Chapter 10

969 28 1
                                    

Malapad ang ngiti ni Julie nang pumasok siya sa isa sa mga conference room ng kanilang Network. Binati at bineso niya isa-isa ang mga nadatnan niya roon.

"Ang saya natin ah," komento sa kanya ni direk Mark.

"Opo direk. Excited din ako." nakangiting sagot ni Julie.

"Excited kang makilala yung makakasama mo?" panunukso ni direk Mark.

"Sa paggawa po ng MV." natatawang pagdadahilan ni Julie.

"Ah. Akala ko excited kang makilala siya." panunukso pa rin ni direk Mark. "Okay lang ba sa'yong maghintay muna dito? On the way pa lang kasi yung makakasama mo. May kukunin lang ako sa kabila."

"Okay lang, direk. Maaga pa naman po." nakangiti pa ring sagot ni Julie.

"Sige, Julie. Maiwan muna kita. Saglit lang ako." pamamaalam ng direktor. Tumango na lang si Julie dito.

Patingin-tingin si Julie sa buong kuwarto habang ang iba niyang kasama ay nakikipagkuwentuhan. Bigla siyang napatayo nang makita ang pumasok sa kuwartong iyon.

"Elmo," mahinang banggit niya sa pangalan ng bagong dating.

Ngumiti naman ito sa kanya nang mapansin siyang nakatingin dito. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya dito habang papalapit ito sa kanya.

"Hi," matipid na bati nito sa kanya. Nilahad nito ang kamay kay Julie para makipagkamay.

Nanatiling nakatingin si Julie sa bagong dating.

Lalo namang napangiti ang bagong dating sa nakikitang reaction ng kaharap.

Naramdaman ni Julie na may sumiko sa kanya kaya napatingin siya sa katabi. Sinundan ng mata niya kung saan nakanguso ang katabi at nagulat siya nang makitang nakalahad pala sa harap niya ang kamay ng kaharap. Nang makabawi sa gulat, tinanggap niya ang kamay nito.

"Nagkakilala na pala kayo." bungad ni direk Mark pagpasok niya ng conference room.

Napangiti si direk Mark sa nakikitang reaction sa dalawa. Kinikilig naman ang iba pa nilang kasamahan nang mapansing magkahawak pa rin ang kamay ng dalawa.

"Ehem." pagpapapansin ng direktor sa kanila. Tumingin naman ang dalawa sa kanya.

"Is it soft?" tanong ng direktor sabay nguso sa magkahawak pa rin nilang kamay.

Nang makuha kung ano ang sinasabi ng direktor ay agad silang napabitaw sa kamay ng isa't isa.

"Kanina ka pa direk?" tanong ni Julie nang makabawi sa pagkagulat.

"Medyo. Ayaw niyo nga akong pansinin. Masyado ka atang nadala sa titigan at sa paghawak ng kamay ninyo." tukso sa kanya ng direktor.

Napangiti ng malapad ang binata samantalang namula naman ang dalaga dahil sa sinabi ng direktor.

"So you already met my favorite artist, Mr. Magalona?" tanong ng direktor sa binata.

"Magalona?" nagtatakang tanong ni Julie.

"Yes, Julie. He's Mr. Magalona. Elmo Magalona. Hindi mo siya kilala?" nagtataka ding tanong ni direk Mark kay Julie.

"Maybe she knows me as Elmo Mckenzie." sagot ni Elmo na nakatingin kay Julie. "Right, Julie?"

"Julie?" tanong ni Julie.

"Your name is Julie, right? What do you want me to call you then?" tanong ni Elmo kay Julie.

"Ah. Nothing. Julie will do." mabilis na sagot ni Julie.

Nagtataka man sa inaasal ng dalawa, "Okay, let's start?" yaya ng direktor sa mga kasama.

Tumango silang lahat saka umupo sa kanya kanyang upuan. Kaharap ni Julie si Elmo. Pasulyap sulyap siya rito habang nagsasalita si direk Mark. Hindi na niya naintindihan kung anuman ang sinasabi nito. Madaming tanong ang pumapasok sa isip niya sa mga oras na iyon. Anong ginagawa ni Elmo dito. Siya ba ang magiging kapareha niya? Bakit siya pa? Siya pala yung Elmo Magalona na pinag-uusapan nila Maqui. Paanong siya naging Magalona? Screen name lang kaya niya iyon? Pero ang sabi nila Diva kapatid daw nila Ate Maxx si Elmo Magalona. Paanong nagkaroon ng kapa---

"What do you think, Julie?" tanong sa kanya ni direk Mark.

"Po?" gulat na sagot niya. Nakatingin sa kanya ang mga kasamahan at hinihintay ang sagot niya. Napatingin siya kay Elmo na nakatingin din pala sa kanya. "Ano nga po yun, direk?" baling niya sa direktor.

"Okay ka lang ba? Kanina lang ang saya saya mo, ngayon naman, parang wala ka sa sarili mo. May problema ba?" nag-aalalang tanong sa kanya ng direktor.

"Okay lang po ako. Huwag niyo po akong pansinin. Ano nga po ulit yun?" pag-uulit niya sa tanong.

"Uulitin ko. Elmo ask us to conceptualize his MV for his new single. And because we are also conceptualizing your MV, we are planning to join the two project. Or we are going to shoot two different concept for your own MV and choose your own partner? Or two different concept but your going to be partners? What do you think?" pag-uulit ni direk Mark sa pinag-uusapan nila.

Tumingin ai Julie kay Elmo na parang nagtatanong kung ano sa tingin nito.

"Your choice, Julie. Whatever your decision is, it will also be mine." sagot ni Elmo nang makuha ang nais ipahiwatig ni Julie.

Nakatingin lang si Julie kay Elmo habang nag-iisip, "Ah. I don't know. I'll go with whatever you think what is best for us, direk." sagot ni Julie.

"Okay, then we will just inform you about the details. We still have to study your songs for us to know what is best for the both of you." ani direk.

"Thank you, direk." sabay na sabi nila Julie at Elmo.

"Julie, Mr. Torres ask me to tell you to wait for him. You have to discuss something about your album." ani direk

"Okay, direk. I'll wait for him. Thank you po."

"Okay then, we'll go ahead." pamamaalam ng direktor sa kanila. Bineso muna siya nito bago lumabas.

It's still youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon