Chapter 8

1K 27 0
                                    

Abala si Julie sa pagkalikot ng kanyang cellphone habang naghihintay na tawagin siya para sa rehearsal nila sa araw na iyon.

"Kamusta, bebe girl?" tanong ni Maqui na kapapasok lang ng DR.

"Okay lang ako, Mommy." nakangiting sagot niya rito.

"Hindi mo kasama si Tita?" tanong ulit ni Maqui.

"Hindi eh. Hindi niya maiwan si Julian."

"Julian? Yung bata nung birthday mo?"

"Yap. Siya nga. Salamat pala sa pagpunta. Hindi na ako nakapagpaalam sa inyo. Bigla na lang kasi kayong nawala." ani Julie.

"Nagkakagulo na kasi kayo nun. Masyado kang naexcite sa pagdating niya. Nakalimutan mo kami." nagtatampong sabi ni Maqui.

"Sorry, Maq. Hindi lang talaga ako makapaniwala nun na nasa harapan ko na siya. Na makikita ko ulit siya." paliwanag ni Julie.

"Sino ba yung batang yun, Julie? Sa reaction mo, para kang nanay niya na matagal nawalay sa anak niya."

"Tama ka, matagal ko nga siyang hindi nakita. He's my son, Maq." sagot ni Julie.

"Ah. Kaya pala. wait--- He's your WHAT?" gulat na tanong ni Maqui.

"Ang bunganga, Maqui." pag-aawat ni Julie sa kaibigan na halos sumigaw na.

"Sorry. He's your what?" ulit na tanong ni Maqui.

"He's my son, Maq." sagot ni Julie.

"Seryoso?" tanong ni Maqui na tinanguan naman ni Julie. "A. Ahm. A." Hindi alam ni Maqui kung anong sasabihin sa kaibigan. "Paanong---"

"Hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan yan, Maq." sagot ni Julie sa hindi natapos na tanong ni Maqui.

"Sige. Pero kailangan mong ikwento sa akin lahat lahat." pagsang-ayon ni Maqui.

"Anong ikukuwento ni Julie?" bungad ni Diva na kapapasok lang ng DR kasama ang ilan sa mga kaibigan nila.

Tumingin si Julie kay Maqui sa nakikiusap na tingin.

Nakuha naman iyon ni Maqui, "Ah, yung sa album niya. Magsho-shoot na daw sila ng music video." pagdadahilan ni Maqui.

"Talaga? Kailan ang shoot?" excited na tanong ni Yassi na isa mga kaibigan niya at kasamahan sa show.

Palihim namang nagpasalamat si Julie kay Maqui bago sumagot. "Di pa sure kung kailan. Inaayos pa kasi nila direk."

"Sinong leading man?" tanong ni Wyn.

"Malamang si Alden. Si Alden kaya ang ka-loveteam." sagot ni Diva.

"Ikaw na ba ngayon si Julie?" tanong ni Wyn kay Diva kaya nagtawanan ang mga kaibigan niya.

"Hindi. Pero hindi na dapat tinatanong ang obvious. Alangan naman si Jhake ang leading man niya, eh si Alden naman ang ka-loveteam." mahabang paliwanag ni Diva.

"May point." ani Yassi.

"Ano nga palang bago sa inyo ni Alden?" tanong ulit ni Wyn.

"Wala namang bago sa amin. Magkaibigan kami. Yun lang." sagot ni Julie.

"Yun lang? Bakit ang balita ko nililigawan ka na daw ni Alden?" tanong naman ni Diva.

"Sinong nililigawan ko?" tanong din ni Alden na bagong dating.

"Si Julie." sabay sabay na sagot ng mga kaibigan niya. Pinandilatan niya ang mga ito pero hindi siya pinansin.

"Uso ba talaga ngayon ang bigla bigla na lang sumusulpot?" tanong ni Julie sa mga kaibigan.

It's still youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon