CHAPTER THREE

84 1 0
                                    

Soliva's POV

"Ems, mauna na ako ah." Ayan ang nasabi ko habang nagmamadali ako mag-ligpit ng gamit ko.

Pumunta si Ems sa table ko. "May kadate ka?" Hindi ko siya sinagot pero ngumiti ako sa kanya. "Wow! May kadate siya! Sana all!"

"Sira! Babae ida-date ko."

"Aba, babae na pala ang type mo ngayon ah."

"Sira, magkikita lang kami. Alis na ko, bye." Saka ako umalis ng faculty. Co-teacher ko si Ems dito sa school na tinatrabuhan ko ngayon. Isa siyang Science teacher eh ako, sa pre-schoolers lang talaga ako nagtuturo. Siya yung madalas na nakaka-usap ko dito bukod pa kay Trisha.

Bakit ba ako nagmamadali? Magkikita kasi kami ni Fey ngayon. Yup, kakalabas lang niya ng hospital. Sana gumaling na siya kaagad bago pa sumugod yung kalaban namin. Atsaka, kailangan ko pa sila makita. Pa'no ko ba sila hahanapin?

"Soliva?"

Napalingon na lang ako sa boses na 'yun. Si Fey! Agad ako lumapit sa kanya at niyakap siya.

Nang makawala na ko sa pagkaka-yakap ko sa kanya, "Pa'no mo nalaman na dito ako nagta-trabaho?"

"Dito kasi nag-aaral yung pamangkin ko. Ako na ang nagbayad ng tuition fee niya. And, sakto din na nakita kita." Ayan ang sabi niya. "So, let's go?"

~

"Ha? 'Aliens'?" Ayan ang nasabi niya nang tinanong ko about sa 'aliens'. Nasa restaurant kami ngayon na malapit sa condo unit niya daw.

"Actually, inaalam pa ng mga scientist ngayon kung saan sila galing. May nag-kwento na nage-exist na talaga sila 10 years ago. Pero, wala naman pinakita na picture before. Nitong taon lang sila nagpakita eh tapos pumapatay daw sila ng mga tao. Pero parang imposible kasi 'yun." Napapatulala na lang ako sa mga sinasabi niya.

"Bakit mo pala natanong 'yun?" Tanong na lang niya. Kailangan matanong ko na 'to.

"Talaga bang nage-exist ang mga Zodiac Protectors? Kasi sila lang daw ang makaka-patay sa mga 'alien' na 'yun eh."

Saglit siya tumingin sa'kin. Sana maalala niya. "Nage-exist talaga sila?"

Patay tayo diyan Soliva!

"S-sabi nila ah. Kasi yung kaibigan ko, gustong-gusto niya makita yung Taurus Protector kasi daw gwapo." Paliwanag ko.

"Wala naman na sumagap sa'min na may mga papatay sa mga 'alien', sana kinontak sila."

"What if kung isa ka sa mga Protectors? Halimbawa, Pisces Protector?"

Kaagad siya ngumiti sa'kin. "First of all, how did you na Pisces ang zodiac sign ko? Pangalawa, ako? Ang Pisces Protector? Imposible 'yun. Sa libro lang sila nage-exi-"

"Pero ikaw talaga ang Pisces Protector Fey."

"Huh?"

Nang matapos kong ikwento sa kanya yung mga bagay-bagay na naalala ko lang...

"Sol, ano'ng title ng libro 'yang nabasa mo?"

"Hala! Totoo kasi yung sinasabi ko." Napapa-iyak na lang ako. Bakit ba kasi wala maalala 'to?

"I have no idea sa mga sinasabi mo pero sige, maniniwala na ako sa sinasabi mo. Na isa akong Pisces Protector 'di ba?" Tanong niya saka ako tumango. "Wala talaga ako maalala sa mga sinasabi mo pero, sige maniniwala na lang ako sa'yo."

"Totoo naman kasi na nangyari lahat ng 'yun." Bulong ko habang naka-yuko na, alam kong narinig din niya kaya napa-tawa siya.

"May ipapakita ka ba sa'kin na magpapatunay na isa akong Pisces Protector?" Napa-angat ako ng tingin sa kanya.

"Gusto dalhin kita sa mansyon? Sinabi niyo kasi sa'kin na 10 years ago, doon tayo pinatira ni Dorothea. At ayun din ang nadatnan ko nu'ng mga panahon na 'yun." Grabe talaga yun, parang nasa ibang dimension ako nu'ng nakita ko silang lahat.

"Mansyon? And sino si Dorothea ulit?"

"Siya yung nag-guide sa'tin para maging Zodiac Protectors tayo."

"Ah, eh sino naman yung Harold?"

"Siya yung Aries Protector na naging kalaban natin." Kaka-kwento ko lang eh!

Napatawa na lang siya bigla. "Sorry, hindi kasi ako nakinig mula nu'ng sinabi mo na 10 years ago, isa akong Pisces Protector. And if I am a Pisces Protector, ano sa'yo?"

"Aquarius Protector. Pero hindi ko na alam kung pa'no ko papalabasin yung kapangyarihan ko."

"Wow, and your zodiac sign is Aquarius, tama ba?" Tanong niya saka ako tumango.

Maya-maya, may napansin ako na mga business men na nag-uusap sa tapat ng table namin. Yung mga hitsura nila, may local at foreigners. Hala, teka.

"Sol, may problema ba?" Tanong sa'kin ni Fey.

Si Rico ba 'tong nakikita ko? Ano ba ulit trabaho niya?

"Kilala mo ba sila?" Napa-lingon ako sa tanong ni Fey. Sasabihin ko ba?

"Yung isa diyan, Taurus Protector. At, simula nu'ng nawalan ako ng memorya tungkol sa inyo, siya na lagi kausap ko."

"Ah. Sino ba diyan? Let me guess. Yung lalaki na may ka-holding hands?" Hinanap ko yung sinasabi niya. At, oo. Si Rico nga 'yun. Fiancé niya kaya yung ka-holding hands niya?

"Naging kayo ba before?"

"Hala! Hindi ah." Nakakagulat naman mag-tanong 'to.

"Talaga? Ba't parang nasasaktan ka nu'ng nakita mo siya? Ah. Special siya sa buhay mo 'no?" Feeling ko, namumula na yung pisngi ko.

"Hmm. Crush mo siya?" Pambata lang yung crush pero, tumango na ko kay Fey na, agad naman siya napa-ngiti.

"H-hindi na bale kung may asawa man siya o wala, kailangan maka-usap ko siya about sa pagiging Taurus Protector." Bakit nasasaktan ako kapag magkaka-titigan sila nu'ng ka-holding hands niya ngayon.

"What if kung hindi niya maalala na isa pala siyang Protector katulad ko?" Napa-lingon ako sa tanong ni Fey.

"Edi, talo na naman tayo. Good bye Earth na."

"Alam mo, okay lang naman sa'kin na makipag-laban, kung may kapangyarihan lang ako. Tutal, bilang na ang oras ko dito sa mundo." Saka siya ngumiti.

"Hala, hindi ka pa pwede mamatay!" Napasigaw na lang ako na, narinig ata nila lalo na sa pwesto ni Rico. Na, naka-tingin na dito sa pwesto namin.

"Ano ka ba Sol, wag mo ipag-sigaw na may sakit ako." Saka siya tumawa nang mahina.

"Alam mo, ipakita mo na lang sa'kin yung mansyon. Doon na lang ako titira." Hala.

"Pa'no na yung trabaho mo?"

"Nalaman naman nila na may sakit ako. Babalik naman ako sa field ko kapag magaling na ko. I want inner peace, payapa naman ang lugar na 'yun 'di ba?" Halata sa mukha niya na pagod na pagod na siya. Pero hindi pa siya pwede mamatay, kailangan namin siya.

"Oo, pwedeng-pwede ka tumira du'n. Payapa ang lugar na 'yun." Saka ko siya ningitian.

Kailangan ma-kumpleto ang labing-tatlong Zodiac Protectors bago pa sumugod si Syren dito.

Pero, pa'no ko ba kakausapin si Rico? Lalo na't ikakasal na ata 'to. Ang sakit talaga sa mata.

~

HI. HELLO. KUMUSTA NAMAN KAYO?

OKAY LANG MAGING LONELY MINSAN. PERO KAILANGAN PA RIN NATING ITULOY ANG LAYF KAHIT ANG SHIT NA HAHAHHA!

VOTE - FEEL FREE LANG MAG-COMMENT - FOLLOW NIYO NA KO HAHAHAHA

ARIGATOU :*

Revision Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon