Chapter 21

1K 36 8
                                    

"How old is your son?" curious na tanong ni Diva.

Oh no! Nasabi na lang ni Julie sa sarili niya. Akala niya tapos na ang usapan nila tungkol dun.

Tinignan niya si Elmo na nakikiusap na huwag ng sagutin ang tanong.

"He's two." sagot ni Elmo na pasimpleng hinawakan ang kamay ni Julie na parang sinasabing ako ang bahala.

"What does he look like? Can we see a picture of him?" excited na tanong ni Yassi.

"Sure!" sagot ni Elmo.

Pagkuha ni Elmo ng cellphone niya sa bulsa ay napansin ni Maqui ang magkahawak na kamay nila ni Julie. Pasimpleng napangiti si Maqui dahil doon.

Pagbukas ni Elmo ng kanyang cellphone ay pahapyaw na nakita ni Julie ang wallpaper ni Elmo. May nakatagilid na babae na nakaharap sa sanggol sa tabi nito. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha ng babae dahil black and white ang picture at nakatagilid pa ito sa camera.

"Who's that?" tanong ni Wyn na napansin din pala ang wallpaper ni Elmo.

"Who?" tanong ni Elmo na tumingin kay Wyn na nasa kaliwa niya.

"Your wallpaper." sagot ni Wyn.

"Ah. That's Julian and his mom. Their first picture together." sagot ni Elmo na binalik ang tingin sa kanyang cellphone para maghanap picture ni Julian.

Napatakip ng bibig si Julie nang marinig ang sagot ni Elmo. Ibig sabihin siya iyon. Hindi niya alam ang picture na iyon. Hindi rin niya alam kung anong dapat niyang maramdaman ng mga oras na iyon.

"Can we see?" tanong ni Yassi.

Pinisil ni Julie ang mga daliri ni Elmo na nahahawakan niya. Pinisil din ni Elmo ang kamay ni Julie bago nito binigay ang kanyang cellphone.

Napatakip ng kanya kanyang bibig sina Wyn, Yassi at Diva nang makita ang picture. Nakatingin lang sina Julie at Elmo sa kanila habang nakatingin ang mga ito sa cellphone.

"Pakita din." ani Maqui na hinablot ang cellphone ni Elmo sa kanila.

Nagulat si Maqui sa nakita. Hindi niya alam kung paano magre-react.

Binigay ni Maqui ang cellphone kay Julie para makita din nito. Hinihintay ni Maqui ang magiging reaction ni Julie.

Hindi alam ni Julie kung anong mararamdaman niya ng makita ang picture. Hindi lang iyon basta litrato nilang mag-ina. Nakahiga si Julian sa kamay niya habang nakahalik siya sa ulo nito at may butil pa ng luhang patulo sa kanya mata.

Kung hindi niya alam na siya ang nasa litrato, aakalain niyang isa iyong master piece. Just by looking at the picture, mararamdaman mo kung gaano nito kamahal ang anak. Na parang sinasabi nito sa anak na handa niyang gawin ang lahat para dito.

Naramdaman ni Julie ang pagtapik ni Maqui sa likod niya at ang pagpisil ni Elmo sa kamay niya. Nginitian niya ng maliit si Maqui na tinanguan naman ng huli. Tumingin din si Julie kay Elmo na nakangiti sa kanya kaya sinuklian din niya ito ng ngiti.

"She loves your son." komento ni Yassi. "But why did she left you?"

"She didn't left us." agad na sagot ni Elmo.

"Where is she?" tanong ni Wyn.

"She's pursuing her dreams." sagot ni Elmo.

"In the news---"

"It's not true. They didn't know the real story." pagpuputol ni Elmo sa tanong ni Diva.

Pinisil ni Julie ang kamay ni Elmo kaya napatingin ito sa kanya. Nginitian niya si Julie bago nagpatuloy.

It's still youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon