Chapter 6

1K 29 2
                                    

Medyo late na silang nakauwi dahil nakipag-usap at nagpasalamat pa si Julie sa mga nakita niyang fans na naghihintay sa paglabas ng kanilang sasakyan. Binati at inabutan pa siya ng mga ito ng regalo para sa kanyang kaarawan kinabukasan.

Nagulat si Julie nang makita niya ang ilan sa malalapit nilang kamag-anak sa bahay nila. May maliit na salo-salo silang hinanda para sa kanya.

"Anong ginagawa niyo rito? Tapos na kaya yung show ko. Haha." pagbibiro niya sa mga nadatnang bisita.

"Makikikain lang kami, bebe girl." ani Maqui sa kaibigan.

"Oo nga Julie, nagutom kasi kami sa show mo. Wala kasing pagkain dun." sabad naman ni Sef.

"Anong bago dun, lagi ka namang gutom." pang-aasar naman ni Diva sa kaibigan.

"Anong magagawa ko, sa nagugutom ako eh." sagot ni Sef.

"Naku Sef, kumain ka na lang dun, mukhang madami namang pagkain dun." pang-aawat ni Julie sa mga kaibigan.

"Congrats nga pala Julie at Happy birthday na rin." pagbati sa kanya ni Sef bago umalis para kumuha ng pagkain.

"Para sa'yo, Julie. Happy birthday." bati sa kanya ni Alden at inabot ang kanyang regalo.

"Salamat, Alden. Hindi ka na sana nag-abala pa. Nga pala, ito ba ang dahilan kung bakit bigla kayong nawala kanina?" tanong nito sa mga kaibigan.

"Oo. Kailangan kasing mauna kami sa inyo dito eh." sagot naman ni Wynwin at inabot din ang dalang regalo. "Happy birthday."

"Kayo talaga. Salamat sa mga regalo. Kain na muna kayo, puntahan ko muna yung ibang bisita." pamamaalam ni Julie sa mga kaibigan.

Ilan pang Happy Birthday at regalo ang natanggap niya sa kanilang mga bisita. Pagkatapos niyang mag-ikot sa mga bisita ay kumuha muna siya ng pagkain bago naupo sa mga kaibigan niyang nagkukuwentuhan.

"Alam niyo na ba yung bagong balita?" ani Maqui.

"Malamang hindi pa, Maqui." pambabasag dito ni Sef. "Ikaw lang naman ang chismosa dito eh."

"Tadyakan kaya kita diyan, pandak?" asar na sagot ni Maqui

"Wala namang damayan ng height." sagot ni Sef na tinawanan ng mga kaibigan.

"Ano ba yung bagong balita?" tanong ni Diva kay Maqui.

"Hindi ko na sasabihin. Ayoko nang mapagbintangang chismosa." pahayag ni Maqui na kunwari nagtatampo.

"Ito naman, di na mabiro. Sabihin mo na." pangungumbinsi ni Sef kay Maqui.

"Sige na nga. May darating daw sa PartyP sa sunday." pagbabalita ni Maqui.

"Narinig ko din yan pero hindi ko alam kung sino." ani Alden.

"Chismoso ka din pala, bro." pagbibiro ni Sef kaya binatukan siya ni Alden.

"Ako, alam ko." sabi ulit ni Maqui

"Babae o lalaki?" tanong ni Sef.

"Lalaki." sagot naman ni Maqui.

"Guwapo?" excited na tanong ni Diva.

"Ang landi mo." komento ni Sef.

"Tumahimik ka nga jan." sagot ni Diva kay Sef saka bumaling Maqui. "Guwapo ba?" ulit na tanong nito

"Guwapo at sure akong matutuwa kayo." nakangiting sagot ni Maqui.

"T*ng na, Maqui, sabihin mo na nga. Nambibitin ka pa eh." ani Wyn sa kaibigan.

"Eto na. Si Elmo Magalona." excited na pahayag ni Maqui.

"Elmo?" biglang singit na tanong ni Julie na halos masamid sa gulat ng marinig ang pangalang binanggit ni Maqui. Sabay sabay namang napatingin sa kanya ang mga kaibigan.

"Yes. The Elmo Magalona. Bakit, Julie?" takang tanong ni Maqui.

"Wala. Akala ko kasi yung kakilala ko. Magkapangalan lang pala sila." ani Julie.

"May ibang Elmo ka pang kilala?" tanong pa rin ni Maqui.

"Ah wala. Wala yun. Huwag niyo ng intindihin yun." sagot ni Julie.

"Meron kang hindi sinasabi sa akin, Julie." nakataas ang kilay na tanong ni Maqui.

"Oo nga Julie. Sino yun? Boyfriend mo?" tanong din sa kanya ni Wyn.

"I never had a boyfriend." sagot ni Julie.

"Oo nga, NBSB nga si Julie di ba. Ang paranoid niyo." pagtatanggol sa kanya ni Diva. "Sure kang si Elmo Magalona ang bago nating makakasama, Maqui?" pag-iiba niya sa usapan.

Lihim namang nagpasalamat si Julie dahil dito.

"Oo nga. Hindi rin ako makapaniwala nung narinig ko yan." balik ang excitement sa boses ni Maqui.

"Wow. Astig." komento naman ni Sef.

"Bakit naman kaya siya papasok ng ParryP? Eh international star na yun." takang tanong ni Alden.

"Baka guestings lang." panghuhula ni Maqui.

"Baka nga. Kasi ang alam ko, may Fashion Show siya dito." ani Wyn.

"Who's Elmo Magalona?" tanong ni Julie na clueless sa pinag-uusapan ng mga kaibigan.

"Hindi mo kilala si Elmo Magalona?" tanong sa kanya ni Sef. Umiling lang si Julie bilang sagot.

"Seryoso ka, Julie?" takang tanong Diva. Tumango naman si Julie.

"Yung sikat na International Model?" tanong ni Wyn. Umiling ulit si Julie.

"Si Justin Sky ng The Game?" tanong din dito ni Alden. Muli siyang umiling.

"My goodness, Julie, hindi mo talaga kilala si Elmo Magalona?" tanong na rin ni Maqui.

"Hindi nga. Sino ba kasi siya? Kamag-anak ba nila ate Maxx yan?" balik tanong ni Julie.

"Ikaw lang ata ang hindi nakakakilala sa kanya." sagot ni Diva. "No. Kapatid nila Maxx na nakabase sa L.A."

"Uso ang internet, Julie." ani Maqui na tinawanan ng kanyang mga kaibigan.

Lagi naman siyang ng-iinternet ah. Lagi nga siyang nakatambay sa iba't ibang networking sites. Bakit hindi niya kilala ang Elmo Magalona na iyon? Bakit kilala siya ng mga kaibigan niya? Sino ba talaga siya?

Abala si Julie sa pag-iisip kaya hindi niya namalayang may batang lalaki na palang nakatayo sa harap niya.

"Hi. Happy Birthday!" bati sa kanya ng bata na siyang nagpagising sa kanya mula sa malalim na pag-iisip.

"Thank you, sweetie! Anong ginagawa mo dito? Madaling araw na. May kasama ka bang pumunta dito?" tanong ni Julie. Nakatingin at nakikinig naman sa kanila ang kanyang mga kaibigan.

"I'm with Ate Jane. I just want to greet you Happy Birthday and to give you this." sagot ng bata sabay abot kay Julie ng dala-dalang bouquet of orange tulips.

"Thank you again, sweetie." pagpapasalamat ulit ni Julie at hinalikan niya ito sa pisngi. "What's your name?"

"My name is Julian Alexander S.J. Mckenzie."

-----

A/N: Character ni Elmo si Justin Sky sa The Game. (The Hunger Games)

It's still youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon