Chapter 36

1.3K 40 5
                                    

On the way si Julie sa location ng ginagawang pelikula. Iba iba ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Itong araw kasi ang last shooting day nila. Nalulungkot siya sa dahil hindi na niya makakasama ang mga naging kaibigan niya sa set. Masaya din siya dahil tapos na ang kanilang pelikula. Higit sa lahat, excited siya sa kalalabasan ng pagod at hirap nila. Excited siyang makita ang kabuuan ng kanilang pelikula.

"Julie, malapit na tayo. Mag-ayos ka na."

Napaupo ng maayos si Julie nang marinig niya sinabi ng ina. Malapit na nga sila sa eskuwelahan. Inayos niya ang suot na uniform at maging ng kanyang make-up. Sinabihan kasi siya ni direk Mac kagabi na pagdating niya sa eskuwelahan ngayon ay kukuhanan na siya agad. Kaya kailangan ay naka-school uniform na siya pagpasok. Kailangan kasi nilang tapusin ngayong araw ang mga natitira pang eksena, kabilang ang ending ng pelikula.

"Baba na Julie." utos ng kanyang ina.

Tinignan ni Julie ang paligid, nasa entrance sila ng eskuwelahan.

"Bakit dito?" naguguluhang tanong ni Julie sa ina.

"Mas malapit ang auditorium dito sa entrance kesa sa parking." sagot ni Marivic.

"Ha? Paanong naging mas malapit? Tsaka hindi ba kayo sasama?" naguguluhan pa ring tanong ni Julie.

"Susunod na lang ako. Ako na rin ang magdadala ng iba mo pang gamit." sagot ni Marivic.

"Ayoko. Dun na lang sa parking. Sabay na lang po tayo."

"Huwag nang makulit, Julie. Bumaba ka na. Nakakasagabal na tayo sa ibang sasakyan. Pangatawanan mo na ang pagiging estudyante mo dito."

Tinignan niya ang likuran nila, marami na nang sasakyan ang naroon. Wala na siyang nagawa. Tinignan muna niya ang sarili sa salamin bago bumaba ng sasakyan.

Hindi niya maintindihan kung bakit doon siya pinababa. Kung bakit siya pinilit ng ina na doon maglakad papuntang auditorium. Madami kayang estudyante ang pumapasok doon. Hindi naman sa nagpapakafeeling sikat siya na ayaw niyang makita ng mga tao. Ayaw lang niyang gumawa ng eksena sakali mang may makapansin sa kanya. Hindi rin kasi niya maaaccommodate ang mga ito dahil nagmamadali siya. Baka masabihan pa siyang suplada o baka kung ano pang isipin nila tungkol sa kanya.

"Good morning po, ma'am!" nakangiting bati sa kanya ng guard pagpasok niya doon.

"Good morning din po, kuya!" nakangiting sagot ni Julie.

"Ma'am, may nagpapabigay po para sa inyo." ani kuyang guard sabay abot sa kanya ng isang orange rose.

Nakangiting kinuha ni Julie ang bulaklak.

"Salamat po, kuya. Sino po nagbigay?"

"Basta pinapaabot lang po." sagot ni kuyang guard.

"Sige po, kuya. Salamat po ulit." ani Julie saka naglakad na papasok sa paaralan.

Nagtataka siya kung sino ang nagpapabigay nun sa kanya? Sino naman ang gagawa nun?

"Para po sa'yo." sabi ng binatang lumapit sa kanya sabay abot ulit ng isang orange na rose.

"Salamat! Sino nagbigay nito?" nagtatakang tanong ni Julie sa binata.

Nagkibit balikat lang ang binata saka itinuro ang isang arrow. Magpapasalamat na sana ulit si Julie ngunit nakaalis na ang binata. Napailing na lang si Julie. Dahil sa curiosity ay sinundan niya ang arrow. Nakalimutan niyang may trabaho pa siyang kailangang unahin.

Hindi pa man siya nakakalayo ay may lumapit ulit sa kanya at nagbigay ng isang orange rose ngunit agad din itong umalis pagkaabot sa kanya. Nagtataka talaga siya sa nangyayari. Ano ba talagang meron? Palingon lingon siya sa paligid baka sakaling may matanungan siya pero parang andalang ng tao sa parteng iyon ng eskuwelahan.

It's still youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon