Chapter 20

1K 32 0
                                    

"Who's jealous?" tanong ng bagong dating na si Elmo na umupo sa harap ng dalawang dalaga.

Nagkatinginan ang dalawa.

"Si Maqui/Si Julie" sabay na sagot ng dalawa na tinuro pa ang isa't isa.

"Ha?" naguguluhang tanong ni Elmo na nagpapalipat-lipat ang tingin sa dalawa.

"It's nothing Elmo." nakangiting sabi ni Maqui.

"Yung kaibigan ko kasi nagseselos na makitang may kausap na iba yung ama ng anak niya." tumatawang kuwento ni Maqui. "Araay." napangiwi sa sakit si Maqui nang kurutin ito ni Julie sa tagiliran.

"You okay, Maq?" nag-aalalang tanong ni Elmo nang makita ang pagngiwi ni Maqui.

"Yeah I'm fine. May isang surot lang kasing kumagat sa akin. Di ba Julie?" sagot ni Maqui.

"Ha? Yeah." wala sa sariling sagot ni Julie.

Tinawanan ni Maqui ang sagot ni Julie. Kukurutin niya sana ulit si Maqui ngunit nakaiwas na ito.

Natutuwa si Elmo sa pagkukulitan ng magkaibigan sa harap niya.

"Hoy, Magalona!" tawag pansin ni Maqui kay Elmo na nakatingin kay Julie.

"Ha?" tanong ni Elmo na bumaling ang tingin kay Maqui.

"Baka matunaw si Julie." nakangiting sagot ni Maqui.

Namula si Julie sa sinabi ni Maqui. Lalo namang lumapad ang ngiti ni Elmo.

"Marunong ka talagang magtagalog, Elmo?" pag-iiba ni Maqui sa usapan.

"Yeah. Why?" balik na tanong ni Elmo.

"Wala lang. Curious lang. Hindi ka kasi na-OOP kapag nakukuwentuhan kami sa tagalog. Paano ka natuto?"

"My Princess taught me." nakangiting sagot ni Elmo na tumingin pa kay Julie.

"Ah. Kaya pala. Magaling ang tutor." ani Maqui.

"Yeah. She is." sagot ni Elmo.

Lihim namang napapangiti si Julie sa usapan ng dalawa.

"Sample nga kung talagang magaling yung nagturo sa'yo?"

"Ayoko nga. Baka ma-in love ka pa sa akin." sagot ni Elmo na walang american accent.

"Ah! As if!" sagot ni Maqui na pinaikot pa ang mga mata.

Biglang tumawa si Julie na kinalingon ng dalawa sa kanya.

"Hala ka! Nabubuwang na. Kanina lang mainit ang ulo ngayon naman tumatawa mag-isa." komento ni Maqui.

"Oh yeah, Maq. I didn't know what happen to her. She just walk out on me. She even left me." pagsusumbong ni Elmo.

"Eh kasi nga, nagse---"

Hindi natapos ni Maqui ang sasabihin dahil tinakpan ni Julie ang bibig nito.

"Wala yun. Masakit lang ulo ko kanina." pagpapaliwanag ni Julie.

"Bakit mo ba tinakpan yung bibig ko?" tanong ni Maqui nang maalis niya ang kamay ni Julie sa bibig niya.

"Ang ingay mo kasi. Baka kung ano ang lumabas diyan sa bibig mo." sagot ni Julie.

"Wala kang pake, bibig ko kaya to." ani Maqui.

"Girls!" tawag ni Elmo sa dalawa.

Sabay na lumingon ang dalawa sa kanya.

"Don't fight over me." nakangiting sabi ni Elmo.

"Asa!" sabay na sabi ng dalawa na umirap pa kay Elmo.

It's still youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon