CHAPTER THIRTY THREE

51 1 0
                                    

Arose's POV


"Nakita ko na siya."


Napa-tingin na lang ako kay Pis na naka-silip lang sa bintana. Kung tatanungin niyo kung nasaan kami, nandito kami sa ospital. Binabantayan namin ang anak niya, si Fey na natutulog ngayon kasama ang Gemini Protector na natutulog din sa sofa. Mukhang siya ang nagbabantay ngayon.


"Sino'ng siya?" tanong ko na lang. Maganda ang buwan ngayon kaya nasa bintana si Pis.

"Si Harold." sagot niya sabay lumingon siya sa'kin. "Kailangan na niya malaman ang totoo."

Nagtaka ako sa kanya. "Ano'ng totoo?"

"Nakalimutan mo na ba?" tanong na lang niya. Ang alin ba 'yun? "Siya ang anak ni Diemon."

Oo, muntikan ko na makalimutan. Napa-kamot na lang ako sa ulo ko, kainis. "Patawad."


Ayokong tumingin sa kanya kasi nahihiya ako pero, nagawa ko pa rin tumingin sa kanya at... Naka-ngiti siya ngayon sa'kin. Ngiting akala mo wala siyang problema.


"Bakit mo kinalimutan?" tanong na lang niya pero naka-ngiti pa rin siya.

"Patawad nga." sagot ko na lang sa kanya. "Pero, saan mo siya nakita? Atsaka, sino magsasabi sa kanya nu'n?"

"Malapit lang dito sa bansa nila. Atsaka..." kumunot na lang ang noo niya. "Ikaw ang magsasabi sa kanya tungkol du'n."

Napa-nganga na lang ako. "Huh? Ako?" tumango na lang siya bilang tugon. "Bakit ako?"

"Kasi ikaw ang Aries Protector. Tungkulin mo na protektahan siya mula sa pamilya niya." sagot na lang niya. Oo, pinangako nga namin 'yun. Pero kasi...

"Hindi mo ba kayang sabihin sa kanya, tama ba ko?" Utang na loob, Pis! Huwag mo basahin ang iniisip ko ngayon! "Patawad, hindi ko mapigilan. Naririnig ko kasi."

Huminga ako nang malamin bago magsalita. "Tingin mo ba matatanggap niya kung sino ba talaga siya? Lalo na siguro kung nalaman na ng mga kasama niya ang tungkol diyan."


Hindi na nakapag-salita si Pis. Lumapit na lang siya sa anak niya at hinaplos ang ulo.


"Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit mo siya pinatakas sa palasyo ni Diemon noon." sabi ko na lang.

"Siya ang mamumuno sa mundong 'to. Ayokong makita ng anak ko na pinapatay na ng mga tauhan ni Diemon ang mga tao dito, katulad lang ng ginawa niya sa mundo natin." sabi na lang niya. Nakikita ko pa rin sa mga mata niya ang lungkot kapag inaalala niya 'yun.


Kitang-kita ng mga mata namin kung pa'no pinatay ng mga tauhan ni Diemon ang bawat tauhan namin sa aming mga palasyo. Pati na rin ang mga iba pang oridnaryong tao na may kinalaman sa'min. Sinubukan  naming protektahan sila pero dahil sa sobrang daming tauhan ni Diemon noon, hindi pa sapat iyon para matalo namin sila. Kaya nagawa pa naming tumakas at tinuloy ang plano ni Dorothea. Ayoko pa talaga mamatay pero, mukhang ganito na ang katapusan ng buhay namin.


"At may alam ka ba kung sino ang makakatalo sa kanya?" tanong ko.

Ngumiti siya sa anak niya. "Siya."

"Siya?" tanong ko na lang sabay tumingin ako sa Pisces Protector. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

Lumingon siya sa'kin. "Kung hindi man tinakas ni Sarah si Harold sa palasyo ni Diemon, itutuloy pa rin natin ang plano ni Dorothea na ibigay sa mga batang 'to ang Element natin. Nakita ko na... Siya ang makakatalo kay Harold sa mundong 'to. Kung pa'no niya patayin si Diemon noon, ganun din ang gagawin ni Fey."

Revision Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon