Chapter 38

1.6K 49 9
                                    

"What are you doing?" tanong ni Julie kay Elmo nang makita itong naglalagay ng mga gamit nito sa sasakyan nila.

Nasa parking lot sila ng GMA. Katatapos lang ng PartyP at naabutan nga niya si Elmo na nilalagay ang mga gamit nito sa sasakyan nila.

"Putting my things on your car?" hindi siguradong sagot ni Elmo.

"Alam kong nilalagay mo ang gamit mo sa sasakyan namin. What I mean is, bakit diyan mo nilalagay? May sasakyan ka naman." sagot ni Julie.

"I'm going with you."

"Elmo, we can't bring you home yet. You know I still have show in Pampanga."

Halos araw araw sa loob ng dalawang linggo ay may mall shows sila. Minsan pa nga ay sa dalawa o kaya'y sa tatlong malls sila may show sa isang araw. Halos mapuntahan na nga nila ni Elmo ang lahat ng malls dito sa Pilipinas sa pagpopromote ng kanilang pelikula. Sinasabay na rin niya ang pagpopromote sa kanyang album dahil isasabay ang paglabas ng kanyang album sa paglabas ng kanilang pelikula.

Pero ngayon ay mag-isa siyang pupunta ng Pampanga dahil hindi maganda ang pakiramdam ni Elmo.

"I know. I'm your special guest there, remember."

"I know, but we already informed the organizers that you are not coming."

"Then tell the organizers that I'm coming."

"No, Elmo, you are not coming. You need to rest. We already talked about it."

"I'm okay now, Princess."

"No. You're not. Nilalagnat ka." ani Julie na hinawakan pa ang noo ni Elmo.

"I'll be fine, Princess. Don't worry. I'll just take a rest on our way there."

Hindi sumagot si Julie. Sumasakit na ang ulo niya sa kakulitan ni Elmo. Bakit ba nagpupumilit itong sumama sa kanya. Napag-usapan na nilang hindi na ito sasama dahil masama nga pakiramdam nito.

"Tita Ivic called she can't accompany you that's why I'm going with you." ani Elmo nang wala siyang mahintay na sagot mula kay Julie.

Ayun. Tinawagan na naman ito ng mama niya. Ibinilin na naman siya nito dito. Hindi ba nito sinabi na may sakit siya?

"Did you tell my mom that you are sick?"

"I'm not letting you go there alone, Princess."

Hindi nga nito sinabi.

"Why didn't you tell my mom that you are sick?" ani Julie na natutop pa niya ang kanyang noo.

Bakit ba ang tigas ng ulo nito?

"I don't want you to go there alone. I'm accompanying you."

"I'm not alone, Elmo. Kuya Robert is with me and Ate Jen will be there too." naiinis na talaga pahayag ni Julie.

"Please, Princess, don't be a hard headed."

"Ako pa ngayon ang matigas ang ulo? Elmo, may sakit ka. Magpahinga ka na lang, please." pakiusap ni Julie.

"Please, Julie. Let's not argue about this." pakiusap din ni Elmo na minasahe pa ang kanyang ulo.

Mukha na itong nanghihina. Tinawag na rin siya nito sa kanyang pangalan. Mukhang galit na ito. Pero bakit ito magagalit? Hindi ba dapat siya ang magalit dito? Nagdadalawang isip siya kung pagbibigyan niya ito o paninindigan ang kanyang pasya.

"Please, Julie, get in the car." pagsusumamo ni Elmo.

Tinignan niya ito. Nakikiusap ang hitsura nito.

It's still youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon