Chapter 31

1.2K 38 0
                                    

Dumating ang linggo. Araw ng Party Pilipinas. Ibig sabihin ay araw niya. Pero hindi niya maramdaman ang saya. Hindi siya excited. Unang beses niya iyong maramdaman mula nang pumasok siya ng showbiz. Parang ayaw pa nga niyang pumunta ng studio kanina.

Magkakatabi sina Maqui, Diva at Wyn sa mahabang sofa samantalang si Julie ay nakaupo sa pang-isahang upuan. Kasalukuyan namang inaayusan si Yassi kaya nakaharap ito sa malaking salamin na kita pa rin ang mga kaibigan.

Kanina pa hindi maipinta ang mukha ni Julie. Wala na nga siya mood, sinabayan pa ng pag-iingay ng mga kaibigan niya.

"Julie, ano ba 'yang hitsura mo? Lukot na lukot." puna ni Yassi.

Lalong nalukot ang mukha ni Julie.

"Ang iingay kasi ng mga 'to." sagot ni Julie na ng tinutukoy ay ang tatlong kaibigang nasa tabi niya.

"Nagkukuwentuhan lang kami, maingay na agad?" tanong ni Wyn.

"Bakit ba? Eh sa naiingayan ako." sagot ni Julie.

Magsasalita na sana ulit si Wyn ng unahan siya ni Maqui.

"Huwag mo ng patulan, Wyn. Ganyan talaga ang may namimiss."

"Oh! That explains the lukot in the mukha" ani Yassi.

"Anong namimiss? Wala ah." depensa ni Julie.

"Oo nga pala, umalis na nga pala si Elmo." ani Wyn na hindi pinansin ang sinabi ni Julie.

Sasagot na sana si Julie ngunit inunahan siya ni Wyn.

"Sige Julie, hindi na kami magkukuwentuhan. Pasensya ka na." ani Wyn.

"Ano bang pinagsasabi niyo? Wala akong namimiss noh." depensa ulit ni Julie.

"Anong tawag diyan sa hitsura mo?" tanong ni Diva.

"Wala lang ako sa mood." sagot ni Julie.

"Hindi ganyan ang hitsura ng wala sa mood. Daig mo pa nga ang namatayan eh." ani Wyn

"Grabe kayo. Namatayan agad?" tanong ni Julie.

"Girls, tantanan niyo na si Julie. Hindi ba kayo naaawa sa kanya?" singit ni Maqui.

Ngumiti si Julie kay Maqui dahil sa sinabi nito. May kakampi siya.

"Bakit naman kami maaawa sa kanya?" tanong Diva.

Nginitian din ni Maqui si Julie.

"Nagluluksa 'yung tao, ibubully niyo pa?" sagot ni Maqui.

Nagtawanan ang mga kaibigan niya.

"Nakakainis ka, akala ko kakampi kita." ani Julie na umirap kay Maqui.

Lalo namang nagtawanan ang mga kaibigan niya.

"E kasi naman, Julie. Kung pinigilan mo sana siya, hindi sana siya umalis. Hindi ka sana nagkakaganyan ngayon." ani Maqui.

"Sino ba kasing nagsabi na siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito?" depensang tanong ni Julie.

Inirapan ni Maqui si Julie.

"Deny pa, pre!" ani Diva.

"Si Julian ang namimiss ko." sagot ni Julie.

Napakunot ng noo si Julie nang magtawanan ang mga kaibigan niya.

"Ang defensive mo." ani Yassi na umupo sa harap ng inuupuan ni Julie.

Napapout na lang si Julie. Hindi na niya alam kung paano pa dedepensahan ang sarili.

"Julie, wala namang masama kung aaminin mong namimiss mo si Elmo eh. Hindi lang naman ikaw ang nakakamiss dun sa lalaking yun. Kami din naman. Yun nga lang, yung sa amin, walang malisya. Yung sa'yo kasi meron." ani Wyn.

It's still youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon