CHAPTER FIFTY TWO

34 1 0
                                    

Rico's POV


"Sir?"


"Sir."


"Sir, ayos lang po ba kayo?"


Agad na ko nakabangon dahil sa boses na 'yun. Pero, napansin ko na wala ako sa bahay.


"Sir, ayos lang po ba pakiramdam niyo?"


Napatingin ako sa tabi ko, bakit may guard dito? Atsaka, nasaan ako?


"May kasama po ba kayo sir?"


Teka, hindi ko na alam ang nangyayari dito. "Actually-"

"My god, kuya. Ano'ng ginagawa mo diyan?"

Mukha ni Ria ang bumungad sa tabi ng guard ngayon. Dala-dala pa ang maleta niya.

"Ria?"

Nagtaka na rin 'to. "Ano'ng ginagawa mo? Bakit nakahiga ka diyan?"

"Nakita ko po ma'am, hinimatay si sir." sabi na lang ng guard sa kanya. 

Hinimatay? Pa'no ako hinimatay?

Napakamot na lang sa ulo si Ria. "Hay nako kuya, ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. Kung buhay lang talaga si Mama, bingo ka na naman sa kanya."

"Bakit?" ayan na lang ang naitanong ko.

"Sinasagad mo ang sarili mo sa trabaho. Porket hindi kayo okay ni Soliva ngayon, ganyan ka na. Magpo-propose ka pa mamaya sa kanya 'di ba?"

Bago pa ko sumagot, tinulungan pa ko ng guard na tumayo. "Sigurado po ba kayo na okay kayo sir?"

Tumango ako. "Okay lang ako kuya. Nandito naman yung kapatid ko kaya may kasama na ko."

"Sige po sir." saka na umalis ang guard. Hindi ko pa rin alam kung pa'no ako nakarating dito.

"Kuya, sure ka ba?" napatingin ako kay Ria. "Okay ka na ba talaga?"

"Oo, okay naman ako ah." pero marami akong tanong na gusto kong sagutin. Teka, nasaan ba sila?

"Kinakabahan ka 'no?"

Napatingin ako sa kanya. Kinuha ko na rin ang maleta niya at ako na ang naghila. "Saan?"

"Para mamaya."

"Ano'ng meron mamaya?"

Napalaki ang mga mata niya. "OMG. Kuya, hindi mo itutuloy ang pagpo-propose mo kay Soliva?"

Sinabi na niya kanina pero. . . "Ngayon ba 'yun?"

"I don't know. Basta, bago ako pumunta ng Canada, kailangan matuloy ang kasal niyo." sagot na lang niya habang naka-ngiti.


~ ~ ~


Nang makauwi kami sa bahay, dumiretso na agad ako sa kwarto. Bahala na kung ma-weirduhan si Ria sa akin.

Nilock ko agad ang pinto at humiga. Tama, heto pa rin ang kwarto ko.

Inaalala ko kung ano ang nangyari. Ang alam ko, kakahiling ko lang kanina.

Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang maghiwa-hiwalay na kaming lahat matapos namin mag-dinner sa restaurant ni Bianca. Ang asawa ni Bianca ang naghatid sa amin dahil hindi na kaya mag-drive ni Paulo sa sobrang lasing.

Revision Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon