CHAPTER FIFTY EIGHT

28 1 0
                                    

Bianca's POV


Hinatid ko muna ang anak ko sa school. Wala ngayon ang asawa ko, business trip daw. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niya. Malalaman ko naman 'yon dahil kilala ko ang secretary niya.


"Mama, ikaw din ang magsusundo sa akin mamaya?" tanong ni Cindy nang ihinto ko sa tapat ng gate ang kotse.

"Late ako uuwi, 'nak. Kay tita ka muna habang wala ako?"

Umiling siya. "Doon muna ako sa bahay ni Alicia. Alam niyo naman po iyon kung saan, 'di ba?"

Tumango ako habang nakangiti sa kanya. "Sige, susunduin kita roon. Huwag ka aalis sa bahay nila hangga't hindi ako dumarating, ha?"

"Opo!" nang isigaw niya iyon sa akin, agad naman niya tinanggal ang seatbelt at niyakap ako.

"Enjoy." sabi ko sa kanya nang makuha na niya ang pink niyang backpack sa backseat. Nag-wave muna ito sa akin bago siya lumabas ng kotse at agad tumakbo papasok sa loob ng campus nila.


Saan ba ako pupunta ngayon? Siyempre, hindi sa restaurant. Nangako ako na pupuntahan si Karen. Gusto ko siyang kumustahin. Kailangan kasama ko rin si Leandros para masaya.



"Paano mo nalaman ang address ni Karen?" tanong niya nang masundo ko siya sa bahay niya.

"Nakita ko kanina sa table namin, brown envelope. May nakasulat na Karen Olina ang nakasulat. Walang laman ang envelope na 'yon, naka-indicate rin ang address kaya..." sabi ko nang tumingin sa kanya, i-type mo na diyan ang address niya." napanguso ako sa phone na hawak niya.

Actually, hindi ko alam kung bakit nagpakita ang envelope na'yon sa pamamahay namin. Sinubukan kong i-contact si Karen nang maka-uwi ako galing sa bahay ni Leandros. Kaso, out of reach daw ang number niya.

"Bakit kailangan ko pa sumama?" Nagsimula na kong mag-drive. Si Leandros ang may hawak ng phone para tumingin sa waze. 

"Kailangan ni Karen ng clown." sabi ko. Sakto na nag-red light kaya hininto ko ang sasakyan at dahan-dahan na tumingin siya kanya.

Hayun, naka-poker face ang loko. "Mukha ba kong clown sa paningin mo!?" tanong niya habang tinuro ang kanyang sarili.

"Oo naman! At least, hindi ako mapapagastos mag-hire lang ng clown. Alam kong hindi masaya si Karen ngayon, kaya..." sabi ko saka ko siya tinuro. "Kailangan ng clown." Ningitian ko siya.

"Hindi mo kailangan mag-costume, okay?" dagdag ko pa sa kanya. Hindi ko mapigilan na tumawa dahil sa hitsura niya ngayon. Ang sama ng tingin sa akin, kala mo, ang laki ng kasalanan ko sa kanya.

"Sige na, para kay Karen naman 'tong gagawin mo." sabi ko sabay binalik ko ang aking tingin sa traffic light, sakto na nag-go signal na. Inandar ko na ang kotse at niliko ito sa kanan.

"Malapit na tayo, sabi dito." sabi na lang ni Leandros kaya napatingin ako sa phone. Binagalan ko na ang pagtakbo ng sasakyan para masundan ko ang nasa waze.

"Dito." nang sabihin iyon ni Leandros, hininto ko na agad ang kotse. Hindi ko alam kung alin ba sa mga bahay na 'to ang bahay talaga ni Karen.

"Okay lang ba, i-park natin dito?" tanong ko sa kanya.

"Oo, pwede naman." sagot niya sabay tinanggal na ang seatbelt.


~~~~

Revision Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon