiti nitong sagot na kita ang kanyang malalim na dimple.

Natawa na lang siya sa sinabi nito. "Ang dami mo talagang alam. Tara na nga baka hinihintay na nila ako nila Maqui."

"Nandiyan na pala ang lovebirds eh." rinig nilang sabi ni Sef kasamahan nila sa show ng makita sila nitong papasok ng studio. "Hindi talaga kayo mapaghiwalay noh?" natawa nalang silang pareho sa dugtong na pahayag nito ng makalapit sila sa iba pa nilang mga kasamahan.

"Nagkita lang kami sa lobby. Masyado kayong malisyosa." pahayag ni Julie na tinawan lang ng mga kasamahan.

Pagkatapos nilang magkamustahang magkakaibigan ay tinawag na sila ng kanilang director.

Nagpapahinga si Julie dahil kakatapos lng niyang mag rehearse nang tumabi sa kanya si Maqui.

"How are you, Jules? Eto oh, tubig. Pawis na pawis ka na."

"I'm good, Mommy!" tumatawang sagot nito sa kaibigan.

"Mommy? Mukha na ba akong nanay sa paningin mo? Julie?" Nakataas ang kilay na tanong nito.

"Eh kasi naman, Maq. Daig mo pa si Mama." natatawa pa ring sagot nito.

"Ayaw mo ba nun?"

"I can take care of myself, Maq! Matanda na kaya ako."

"Ay oo nga, malapit na ang birthday mo. 18 ka na. Puwede ka ng magboyfriend!" Excited nitong sabi.

Natawa na lang siya sa kanyang kaibigan. "Boyfriend agad? Porke't 18 na dapat may boyfriend na?"

"Dapat sa birthday mo, bongga! Dapat may cotillion. Dapat may escort. Teka, si Alden ba ang escort mo? Ayiiee! Excited na ako!" dire-diretsong pahayag nito na hindi man lang pinansin ang sinabi niya.

Naiiling na lang siya sa tinuran ng kaibigan. "Relax ka lang, Maqui. Mas excited ka pa sa akin eh. Ikaw ba ang magde-debut?"

"Eh sa excited ako, ano ka ba! Isang beses ka lang mag debut, Julie. Sulitin na natin. Ano bang plano?"

"'Di ko pa alam."

"Ano ba yan? Eh basta. Sasabihin ko kina Tita na dapat bongga. Dapat maraming bulaklak. Dapat--'"

"Sabihin mo nga sa akin, ikaw talaga yung magde-debut, noh?" natawa na lang sila pareho.

"Julie?" sabay silang napalingon sa tumawag sa kanya.

"Si lover boy pala." bulong ni Maqui sa kanya. "Alis na ako, malapit na akong sumalang. Sige Alden." Sabay tapik sa balikat ng huli.

"Julie?"

"Hmm?"

"Julie, kasi--" naghihintay siya sa sasabihin nito. "Kasi. Ano. Gusto ko sana."

"Ano yun, Alden?" Natatawa niyang tanong dito.

"Huwag mo naman akong pagtawanan?" Nakasimangot niyang pakiusap sa dalaga.

"Ano kasi yun? Bakit ka ba kinakabahan diyan? Sabihin mo na." Nangingiti niyang tugon dahil sa hindi maipaliwanag na hitsura ni Alden.

"Ito na." Humugot muna siya ng malalim na hininga bago magpatuloy.

"Di ba, malapit na birthday mo?" nangingiti pa rin siyang tumango dito.

"Di ba debut mo yun?" Tumango ulit siya dito.

"Kungokaylangsayoakonalangangescortmo?" walang hingaang tanong nito.

"Ha?" Naguguluhang tanong ni Julie. "Ano yun? Paki ulit nga?"

"Julie naman eh." maktol sa kanya ni Alden.

Natawa ulit siya. "Ang bilis mo naman kasi magsalita. Paano ko maiintindihan?"

"Ang sabi ko, puwede. bang. ako. na. lang. ang. maging. escort. mo. sa debut. mo? O ayan okay na?"

"Yun lang pala eh. Pinahirapan mo pa ako." Sabay hampas sa braso ni Alden.

"So, pumapayag ka na?"

"Bakit naman hindi?" Balik tanong niya rito. "Kung sakaling magkakaroon ako ng debut, sige, ikaw ang escort ko."

"Yes!" Napasigaw niyang sagot dito dahilan para mapatingin sa gawi nila ang mga kasamahan nila.

It's still youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon