Lia's POV
"Kailangan na natin puntahan ang mga bata."
Lumingon kami kay Pis, makikita mo sa mukha niya ngayon na nag-aalala. Nandito pa rin kami sa bahay ni Prico. Kinabukasan, sumunod na din si Dorothea sa mundo ng mga protectors.
"Ha?" tanong na lang ni Brali, kapatid ko na kambal din.
"Pupuntahan na sila ni Syren. Pero, hindi ko inaasahan na mas mabilis na siya kumilos ngayon." napatayo na ko sa kinauupan ko nang sabihin niya iyon.
"Walang kaalam-alam ang mga bata. Hindi pa gising si Fey para makita niya kung ano ang nakita mo." sabi ko na lang sa kanya. Nag-aalala pa rin ako kay Fey, hindi na namin alam kung tuluyan na ba siyang gagaling o hindi. Nagpakita na si Harold sa kanila eh.
"Ano pa ang ginagawa natin dito? Unahan muna natin siya bago pa niya makuha si Harold." sabi na lang ni Arose kaya naman, umalis na kami dito para puntahan ang mundo nila.
~~~
"Nandiyan na siya." sabi na lang ni ate Sagi sabay hinanda niya ang kanyang bow at arrow. Noong naging protectors kami, apoy ang kanyang bow at arrow. Pero, ang gamit niya ngayon ay ang simpleng bow at arrow na nilagyan ng mahika. Agad din niya tinira sa kalangitan para malaman namin kung nasaan siya.
"Mukhang nakita na tayo." sabi na lang ni Leo. Nakikita na namin siya papunta sa kinatatayuan namin. Nasa loob kami ng gubat, sa labas nandoon ang kanilang bayan. Kalmado pa naman ang lahat. Kami lang ang nakakakita na may labanan na magaganap dito.
"Lia, gawin na ba natin?" tanong na lang ni Brali sa'kin. Tumango na lang ako bilang pagtugon kasabay nu'n. tinapat ko na ang aking palad sa kanyang palad para makabuo kami ng shield.
"Lagot, kanina pa pala tayo tinitira." sabi na lang ni Vir. Naiintindihan ko na kung bakit ganitong shield ang nagawa namin, transparent.
"Teka, ang lakas ng atake niya." sabi ko na lang habang pinipigilan ko'ng harangan ang kapangyarihan niya. Ganun din si Brali. Hindi namin madidikit ang aming palad dahil may nabuo na ng hangin sa gitna. Hayun ang nagsisilbing guide namin kung gaano kalaki dapat ang mabuo namin na shield.
"Ano? Atake na ba kami?" tanong na lang ni Prico.
"Wag!" sigaw ni Brali. "Hintayin niyo muna na masira 'tong shield namin!"
"Bakit?" tanong ni Arose.
Napatingin ako sa kanya. "Nanghihinga na siya habang papunta siya dito. Kayo na ang mag-physical attack sa kanya!" Hindi na namin kaya napaluhod na lang kami sa lupa. Nasalo naman ako ni Niel. Si Brali naman, agad umakbay kay ate Sagi na nasa tabi niya ngayon.
"May nararamdaman ba kayo na kakaiba?" tanong ko na lang habang napapikit sa sobrang pagod.
"Oo. Ang bigat sa pakiramdam." sabi na lang ni Pis kaya napangiti ako. Sinandal ko na lang ang ulo ko kay Niel. Mabuti na lang hindi siya nakahawak sa'kin, kung hindi, mamatay ako sa lason niya.
"Ano 'yan?!" tanong na lang ni Cercan sabay may tinuro sa kanan niya.
"Bolang apoy 'yan! Cercan!" sigaw ni Brali. Kaya naman agad tumakbo si Vir para harangan yung bilang apoy na papunta dito.
"Ariusa! Sa likod mo!" sigaw pa ni Brali. Mabuti alert si Aruisa kaya nagawa niyang i-yelo yung bolang apoy.
"Gem! Sa likod! Kaliwa ka tumingin!" sigaw na lang ni Brali. Umilag lang si Gem at umalis na lang yung bolang apoy.
BINABASA MO ANG
Revision Of Fate
Fantasy(ZODIAC PROTECTORS BOOK 3) "Lahat ng mangyayari sa inyo, mababago dahil sa kanya." What will happen after their sad battle? DATE STARTED: May 9, 2020 DATE FINISHED: April 18, 2021