Chapter 19

972 30 0
                                    

Ilang araw ng ginagawa nila Julie ang MV niya. Ilang araw na ring si Elmo ang lagi niyang kasama. Bawat araw na nakakasama niya ito ay may bago siyang natutuklasan tungkol dito.

Tulad noong isang araw, bigla na itong nagpatugtog at sumayaw ng Teach me how to dougie. Nagulat ang iba sa ginawa niya pero ito ang naging dahilan para mawala ang pagod ng lahat. Nagkatawanan sila at ang iba ay sinabayan siya sa pagsayaw.

Tuwang tuwa ang mga kasamahan nila sa kanya. Laging masaya sa set dahil sa kanya. Napaka maalalahanin nito. Lalong lalo na sa kanya. Tinutukso na nga rin sila ng mga kasama nila dahil lagi itong nakaalalay at nakabuntot sa kanya.

During breaks ay lagi siya nitong kinukulit. Nandiyang kilitiin siya nito, o kaya'y papakealaman nito ang gamit niya. Pero mas madalas ang pagiging sweet at thoughtful nito. Lagi nitong inaalala kung okay lang ba siya o kung pagod na ba siya. Lagi itong may nakahandang tubig at pagkain para sa kanya.

Minsan, gusto niyang tanungin ito kung para saan ang mga ginagawa nito sa kanya. Pero baka isipin nitong binibigyan niya ng malisya ang mga ginagawa nito sa kanya kaya hinahayaan na lamang niya ito. Baka sadyang mabait at maalalahanin lamang ito.

Kasalukuyang nag-iisip si Julie ng paraan para sa gagawin nilang eksena maya-maya. Kailangan niyang maipakitang nagseselos siyang makita si Elmo na may kausap na iba. Huling sequence na nila iyon sa araw na iyon at hindi niya alam kung paano niya magagawa iyon ng tama.

"Your still studying?"

Napalingon si Julie sa likod niya nang marinig ang boses ni Elmo. Nakita niyang may kausap itong babae.

Kaya pala bigla itong nawala kaninang sinabi ni direk na mag-break muna sila. Busy pala ito sa pakikipag-usap sa iba. Hinintay pa naman niya ito para mapag-usapan nila ang dapat nilang gawin mamaya. Yun pala, naghintay lang siya sa wala. Mukhang ang saya nila. May pa-hampas hampas pa sa braso ni Elmo. Ito namang si Elmo, nakangiti pa rin. Sarap lang nilang pag-untuging dalawa eh.

"Julie, magsisimula na tayo." ani direk Mark. Hindi niya namalayang nasa tabi na pala niya ito. "Trish, Elmo come here." tawag ni direk Mark sa dalawa. "Trish, this is Julie. Julie, this is Trish, yung makakaeksena niyo." pagpapakilala ni direk Mark sa kanila.

"Finally, nameet din kita. Fan mo ako." tuwang tuwang sabi ni Trish na niyakap pa siya.

"Thanks. Nice to meet you." ani Julie na matipid na ngumiti dito.

"Okay guys, we'll start." ani direk Mark.

Sinabi na ni Direk Mark kung saan kami manggagaling at kung ano ang dapat namin gawin. Nang maiintindihan na namin lahat ay nagsimula na kaming kuhanan.

"Cut! That's great, Julie. Isang take lang. Parang may pinaghuhugutan ah." panunukso sa kanya ng direktor.

"Wala po. Ginawa ko lang po yung kailangan sa eksena." walang buhay na sagot ni Julie.

"Okay ka lang? Kanina lang ang hyper mo, tapos ngayon low batt ka na?" tanong ng direktor na napansin ang katamlayan niya.

"Okay lang po ako. Pagod lang po siguro." sagot ni Julie.

"Ganon ba? Sige magpahinga ka na muna. May rehearsal pa tayo sa PartyP mamaya." ani direk Mark saka nagpaalam na dito.

Pumasok si Julie sa DR nila at umupo sa sofa. Balak niyang magpahinga sandali bago pumunta sa rehearsal nila. Papikit na siya nang pumasok si Elmo sa DR.

"Princess," tawag ni Elmo.

"Don't call me that. That is not my name." naiiritang sagot ni Julie.

"Princess--" tawag ulit ni Elmo nang makaupo ito sa tabi ni Julie.

"I said don't call me that and don't talk to me." naiirita pa ring pagpuputol ni Julie sa sasabihin ni Elmo.

"What happened to you?" tanong ni Elmo na kinalabit pa si Julie.

"Don't touch me." ani Julie na lumayo pa kay Elmo.

Magsasalita pa sana si Elmo nang unahan ni Julie.

"Ahh. Ang kuuliiit! Nakakaasar!" ani Julie na inirapan pa Elmo saka tumayo. Kinuha niya ang mga gamit at lumabas ng DR.

"Where are you going?" habol na tanong ni Elmo kay Julie.

"It's none of your business." sagot ni Julie na hindi man lang tumigil at tumingin kay Elmo.

"Grabe! Hindi man lang sumunod." bulalas ni Julie nang makaupo sa sasakyan nila.

"Miss Julie, sino po ang susunod? Si sir Elmo po ba?" tanong ni Kuya Robert na narinig ang outburst niya.

"Ah, hindi po. Tara na po sa studio." yaya ni Julie sa driver niya.

Pasalampak na naupo si Julie sa sahig ng kanilang studio kung saan nakaupo din si Maqui.

"Anyare syo?" tanong ni Maqui nang makita ang nakabusangot na mukha ni Julie.

"Wala," sagot ni Julie.

"Bakit ganyan ang hitsura mo kung wala?"

"Wala nga eh." naiirita nang sagot ni Julie.

"Julie---"

"Huwag ngayon Maq, puwede?" ani Julie.

"Hi, girls! Good afternoon!" bati sa kanila ng nakangiting si Alden.

"Walang good sa afternoon." mabilis na sagot ni Julie.

Bebeso sana si Alden kay Julie ngunit agad itong inambangan ng kamao ni Julie.

"Chill lang, Juls." nakangiti pa ring sabi ni Alden na umupo sa tabi ni Julie.

"Lumayo ka nga sa akin kung ayaw mong mabanatan." banta ni Julie.

"Anong problema nito?" tanong ni Alden kay Maqui na walang tunog.

Nagkibit balikat si Maqui bilang sagot.

"Ahm Juls---"

Hindi natapos ni Alden ang sasabihin dahil inambangan na naman ito ng kamao ni Julie.

"Oo na. Aalis na ako." natatawang sabi ni Alden saka umalis na.

"Ang sungit ah." komento ni Maqui na inirapan lang ni Julie. "Ano ba kasing problema mo?"

"Wala nga." sagot ni Julie.

"Julie---"

"Oo na. Sige na. Si Elmo."

"Si Elmo? Bakit si Elmo? Anong ginawa niya?" sunod sunod na tanong ni Maqui.

Kinuwento ni Julie ang lahat ng nangyari kay Maqui.

"Kaloka ka. Pagkatapos mo siyang sungitan ineexpect mong susundan ka niya?" tumatawang tanong ni Maqui.

"Bakit ka ba tumatawa? Wala namang nakakatawa sa sinabi ko ah."

"Ang tindi mo pa lang magselos noh." tumatawa pa ring komento ni Maqui.

"Ako? Nagseselos? Hindi ah." tanggi ni Julie.

"Anong tawag mo diyan sa hitsura mo?"

"Ewan. Bakit naman ako magseselos?"

"Dahil may gusto ka sa kanya." sagot ni Maqui.

"Wala ah." mabilis na sagot ni Julie.

"Sige lang. Magdeny ka lang. Ngayon lang kita nakitang ganyan." ani Maqui na natutuwa sa nakikitang reaction ni Julie. "Ganyan ka pala magselos."

"Hindi nga ako nagseselos." bulalas ni Julie.

"Who's jealous?"

It's still youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon